GRASIA
Abrelli Gray's 7th Birthday
"Mommy, I'm already sleepy." Pupungas-pungas na si Gray sa tabi ko. Kanina pa siya nababagot sa sarili niyang birthday. Ang tagal kasing magpa-games noong emcee. 'Yung mga batang bisita eh wala nang kagana-gana.
"Wait baby, sasabihin ko kay Daddy magbo-blow ka na ng cake tapos maglalaro na kayo ha," sabi ko sa aking anak at iniwan na siya sa kaniyang puwesto.
Lumapit naman agad ako kay Chen. Kinalabit ko siya dahil kausap niya 'yung mga katrabaho niya.
"Love, inaantok na anak mo." Pinagmasdan ko naman si Gray sa kaniyang puwesto. Tinatamad siyang nakaupo doon sa kulay pink niyang tronong upuan at alam kong naiirita na rin siya sa kaniyang suot na gown.
Disney Princess kasi ang theme ng birthday niya. Kaya pang-prinsesa talaga ang ayos niya ngayon. Pero mukha siyang sad girl Princess dahil sa hitsura niya. Nakabusangot.
"Sige sasabihan ko na magpalaro na," aniya.
"Mag-blow na rin ng candles kahit wala pa sila Tito Xin at Linnus." Tanging sila Mama, Papa, Kuya Hino at Ate Kaye pa lang ang naririto. Si Linnus, masyadong nagpakasubsob sa trabaho. Si Tito Xin naman eh sasabay na lang daw sa anak niya. Pero hanggang ngayon wala pa rin.
Lumapit naman si Chen doon sa emcee. Kumaway na lang muna ako sa puwesto nila Lola, Mana, Tantan, Ate Baby, Su, Vicks, at Budang. Kanina ko pa sila nakakachikahan simula pagdating nila. Kaya lumapit muna ako kina Mama at Papa.
"Hi, Ma, Pa!" nakipagbeso ako sa mga biyenan ko. "Nagustuhan niyo po ba ang mga pagkain na inihanda namin?" tanong ko.
"Shempre naman, Grasia!" sagot ni Mama Helena.
"Masarap ka talaga magluto hija!" sabi naman ni Papa.
"Maraming salamat po," sagot ko.
"Nasaan na ba ang apo kong si Shan? Kanina ko pa hinahanap 'yung batang iyon." Napahawak naman si Papa sa kaniyang salamin.
Napalingon din ako sa kapaligiran at walang Shan akong nakita. Nasaan na naman kaya ang batang iyon?
"Baka po nasa taas, Pa."
"May girlfriend na siguro 'yon si Shan!" matinis ang boses ni Ate Kaye na lumapit sa amin kasama si Kuya Hino.
"Hi, Ate... Kuya. Kumain na po ba kayo?" tanong ko.
"Yup!" sagot ni Kuya Hino habang tulak-tulak ang stroller ni Hannah. Ang ikatlong anak nila ni Ate Kaye.
"Sarap talaga ng luto mo, Grasia!" dagdag pa ni Ate Kaye. "Saka 'yung Princess niyo sa unahan oh, inaantok na."
Nilingon kong muli si Gray sa unahan. Inaasikaso na siya ni Deniz doon. Antok na antok na ang bata.
"Sige po, puntahan ko lang si Gray." Nagpaalam na ako sa kanila at binalikan si Gray.
"Ma'am, baka umiyak na po 'to si Gray," sabi naman ni Deniz. Halata na rin sa mukha ng anak ko ang pagkabagot. Namumula na rin ang paligid ng kaniyang mata.
"Let's go, baby!" dumating na si Chen at binuhat si Gray. Sumunod naman kami ni Deniz sa kanila. Pinatayo naman ni Chen si Gray sa isang upuan para maabot ang mesa at maihipan ang kandila sa cake.
"Let's sing a Happy Birthday to the birthday celebrant!" masiglang sabi noong emcee.
"HAP-"
"Wait a minute! Nakaabot pa kami!" biglang dating naman ni Linnus at Tito Xin.

BINABASA MO ANG
Captivated
RomansAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...