Kabanata 13

52 4 0
                                    

GRASIA

“Grasia, pupunta ka mamaya sa party ni Hino diba?” tanong ni Sir Xin. Tumango lang ako kay Sir Xin. Nasa hapag silang tatlo ngayon nina Sir Linnus at Ma'am Shirley. Nakatayo lang ako sa gilid katabi si Ate Susan.

“What?!” gulat na gulat na tanong ni Ma'am Shirley. “Bakit imbitado ang isang muchacha sa party ni Hinoeh?!”

“Shirley, pinagpaalam na siya ni Xico...”ani Sir Xin. “Ipapasama ko na rin si Vicky at Susan, dahil silang dalawa lang ang maiiwan dito.”

“No!” sigaw ulit ni Ma'am Shirley.

“Why not? They're invited...” tamad na tumingin si Sir Linnus kay Ma'am Shirley. “It's Hino's birthday, not yours.”

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Sir Linnus. Simula pa lang ay may iba na akong nararamdaman sa pagitan nilang dalawa. Palagi silang nagtatalo at nag-aaway, basta... Hindi sila magkasundo. Mag-ina sila... Pero bakit?

“Pagkatapos ng gawain niyo ngayon Grasia... Susan... Sabihan niyo na lang si Vicky. Para makapaghanda na kayo para sa party,” mahabang sambit ni Sir Xin.

“O-opo, S-sir! Salamat po!” sagot ni Ate Susan kay Sir Xin.

* * * * *

“Ay! Ang bongga ng damit mo Grasia!” puri ni Ate Susan sa akin nang makapagbihis na.

“Sus, Ate! Ano ka ba, damit lang? Hindi ba maganda 'yung nagsusuot?” nakangisi kong sabi sa kaniya.

“Shempre! Alam na namin 'yon Grasia, tapos lalo ka pang gumanda dahil sa suot mo!” kanina pa talaga niya ako pinupuri. Ewan ko ba rito kay Ate Susan. Pereng shera.

Tiningnan ko ang suot kong off-shoulder dress sa harap ng salamin. Kulay tsokolate ito na bumagay naman sa maputi kong balat. Plain lang ito at walang disenyo, parang may pa-ruffles lang siya sa parteng dibdib paikot.

Medyo humapit lang ito sa katawan ko, sa hindi ko malamang dahilan. Naisip ko na baka tumaba ako? Kasi dati medyo maluwag pa ito sa akin.

Hanggang tuhod naman ang haba at tinernuhan ko ng flat sandals. Mabuti na lang pala at may nadala akong damit at sapatos na ganito. Tapos pinahiram na lang ako ni Ate Susan ng slingbag niya na medyo brown din ang kulay kaya bumagay sa damit ko.

Nilagyan ko naman ng clip ang isang side ng buhok ko. Pagkatapos ay hinayaan ko ng nakalugay ang lagpas balikat kong buhok. Kuntento na naman ako sa ayos nito dahil natural na umaalon ang buhok ko.

“Tara na Grasia!” kanina pa talaga excited si Ate Susan. Ito raw kasi ang unang pagkakataon niya na makaka-attend sa party ng mayayaman. Kahit ako rin naman.

“Ate Vicks, sure ka ba? Hindi ka talaga sasama?” tanong ko. Ang sabi niya kasi masama ang pakiramdam niya. Kaya mas pinili na lang niyang magpahinga.

“Oo, ayos lang ako rito. Magpakasaya kayo roon, minsan lang 'yan.” Nakahiga na siya sa kama niya ngayon.

“Opo, Ate. Mag-ingat ka rin dito ah, ikaw lang tao... I-text mo na lang kami ni Ate Susan.” Tumango lang siya sa akin.

Nang maayos na ang lahat. Lumabas na kami ni Ate Susan ng mansyon. Medyo nahuli pa kami dahil tinapos pa namin ang mga gawain sa mansyon. Ang mga amo kasi namin eh, kanina pa nasa kabilang mansyon.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon