Kabanata 26

42 4 0
                                    

GRASIA

Ngayong araw ang engagement party ng aking bestfriend na si Chen at ng kaniyang girlfriend. Gaganapin ito sa isang resort na 'yung pamilya ng babae ang pumili. Sabi ni Mana sa akin, simple lang daw iyong party dahil iilang malalapit na kaibigan lamang ng pamilya Chua ang imbitado. Pati na rin doon sa side ng babae.

Katatapos lang namin nila Ate Vicks at Te Su magligpit ng mga gamit. Dahil kasama rin kami sa pag-attend sa party, overnight daw iyon sabi ni Mana kaya kailangan namin magdala ng baon na damit bukod sa uniform namin. Kasama kasi sila Mana, Ate Baby at Ate Budang tapos inimbitahan na rin kami ni Madam Helena. Kahit kumontra pa si Ma'am Shirley ay wala siyang nagawa dahil pumayag din si Sir Xin na sumama kami.

Huli na kaming lumabas dahil kailangang i-secure ang mansyon. Bali iyong family driver nalang nila Madam Helena ang maghahatid sa aming mga helpers. Iyong mga amo kasi namin ay nauna na sa resort dahil may kani-kaniya naman silang mga sasakyan.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako. Mahimbing naman ang tulog ng mga kasama ko, para raw may energy sila mamaya. Isang oras at kalahati yata ang tinagal ng biyahe namin. At sa buong biyahe namin na iyon ay nakatulala lang ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog.

“Mana, gising na.” Inuga ko si Mana sa tabi ko, dahil himbing pa ang tulog niya. “Nandito na po tayo.”

Nagising naman ang iba kong mga kasama dahil iyong driver na mismo ang gumising sa kanila. Pupungas-pungas pa silang bumaba ng sasakyan bitbit ang mga gamit nila. Pagtapak palang namin ng resort ay buhanginan agad ang sumalubong sa amin. Sa kaliwang parte makikita ang mga private pools, at sa kanang parte naman kung nasaan ang malalaking cottage na gawa sa nipa.

Naglakad pa kami padiretso at tumambad sa amin ang malinis at kulay asul na dagat ng resort. Na-miss ko tuloy bigla ang San Lorenzo. Ang karagatan doon na nagdurugtong sa ilang kalapit probinsiya.

Hinatid na rin kami noong driver sa tutuluyan naming mga kwarto. Mamaya pa kasing gabi gaganapin iyong party kaya ngayong maliwanag pa ay malaya pa kaming magsaya. Iyong nakuha naman sa aming room ay parang pang-family size na kaya kasya naman kaming anim. Sumobra pa nga ng isang kama.

“Ano Mana? Swimming na agad tayo? Hala grabe! Na-miss ko tuloy ang Constancia!” excited na sambit ni Ate Budang nang makapuwesto na kami sa kani-kaniyang higaan.

“Mamaya na ako Budang, magpapahinga muna ako,” saad naman ni Mana.

“Ano ka ba Mana? Satingin mo ba trabaho ang pinunta natin ngayon? Hindi ba sabi ni Madam wala tayong gagawin kung hindi mag-enjoy!” walang patawad na sambit ni Ate Budang. Talagang nae-excite siya sa kaganapan ngayon.

“Ay, talaga ba Budang?” entra naman ni Te Su.

“True mars! Ano ba kayo? Um-epal na naman ba si Ma'am Shirley sa inyo?” nakapameywang na humarap sa amin si Ate Budang. Ang akala ko rin kasi ay magtatrabaho kami mamaya.

“Aaayyy!! Tara na Budang!!” patili-tili naman si Te Su sa kaniyang kama. “Excited na akong mag-swimsuit!”

Laglag ang panga ko nang marinig ang sinabi ni Te Su. Hindi ko naman alam na napaghandaan niya pala talaga ang pag-alis namin na ito. Dahil excited silang dalawa ay nagdesisyon na nga silang lumabas.

Naiwan kaming apat at napailing-iling nalang sina Mana at Ate Vicky. Si Ate Baby naman ay pinipigilan ang pagtawa dahil sa reaksyon ko. Magkatabi lang kasi ang puwesto naming dalawa.

“Uy, Grasia ikaw? Gusto mo ba mag-ikot ikot muna tayo?” tanong sa akin ni Ate Baby. Napatingin naman ako kay Mana at sinenyasan ako ng thumbs-up.

Alam ko naman na pagdating sa mga ganito. Silang dalawa ni Ate Vicky ang walang interes, dahil nga... alam niyo na... kapag tumatanda na.

At dahil pumayag naman si Mana. Sumama na rin ako kay Ate Baby. Paglabas namin ng kuwarto ay inilibot ko ang aking mata sa paligid. 'Yung disenyo kasi ng resort eh parang moderno na may halong makaluma. Kanina kasing pagpasok namin ay hindi mo mahahalatang building iyong papasukan namin. Parang mga resort lang din sa probinsiya. Pero para sa akin, mas presko at sariwa ang hangin doon sa probinsiya kaysa rito.

“Teka lang Grasia! Bibili lang ako ng palamig doon!” turo ni Ate Baby nang makakita ng isang stall na nasa gilid pala ng entrance. Hindi namin iyon napansin noong pumasok kami.

“Sige Ate, dito na lang ako maghihintay.” Dahil ang hirap maglakad sa buhanginan ay natatawa pang umalis si Ate Baby. Maging ako ay nahirapan dahil lumulubog talaga ang mga paa ko sa buhangin.

Lumakas ang simoy ng hangin at tinangay-tangay ang buhok ko. Maging ang suot kong bistida ay inaalon-alon na rin ng hangin. Humarap ako sa dagat at itinaas ang aking dalawang kamay. Dinama ko pa lalo ang lakas ng hangin at ipinikit ang aking mga mata.

Ilang minuto pa bago tumigil ang malakas na hangin. Dahil nararamdaman ko na, na lalong lumulubog ang mga paa ko sa buhanginan ay tumungo na ako sa parte kung saan semento ang sahig. Ipinagpag ko pa ang dalawa kong tsinelas na napuno na ng buhangin.

“Nice shots.” Umayos ako ng tayo nang mapagtanto kung sino ang taong nakatayo sa harap ko.

“C-chen? I-ikaw p-pala.” Natuod ako sa kinatatayuan ko. Wala siyang suot pang-itaas. Tanging plain white beach shorts lang ang suot niya. Nakasabit sa kaniyang leeg ang isang mamahalin na kamera... Tapos ang lapad ng ngiti niya.

Nalito ako bigla kung saan ako masisilaw? Kung sa araw ba o sa ngiti niya na abot hanggang tainga?

“Kumusta ka na?” tanong niya.

“Nice abs—Haha okay lang naman best friend! Ikaw ba? Congrats pala!” palihim ko pang kinurot ang aking siko sa kahihiyan. Ang shunga mo Grasia? Tuwang-tuwa sa abs?

“Uhm... Kung sasabihin ko sa'yong hindi ako okay. Anong gagawin mo?”

Nawala bigla ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Isang seryosong ekspresyon ngayon ang ibinigay niya sa akin.

“Bakit naman hindi ka okay?” tanong ko.

“Thank you for asking, Grasia,” sagot niya. Naguluhan naman ako sa sagot niya. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin sa akin. Ayoko naman siyang pilitin magkuwento.

“Hindi ko man alam kung ano ba ang problema mo... Basta, palagi lang akong nandito handang makinig sa'yo b-bestfriend.” Hindi man niya sabihin sa akin, nakikita ko naman sa mga mata niya 'yung dinadala niyang lungkot.

“Thank you...” tipid siyang ngumiti. “Uhm... Grasia, let's meet later...”

“... later at 6PM. Sa pinakadulong cottage. I'll tell you something important.”

* * *

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon