GRASIA
Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa akin pagmulat ko ng aking mata. Nasa langit na ba ako?
Dahan-dahan akong bumangon. Napahawak naman ako agad sa aking ulo. Bigla na lang itong sumakit nang gumalaw ako.
“A-aray.”
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Teka? Nasa ospital ba ako? Anong ginagawa ko rito? Sumakit lalo ang ulo ko dahil pilit kong inaalala ang mga nangyari.
“Walang hiyang bruha 'yon! Akala mong maganda! Ubod ng pagkademonya! Wala pa siya sa impyerno, sinusunog na siya rito sa lupa!” bulalas ko nang maalala ang ginawa niya sa akin. Pababa na sana ako ng kama nang magbukas ang pinto.
“Grasia! Sus na bata ka! Pinag-alala mo naman ako!” niluwa nito si Mana na gulo-gulo pa ang buhok.
“Mana!” Bigla niya pa akong hinampas sa likod!
“Bakit ba lagi sa likod?! Mana?!” ngiwi ko kay Mana. Masakit talaga siya manghampas. Siguro kada hampas niya sa akin bumabakat ang kamay niya?
“Mabuti na lang at gising ka na! Sakto ang pagpunta ko rito!” Hindi man lang niya pinansin ang reklamo ko.
“Ano? Nagugutom ka ba? Anong nararamdaman mo? Diyos ko Grasia! Malalagot ako kay Aling Rosita!”
Nanlaki naman ang mata ko. “Mana! Alam ni lola?!”
“H-hindi pa! Kasi hindi ko ma-contact si Tantan, alam mo naman na walang cellphone ang lola mo!”
Hinawakan ko naman ang dalawa niyang kamay. “Mana... Please... 'wag mo ng sabihin kay lola! Baka mag-alala pa 'yon! Tapos pauwiin pa ako ng San Lorenzo!”
“Grasia naman! Tingnan mo ang nangyari sa'yo!” sigaw niya.
“Mana naman eh... Sige na... Wala ng tutulong kay lola... Ako na lang ang mayroon siya!” nagmamakaawa na ako kay Mana.
Hindi puwedeng malaman ni Lola ang nangyari sa akin. Baka atakihin pa siya sa puso! Mas kailangan kong magtrabaho para may pangbili ng gamot niya.
“Grasia... Anong gagawin ko? Ayoko naman na may nangyayaring masama sa iyo!”
“Mana... Palagpasin na natin ito... Hindi na mauulit—”
“Paano kung ulitin sa'yo ni Ma'am Shirley ang ginawa niya sa'yo?”
“Akong bahala Mana... Hindi na ako papayag. Kailangan ko talaga ng trabaho!” humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Naglandas na ang luha sa kaniyang pisngi.
Ngumuso siya sa akin at mahina akong hinampas... Sa likod!
“Ikaw kasing bata ka eh,” aniya habang umiiyak. “Bakit ba kasi gan'yan ka?”
“Sorry Mana... Hindi ko na po hahayaan na may mangyaring masama sa akin,” matapang kong sabi.
“Ito na ang una at huli, Grasia. Kapag naulit pa ito, babalik ka ng San Lorenzo,” may diin niyang sabi.
Tumango naman ako. “O-opo, Mana.” Saka ko siya niyakap ng mahigpit.
“Huhuhu... Grasia.” Hindi pa rin siya matigil sa pag-iyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/275018573-288-k661751.jpg)
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...