GRASIA
“S-sir Linnus, wala na pong kahit anong inumin sa ref,” ani ko saka ipinakita ang dala kong milk chocolate drink.
“Okay,” sabi niya habang nagsusuot ng sando pang-itaas. “Have a seat and join me to eat.”
Napakunot ang noo ko. “P-po?”
Dumako siya sa parte ng kwarto kung saan roon nakapuwesto ang isang couch at maliit na mesa. May mga nakahanda na ring mga pagkain at inumin?
Nagbali naman siya ng leeg nang makita akong hindi gumagalaw sa pwesto ko.
“Sabayan mo ako sa pagkain,” walang gana niyang sabi.
“B-bakit po S-sir?” mabilis naman akong lumapit sa kaniya. Tumayo ako sa harap niya, nakita ko nang malapitan ang mga pagkain na... ipinadeliver niya pa yata.
“Seat,” sabi niya saka itinuro ang upuan sa harap niya. Naguguluhan talaga ako sa inaasal ngayon ni Sir Linnus. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong sumabay sa pagkain niya.
“A-ah, S-sir Linnus... Busog pa po ako eh—”
Hindi niya ako pinansin. “Give me one of that drink.” Inilahad niya ang isa niyang kamay at tumingin sa dala kong milk chocolate drink.
“Sige po, kahit sainyo na po 'yan lahat!” ibinigay ko sa kaniya ang dalawa, pagkatapos ay natawa siya.
“Thanks,” aniya. “Kumain na tayo.”
Inihanda niya ang mga pagkain na may logo pa ng McDonald's. May kanin, chicken, burger, fries, ice-cream, drinks at kung anu-ano pa. Parang in-order niya na yata lahat ng nasa McDo tapos tig-iilang orders pa.
Mauubos kaya namin ang mga ito?
Habang inihahanda niya ang mga pagkain ay tinititigan ko lang siya. Ano kayang nangyari sa amo ko na 'to?
“Stop staring at me, Grasia...” Saka naman siya bumaling ng tingin sa akin. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.
“Sir Linnus? May lagnat ka po ba?” tanong ko.
Umiling naman siya. “I'm not sick.”
“Bakit ang bait niyo po ngayon? Baka may nakain po kayong hindi maganda,” natatawa kong sabi.
“Uh.. Nah... Hindi pa nga ako nakain.. Kaya may mga pagkain dito—” natigil naman siya sa pagsagot. Saka na ako humalakhak nang malakas dahil ang uto-uto niya.
“Pinagloloko mo ba ako Grasia?”
“Hindi Sir! Joke lang po, ikaw naman hindi mabiro!” napailing-iling naman siya. Kahit papaano nakukuha ko na ang kiliti niya. Minsan lang din kasi kami makapag-usap... At ngayon niya lang din ako inutusan.
Pero parang hindi naman ito utos... Kumain? Nang kasabay siya?
“Kumain ka na.” Inilapit niya sa akin ang isang plato na may kanin at chicken na.
“Bakit ang dami niyong in-order Sir? Uubusin ba natin 'to?” natatawa kong tanong.
“If you want to,” tipid niyang sagot.
“'Wag mo akong hamunin, Sir Linnus! Panlaban yata 'to sa boodle fight!” pagmamayabang ko sa kaniya. Tumingin na siya sa akin habang may kagat-kagat na chicken.
“'Wag mo na rin akong tawaging Sir, kinikilabutan ako sa'yo Grasia hindi pa naman ako matanda,” aniya. “Linnus na lang, pwede?”
Dahil sa sinabi niya ay lalo akong natawa. Parehas sila ni Chen! Bakit ang sensitive nila sa ganoong bagay? Tinatawag ko silang Sir kasi mga amo ko sila.
“Sige!” Hahawak na sana ako sa pagkain nang maalala na hindi pa ako naghuhugas ng kamay. Humawak pa naman ako ng basurahan!
Tiningnan ko ang mesa. Walang kutsara at tinidor na puwedeng gamitin. Nagkakamay lang kasi si Sir Linnus... Seryoso ba?
Pero naka-gloves naman ako kanina... Tinanggal ko lang noong pumasok na ako ng kusina. Pero! Nadidiri pa rin ako, mas mabuti talaga 'yung nakapaghugas.
“Ah... Linnus... Puwede ba maghugas muna ako ng kamay? Hindi pa kasi ako nakakapaghugas—” patayo na sana ako nang magsalita siya.
“Seat down,” naestatwa ako sandali saka bumalik ng upo. “Walang tubig sa comfort room.”
Ha? Bakit wala?
Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. May inilabas siya na pares ng plastic spoon and fork sa gilid kasama ang makapal na tissue.
“Thank you, Linnus!” aabutin ko na sana ito nang ilayo niya agad sa akin.
“Uh... Madudumihan din 'to paghinawakan mo...” sambit niya. Napangiwi naman ako. Ano na ang gagawin ko? Paano ako makakakain?
Lumapit siya sa akin ng kaunti at iniayos ang kakainan ko. Nanlaki ang mata ko nang salukin niya ang kanin at lagyan ito ng chicken gamit ang kutsara at tinidor na hawak niya.
“Ah...” Ngumanga pa siya nang matapat ang kutsara sa bibig ko.
Napatawa na lang ako bigla. “Seryoso ka talaga Sir—L-linnus? Anong trip mo sa life?”
Natikom naman ang bibig niya. Tinitigan niya lang ako ng blanko. Napangiwi tuloy ako sa hitsura niya, dahil hindi niya pa rin ibinababa ang kutsarang hawak niya.
“S-seryoso ka nga,” sabi ko. Tumango-tango naman siya. Wala na akong nagawa at agad ko nang sinunggaban ang kutsara.
“Very good,” aniya. Ha? Ano ako baby? Kindergarten? Kung maka-very good wagas ah.
Napanguso ako habang ngumunguya. Ano kayang trip nito sa buhay ngayon. Bakit ba ang bait niya naman masyado sa akin? Tuloy lang din ang pagkain niya, salit-salit na itinatapat sa akin ang kutsara para subuan ako.
Paano na lang kapag nakita kami nila Ma'am Shirley?! Ni Sir Xin?! Nila Ate Vicky at Ate Susan?! OMG!!
Pinagmasdan ko si Sir Linnus na hinigop ang isang cup ng gravy? Ha? Naglalawa na nga sa plato niya 'yung gravy na ginawa na niyang sabaw! Tahimik lang kaming kumakain.
Ano ba 'yan? Wala akong ma-topic sa kaniya. Pero kapag si Chen kausap ko, walang humpay pag-uusap namin dahil hindi kami maubusan ng topic. Tapos eh puro kalokohan pa ang alam kaya palagi kaming nag-aasaran.
“What are you thinking?” nagbaling ako ng tingin kay Linnus.
“Bakit ka curious?” nakangisi kong tanong. “Secret... Hulaan mo!”
“Tss... Before, when I'm coming and you got shock you would always say 'Ay, mama mo kabayo',” sabi niya naman na ikinabigla ko. “And then a while ago, I remember you said... 'Ay, anak ng tipaklong'” Dagdag niya pa.
Walang kagana-gana ang boses niya habang sinasabi iyon. Pero... Bakit ang talas ng memorya niya? Ni-hindi ko nga mapansin na ganoon pala ang nagiging reaksyon ko kapag nagugulat.
“A-ah, e-eh... Sorry Linnus... Ekpresyon lang talaga 'yon 'wag mo sanang damdamin,” sabi ko. “Hindi ko naman sinasabi na mama mo talaga kabayo at tipaklong eh... Pero—”
“Pero?” Napapasobra na naman ako sa pagsasalita! Wala na sanang karugtong 'yon eh!
“A-ah... 'Wag mo rin sanang masamain... Kahit hindi kasi kabayo si Ma'am Shirley, asal hayop naman siya.” Dire-diretso kong sabi. Bakit? Iyon naman talaga ang totoo!
Isang malakas na halakhak ang bumalot sa aming dalawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Natutuwa ba siya kasi bina-bash ko mama niya?
“Tama ka,” aniya.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. “Huy! Ang sama mo rin sa Mommy mo!”
Umiling naman siya. “Nah it's okay, she's not my mom.”
* * *
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...