GRASIA
“Good morning Mana!” bati ko pagpasok ng kusina. Naabutan kong busy sa pagluluto si Mana. Dahil sa labas pa lang ay naaamoy ko na ang ulam na niluluto niya.
“Ay! Anak ng baboy at tokwa malaki ay! Ano ka bang bata ka?! Grasia?!” gulat na gulat ang mukha niya nang makita ako.
“Mana naman, hindi ka pa rin nagbabago! Magugulatin ka pa rin!” nakahawak ako sa aking tiyan habang tawang-tawa ako sa reaksyon niya.
“Wow! Nakakahiya naman sa'yo!” balik sa akin ni Mana. Lumapit pa ako sa kaniya at inamoy ang kaniyang niluluto na tokwa at baboy.
“Ang sarap naman niyan—Aray!” napangiwi ako nang hampasin niya ako sa likod.
“Anong ginagawa mo rito? Bakit doon ka nanggaling sa loob?” nagtataka niyang tanong.
“Aray ko naman Mana! Ang hilig mo talaga tumira nang patalikod!” reklamo ko.
Tumaas naman ang isa niyang kilay. “Hoy! Anong tumira patalikod? Sagutin mo ang tanong ko Grasia!”
“Bumalik ako Mana, may multo roon sa mansyon! May naririnig akong kung anu-ano.” Ngumuso na lang ako at pabagsak na umupo sa silya.
“Multo?!” gulat ang kaniyang mukha.
“Oo, grabe Mana... Ang creepy pa nga eh... Nako hindi lang ako prepared kagabi pero mamaya magdadala na ako asin at bawang.”
“Boang ka ng bata ka! Multo? Tapos asin at bawang? Baka aswang?” Pinatay na niya ang kalan at humarap sa akin.
“Bawal ba 'yon?” tanong ko.
“Boang, bahala ka nga. Kumain ka na ba?” Umiling lang ako. “Oh, siya mamaya hintayin na lang natin sila Budang at Baby. Kailangan kasi na mauuna tayong mag-almusal kina Sir at Madam.”
Tumango lang ako saka pumangalumbaba sa mesa. Buti na lang at nakatulog ako ng ayos kagabi. Pero pagkagising ko kanina naalala ko agad 'yung nakita ko.
“Good morning Mana Maria!” napaayos ako ng upo nang makita si Chen papasok ng kusina. Bagong ligo siya dahil basa pa ang buhok. Amoy na amoy sa buong kusina ang mabango niyang sabon. Ano kayang sabon niya?
“Good morning!” si Mana.
Napalingon naman sa akin si Chen. “Grasia! Nand'yan ka pala!”
“Good morning best friend!” bati ko.
“Good morning din!” bati niya pabalik. Nakita ko naman ang mukha ni Mana na nagtataka.
“Best friend? Kailan pa kayo naging mag-best friend?” tanong ni Mana.
“Kagabi—Hindi. Kahapon lang Mana!” sabay tawa ko. “Gulat ka 'no? Daig kita, best friend ko na agad si Chen.”
“Chen?!” hindi pa rin makapaniwala si Mana. “Maghunus-dili ka Grasia, baka naman nananaginip ka pa.”
“Hindi po Mana, totoo po ang sinasabi niya,” wika ni Chen habang kumukuha ng gatas sa ref.
“Oh, diba! Ayaw kasi maniwala!” pagyayabang ko kay Mana.
“Ewan ko sa inyong dalawa.” Nilayasan naman kami ni Mana para tawagin sina Ate Budang at Ate Baby.
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...