Kabanata 14

49 4 0
                                    

GRASIA

“Puwede mo na ba akong itayo?” tanong ko kay Chen dahil kanina pa ako nangangalay sa puwesto namin. Mabilis naman niya akong inalalayan patayo at sinuri ang buong katawan ko.

“Are you okay?” tanong niya.

“Ayos lang, medyo nabasa lang ako ng kaunti. Mabuti na lang at talsik lang ng tubig ang inabot ko.” Natawa naman kami parehas.

“Maganda kang itapon sa fountain... But I won't let you fall, baka magkasakit ka pa pagnahulog ka d'yan,” aniya saka ngumisi.

“Ang galing mo rin talaga mambola eh 'no!” asik ko naman sa kaniya. “Oh! Ayan na regalo ko sa'yo.”

Iniabot ko na sa kaniya ang kulay asul na box. Matagal siyang napatingin dito bago niya pa kunin.

“Is this really for me? Hindi ko naman birthday. Bakit mo ako binibigyan ng regalo?” tanong niya habang nakakunot ang noo.

“Wala lang... Gusto ko lang...” sagot ko. “Bakit ayaw mo ba? Sige, kay Sir Hino—”

“I'm just asking, Grasia. Ang daya mo eh, ibibigay mo agad kay Hino,” sambit niya na tila ba batang pinagkaitan ng lollipop.

“H'wag ka ng magtanong, puntahan na lang natin si Sir Hino para maibigay ko 'tong sa kaniya,” sabi ko saka hinila ang kamay niya.

Hindi na siya nagsalita at nagpatianod na lang sa paghila ko. Tinahak namin ang loob papasok ng kanilang mansyon at pumanhik sa taas. Saktong pag-akyat namin ay binitawan ko na siya at nilingon. Nakangisi ang loko.

“Bakit?” takang tanong ko. Umiling lang siya pero nakangisi pa rin. “Saan ba ang kwarto ni Sir Hino?”

“Hmm... Kailan ko 'to puwedeng buksan?” tukoy niya sa box na hawak niya. Napabuga naman ako ng hangin. Napakakulit din talaga ng isang 'to.

“Mamaya na lang o kaya bukas,” sagot ko. “Basta 'wag ngayon, ayoko makita reaksyon mo baka mapangitan ka pa.” Natawa naman siya ng mahina.

“Basta sa'yo galing, para sa akin maganda... Let's go,” aniya. Siya naman ang humawak sa kamay ko at naunang naglakad.

Tinahak namin ang ikalawang palapag ng kanilang mansyon. Saka kami tumigil sa pinto ng isang kwarto. Pagbukas niya ng pinto ay umatras din siya agad.

Nagtaka naman ako. “Bakit?”

“Mali, kwarto ko pala 'to.” Napakamot naman siya ng kaniyang ulo.

“Sabog ka ba Chen? Nakainom ka na ba?” humalakhak naman ako pagkatapos. Hindi naman siya amoy alak, pero daig niya pa lasing.

Hindi siya sumagot at mahina lang akong hinila papunta sa kabilang direksyon. Habang pinagmamasdan ko ang likod niya ay lalo akong natawa. Namumula na kasi ang batok niya at paligid ng tainga.

Hanggang sa hindi na ako nahinto sa pagtawa nang makarating kami sa panibagong pinto.

“What's funny Grasia?” sabay lingon niya sa akin.

“W-wala!” sagot ko habang pinipigilan ang pagtawa. Kumatok na siya sa pinto at saka narinig namin ang boses ni Sir Hino.

“Come in!”

Binuksan ni Chen ang pinto at sumalubong sa amin ang malawak na kwarto ni Sir Hino. Ang bango! Ipinalibot ko ang aking mata sa gray and black color theme na kaniyang kwarto. Simple lang ito pero maayos at malinis.

“Ang bango naman,” ani ko. Hindi kasi mawala-wala ang mabangong amoy sa loob.

“You can visit my room, mas mabango roon,” biglang sabi naman ni Chen.

“Wala akong balak,” pambabara ko.

“Hey, lil bro and... Grasia? What are you two doing here?” sinalubong naman kami ni Sir Hino.

Ang akala ko noong una ay masungit si Sir Hino, pero nang makita ko siya na ngumiti sa akin nag-iba ang pananaw ko sa kaniya. Siguro ganoon lang talaga ang mukha niya, mukhang masungit.

“Grasia wants to meet you,” sagot ni Chen. Saka bumalik ng tingin si Sir Hino sa akin.

“Ahm... Sir Hino! May regalo po ako sa inyo! Happy birthday po!” saka ko iniabot ang isang box sa kaniya. Tinanggap naman niya ito nang nakangiti.

“Thank you, Grasia,” aniya. “Mabuti ka pa may regalo sa akin, samantalang 'yang kapatid ko wala.” Saka siya humalakhak nang malakas.

“Tss, I'll give it to you tomorrow,” naiiritang sagot naman ng katabi ko.

“Today is my birthday not tomorrow,” mabilis naman na sagot ni Sir Hino.

Huh? Kapatid? Naguluhan ako bigla.

Narinig ko kanina tinawag ni Sir Hino ng 'lil bro' si Chen? Ibig sabihin mas matanda siya kay Chen? Ang akala ko si Chen ang mas matanda kay Sir Hino!

“Ah! Sir Hino, ilang taon ka na po ngayon?” agad kong tanong.

“I just turned twenty four today, Grasia.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. So, tama nga... Kuya siya ni Chen! Kasi si Chen twenty-two pa lang!

“Why are you asking, Grasia?” tanong naman ni Chen sa tabi ko.

Natawa ako. “Ang akala ko kasi ikaw ang mas matanda kay Sir Hino!”

“What? Mas bata ako sa kaniya,” aniya.

“Malay ko ba Chen, eh mas matangkad ka kasi sa kaniya tapos hindi mo naman siya tinatawag na Kuya!” sabi ko. “Paano ko malalaman kung sino mas matanda sa inyo.” Napalingon kami sa direksyon ni Sir Hino nang malakas ulit itong tumawa.

“Lil bro... I told you, you should call me 'Kuya',” sambit ni Sir Hino sa kaniyang kapatid.

Nangiwi naman ang mukha ng katabi ko. “Tss.”

Malakas na nagbukas ang pinto ng kwarto kaya napalingon kaming tatlo sa mga bagong dating. May tatlong babae na pumasok sa kwarto ni Sir Hino.

“Happy birthday Babe!” malakas na bati nang isang mistisang babae. Mabilis siyang umamba ng yakap kay Sir Hino.

Naka-backless top ito at naka-tuck-in sa mahabang palda nito. Ang haba naman ng buhok niya at maganda pa. Matangkad din siya dahil halos maabutan na niya si Sir Hino.

“Thank you, Babe!” sagot agad ni Sir Hino. Hindi na ako nagulat na may girlfriend na si Sir Hino.

“I'm with Cassy and Mira!” sabi naman noong girlfriend ni Sir Hino.

Napalingon naman ako sa dalawang babae na papalapit na rin sa amin. Ang isa ay mistisa rin, maiksi ang buhok, maganda at ang ganda manamit. 'Yung kasama naman niya ay kayumanggi ang balat, alon-alon ang buhok at maganda rin!

Parang silang mga modelo na nakikita ko sa magazine! Ang gaganda nila at ang tatangkad pa! Sobra ang pagkamangha ko sa kanilang tatlo.

“Hi! Happy birthday Hinoeh!” bati noong morenang babae.

“Thanks, Mira!”

“Happy birthday Kuya Hinoeh!” bati naman noong isang mistisa.

“Thanks, Cass! Enjoy the party!” sagot ni Sir Hino.

Mukhang hindi nila napansin ang presensya naming dalawa ni Chen. Napatingin naman agad ako sa kaniya, pero nakita ko ang mukha niya na walang ekspresyon... Nakaigting ang kaniyang panga. Galit ba siya?

“Anyway Kuya, did you saw my fiancé?—Oh! There you are!”

Hindi ko namalayan na mabilis na pa lang nakalapit sa amin 'yung babae. Napatulala ako nang mahigpit niyang hinagkan ang lalaking nasa tabi ko.

Fiancée siya ni Chen?

* * *

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon