GRASIA
Alas kwatro nang umaga ako palaging nagigising simula noong namasukan na ako bilang kasambahay. Palagi nang ganoon ang body clock ko. Dati kasi kapag tinatanghali ako ng gising, maririnig ko na agad ang talak ni Lola.
Nag-ayos muna ako ng suot kong jogging pants at t-shirt. Naisipan ko kasing mag-jogging ngayon. Ayaw naman akong samahan ni Ate Susan dahil puyat na naman siya. Si Ate Vicky naman, hindi raw uso sa kaniya jogging.
Pagkatapos kong magsulat sa papel. Idinikit ko ito sa ibabaw ng drawer ni Ate Vicky. Ayoko namang istorbohin ang pagtulog niya. Baka kasi hanapin niya pa ako paggising niya.
Tahimik lang akong lumabas ng aming quarter. Sa harap na ako dumaan dahil alam kong tulog pa naman ang mga amo ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang bukas na ilaw sa kusina.
“Yes, later baby...” isang malanding boses ang narinig ko. “I miss you, mwaps!”
Nang sumilip ako sa kusina ay naabutan ko si Ma'am Shirley na iniikot-ikot ang kaniyang wineglass. Ang aga-aga naman nito mag-inom. Dumiretso na ako labas dahil wala naman akong pakialam sa kaniya.
Ano naman kung may kabit siya? Kung nagtataksil siya kay Sir Xin? Bahala siya sa buhay niya. Problema na niya 'yon. Ayokong makisawsaw. Karma na lang ang handang bumalik sa kaniya.
“Ay! Mama mo kabayo!” utas ko pagbukas ng gate. Napahawak din ako sa dibdib at saka napaatras.
“Grasia, hindi nga kabayo ang mama ko,” ani ni Sir Linnus habang pawis na pawis. Mukhang katatapos niya lang mag-jogging. Sobrang aga naman niya!
“S-sorry po S-sir! G-good morning po!” bati ko agad.
“Are you going to jog?” tanong niya. Tumango lang ako.
“You can have this. Take it.” Itinapat niya sa akin ang isang tumbler na blue. Nakita ko ang halos puno pang tubig nito na may slice pa ng lemon sa loob.
“P-po? Bakit—” sapilitan niyang ibinigay sa akin ang tumbler. Pagkatapos ay nilagpasan na niya ako. Napangiwi lang ako habang pinagmamasdan ang tumbler niya.
Bakit niya ibinigay sa akin 'to? Nag-jogging siya tapos hindi niya ininom?
Tuluyan na akong lumabas ng gate. Medyo nahirapan pa ako sa pagsara dahil ang hirap abutin sa likod. Tulog pa yata 'yung guard na naka-shift ngayon.
“Wooh!”napayakap ako sa sarili ko nang balutin ako nang malamig na hangin. Medyo madilim pa rin, pero pakiwari ko naman ay malapit nang sumikat ang araw.
Kahit na malamig ay nagpatuloy pa rin ako. Saulado na namin nila Ate Susan ang subdivision dahil naka-ilang beses na kaming nag-jogging.
Thirty minutes later...
Dahil napagod na akong tumakbo. Tumigil muna ako sa parke ng subdivision. Umupo ako sa kalapit na swing. May iilan ding mga residente ng subdivision kasama ang kanilang mga alagang aso.
May mangilan-ngilan din na mga kasambahay ang nagja-jogging katulad ko. Halos maubos na rin ang tubig sa tumbler na ibinigay sa akin ni Sir Linnus. Nakatulong naman sa akin iyon, panawid uhaw kaka-jogging ko kahit nasa thirty minutes lang iyon.
Dahil sakto ang swing sa harap ng kalsada at ang pinakadulo nito ay makikita ang pagsikat ng araw. Pinili ko na lang na tuluyang magpahinga. Hihintayin ko na lang sumikat ang araw.
“Sabi nila, 'Love is blind, love is one of a kind' Kung kailan 'di mo hinahanap ay biglang nand'yan na lang...”
Na-LSS kasi ako roon sa kanta ng paboritong palabas namin ni Ate Susan. Tuwing gabi iyon pinapalabas sa GMA. 'Yung bidang babae kasi pinag-aagawan ng apat na lalaki! Ang haba ng hair diba? Sana all!
“You're right.”
“Ay! Anak ng tipaklong!” halos malaglag ako sa swing nang may nagsalita sa tabi ko.
“Good morning.” Malapad ang kaniyang ngiti at nakatayo sa gilid ko. Habang ako ay halos matanggalan na ng hininga sa gulat.
“C-chen?!” gulat pa rin ako habang nakahawak sa dibdib ko.
“Yup... Chen the handsome! Not the 'anak ng tipaklong'” Lalong lumapad ang ngiti niya at saka umupo sa katabing swing.
“C-chen... K-kumusta ka?” tanong ko.
“Still alive and kickin'... And handsome!”
Napangisi naman ako. “Mag-iisang linggo lang tayong hindi nagka-usap pero ang hangin mo na sobra?”
“Hindi ah,” aniya.
“Weh?” pang-aasar ko. Narinig ko lang ang mahina niyang pagtawa. “Sorry nga pala ulit—” Napatigil agad ako nang magsalita agad siya.
“Hayaan mo na 'yon, tapos na naman mangyari 'yon. At hindi mo naman kailangan manghingi ng sorry," sambit niya pa.
Napangiti naman ako. “Okay! Bati na tayo best friend ha!”
Umaapaw ang puso ko ngayon dahil sa saya. Magkabati na kami ni Mana at saka ng best friend ko. Parang nawala 'yung tinik sa puso na iniinda ko nitong mga nakaraang araw.
“Hindi kita matiis eh...” aniya habang nakatanaw sa papasikat na araw.
Nag-uumpisa na... Ang kaninang madilim na kalangitan ay unti-unti nang nagliliwanag.
“Yieee, hindi mo pala ako matiis ah!” pang-aasar ko. Napayakap akong muli sa sarili ko nang humampas ang malakas at malamig na simoy ng hangin.
“Shempre ikaw pa ba... Kasi ma— nilalamig ka na. Wala ka bang dalang jacket?” Napailing naman ako habang nakayakap pa rin ako sa sarili ko. Tumayo naman agad siya saka hinubad ang jacket niya.
“Huy! Baliw, nakasando ka na lang baka ikaw ang lamigin!” hindi naman siya nagpatinag sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin saka ipinasuot ang kaniyang jacket.
“Tingnan mo kahit naka t-shirt ka na, nilalamig ka pa.” Pinagmamasdan ko lang siya habang itinataas ang zipper ng jacket.
“Nag-jogging ka ba? Bakit parang hindi ka naman pinagpawisan?” tanong ko nang mapansin ang mukha niya na walang bakas ng kahit isang butil ng pawis.
Ngumisi siya. “Pinagmamasdan mo na naman ako Grasia, ganoon na ba talaga ako ka-gwapo sa paningin mo?” napangiwi naman ako dahil sa sagot niya.
“Ang hangin mo naman best friend!” natawa lang siya saka bumalik sa katabing swing.
“I'm just telling the truth, Grasia.” Hindi ko na siya pinansin. Dahil nakikita ko na ang pagsikat ng araw.
“Wow! Chen, tingnan mo ang ganda ng sunrise!” tawag ko sa kaniya saka tinuro ang kalangitan.
Kulay kahel na ito at sobrang liwanag. Pati ang mga huni ng ibon ay nakikisabay pa sa ganda ng kalangitan. Paborito ko talagang pagmasdan ang pagsikat ng araw.
“Yeah, it's beautiful like—”
*boogsh!
* * *
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...