Simula

199 11 6
                                    

Chua Residence

*dingdong *dingdong

Nang marinig ko ang tunog nang bell sa kusina ay agad akong nagtungo palabas ng bahay.

"Madam Grasia, ako na po," sambit ni Ate Jo nang makasalubong ko ito sa sala. "'Yung bagong Yaya po iyon na mag-aalaga kay Gray."

Umiling ako. "Ako na Ate Jo, para naman makilala ko agad ang mag-aalaga sa anak ko."

"Ah, sige po Ma'am," aniya.

Dumiretso na ako sa labas ng aming bahay. Hindi ito kalakihan dahil napili kasi namin na 'wag sa mansyon tumira. Pagbukas ko ng gate ay sumalubong sa akin ang isang dalaga na may dalang mga gamit niya.

Napangiti ako. Naalala ko tuloy 'yung panahon na namamasukan ako bilang kasambahay sa mansyon ng mga Chua.

"Hello po, dito po ba ang Chua residence?" tanong ng babae. "Ako po kasi 'yung bagong Yaya na nakuha ni Mr. Chua."

"Yes, anong pangalan mo?" tanong ko naman.

Ngumiti siya sa akin. "Ako po si Deniz."

"Pasok ka," sabi ko nang malaman ang pangalan niya. Inihabilin kasi sa akin ng mister ko na 'Deniz' ang pangalan no'ng magiging Yaya ni Gray.

"Kayo po ba si Mrs. Chua?" baling ni Deniz sa akin.

Tumango ako at inilahad ang aking kamay.

"I'm Grasianna Lopez-Chua."

* * *

Isang magandang mansyon ang bumungad sa akin pagkababa ko pa lang ng tricycle. Ang mansyon ay kulay puti at pula ang pintura. Sabi ni Mana Maria sa harap daw ako nito magpababa pagsakay ko ng tricycle simula sa entrance ng subdivision.

Sinabi na niya sa akin ang address nang pinapasukan niya, kaya hindi ko na inisip pa na magpasundo sa pier. Gusto ko siyang ma-surprise sa pagdating ko.

Tiningala ko ang dalawang palapag na mansyon. "Ito na nga," ani ko.

Inilibot ko muna ang aking mata sa aking paligid. Puro mansyon ang mga bahay dito sa subdivision. Inaabot pa ng ilang palapag!

Pagkatapos kong magbayad sa tricycle driver ay ibinaba ko na ang dala kong mga bag. Isang malaking bag at isang backpack. Inilabas ko ang aking di-keypad na cellphone at hinanap ang numero ni Mana Maria.

"Naku! Mauubos na pala ang load ko!" wika ko nang makita ang text ng network ng simcard ko. May 60 minutes na lang ako para gamitin ang pangtext at pangtawag ko.

Kaagad kong dinial ang numero ni Ate Maria. Itinapat ko ang cellphone sa aking tainga.

Ringing...

"Hello?" bungad ko nang sagutin ito.

"Hello? Sino ka?"

"Mana Maria!" napasigaw pa ako sa sobrang tuwa. "Si Grasia po ito... Nandito na po ako sa labas ng mansyon!"

"Ay! Naku! Jusmiyo marimar kang bata ka! Hintayin mo ako d'yan sa labas." Kahit nasa kabilang linya ay naramdaman ko ang pagkataranta ni Mana Maria.

"Sige po Mana!" Namatay rin agad ang tawag.

Hindi rin nagtagal ay bumukas ang malaking gate ng mansyon. Bumungad sa akin si Mana Maria na naka-uniporme pa na pangkasambahay.

"Sus! Ginoong bata ka!" sinalubong naman niya ako ng mahigpit na yakap. "Dapat ay tinawagan mo ako pagbaba mo ng pier! Para naman doon kita nasundo!"

Kumalas ako sa pagkakayakap. "Mana! Gusto kitang i-surprise kaya dumiretso na ako rito!"

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon