GRASIA
Pawis na pawis na ako habang nag-iikot sa palengke. Isinama kasi ako ni Chen para mamili ng mga sariwang karne at isda. Pinagpapawisan ako dahil sa init, hindi dahil sa pagod.
Si Chen naman kasi ang nagdala ng iba na naming pinamili. Parang ako pa tuloy 'yung amo kaysa sa kaniya. Ang kulit-kulit niya kasi! Ayaw niyang ibigay sa akin 'yung mga bayong!
“Mayaman ka na naman, bakit gusto mo na ikaw pa bumibili ng mga ganito?” takang tanong ko.
Natawa lang siya. “I'm used to it,” aniya.
“Ha?”
“My brother and I grew up in our grandma's house... To my mom's mother... Our lola,” aniya.
“Hoy bakit mo ako ini-english? Tagalog only please!” sabay bira ko naman. Lalo lang siyang natawa. Aba't may usapan nga kami na tagalog niya ako kausapin.
“Okay, okay.” Napakamot siya sa ulo. “Lumaki kami ni Hino sa aming lola... Si Lola may puwesto sila sa palengke roon sa province, tapos lagi kaming nagbabantay ni Hino kapag wala si Mommy.”
“Ahh.” Napatango-tango naman ako.
Iba rin talaga sila pinalaki ng mga magulang nila. Kahit mayaman sobrang down to earth. Mabait din naman kasi si Sir Xico at Madam Helena. Tapos hindi nila hinayaang maging matapobre mga anak nila, pati na rin sila.
“Nasa China pa kasi noon si Daddy, inaasikaso mga business namin. Kaya naiwan kami rito nila Mommy tapos tumira muna kami kina lola.”
“Anong mga tinda niyo? Karne? Isda?” sunod-sunod kong tanong.
“Yup, and also different kinds of seafoods!”
“Ang galing naman!” sabi ko. “Kaya pala ang galing-galing mo pumili!”
Habang bumibili kasi kami, talagang kinikilatis niya nang maigi 'yung mga karne at isda. Akala mong expert talaga eh! Pero totoo nga dahil sa kuwento niya na bantay sila sa puwesto ng lola niya sa palengke.
Ngumiti lang siya sa akin. Nagpatuloy na kami palabas ng palengke. Ewan ko ba rito kay Chen kung alam niya ba na kanina pa siya pinagtitinginan. Bawat lakad kasi namin, talagang matutulala na lang ang makakakita sa kaniya. Ang gwapo kasi ng best friend ko!
“Are you—Gutom ka na?” tanong ni Chen sakto pagkalabas namin ng palengke.
Umiling naman ako. “Busog pa ako.”
“Sure ka?”
“Uhm.” Saka ko pinahid ng kamay ang tumatagaktak kong pawis.
“Oh.” Napatingin naman ako sa inabot niyang kulay asul na panyo. “Pamunas ng pawis.”
“Ha? Hay nako! Hindi na kailangan, baka bumaho lang 'yan!” sabay tanggi ko. Mukha pa naman mamahalin 'yung panyo niya. Walang-wala sa tigbe-bente kong panyo na nabibili ko lang sa bangketa.
“Pawis ka na oh.” Lumapit siya sa akin at hindi nag-atubili na punasan ang pawis ko.
Tumaas naman ang kilay ko. “Thanks, my best friend!”

BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...