GRASIA
Nakaramdam ako ng kaunting lamig sa katawan ng tumama ang simoy ng hangin sa aking balat. Nakasuot lang kasi ako ng off-shoulder floral dress kaya nanuot talaga ang lamig sa likod ko. Hinahangin-hangin na rin ang laylayan ng suot kong dress.
Sa kabila naman ng lamig na nararamdaman ng likod ko... Kabaliktaran naman ito nang tumapak na ako sa tubig-dagat. Naging relax ang katawan ko at dahan-dahan na binaybay ang dalampasigan.
Hindi ko namalayan na nakalayo na pala ako. Malapit na akong makarating sa dulo ng resort. Dahil isang direksyon lang naman ang dinaanan ko ay alam kong makakabalik naman ako sa pinanggalingan ko. Habang bitbit ko pa rin ang sandals ko ay nagdesisyon akong pumunta sa isang stall at bumili ng makakain. Nakaramdam na kasi ako ng gutom at hindi naman agad ako makakabalik sa venue... O sabihin na nating wala na talaga akong balak bumalik doon.
“Isang slice po ng buko pie at juice na rin,” sambit ko sa mama na nagbabantay sa stall. Pinanood ko siyang magbalot ng buko pie at nabigla na lang ako ng isang buong buko talaga ang kinuha niya. At nilagyan niya lang ito ng straw bago iabot sa akin.
“S-salamat po,” ani ko saka iniabot ang bayad sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin bago ako umalis. Samantalang ako ay gulat pa rin sa isang buong buko na hawak ko.
Humanap naman ako ng puwesto na malapit ulit sa dalampasigan. May dalawang malaking puno roon na pinagkakabitan ng dalawang duyan at may parang bench na gawa sa kahoy sa tabi noon.
Ipinatong ko agad ang buko juice at buko pie sa mesa dahil nahihirapan na ako, dahil bitbit ko nga rin ang pangyapak ko. Pag-upo ko sa kahoy na upuan ay saka ko inunat ang paa ko dahil kanina pa rin ako nangangalay.
Dahil gutom na gutom na talaga ako ay naubos ko agad ang isang slice ng buko pie. Sa sobrang sarap din nito ay nabitin pa ako, pati iyong buko juice ay nasaid ko rin. Gusto ko sana kainin 'yung laman kaso hindi ko naman alam kung paano ko mabubuksan 'yung buko.
“Hi!”
“Ay, anak ka ng nanay mo!” dahil natulala na lang ako sa bukong hawak ko ay hindi ko na namalayan na may nakaupo na pala roon sa isang duyan sa tabi ko.
“Yes, you're right. Anak ako ng mommy ko,” sambit nito habang pinipigilan ang tawa.
“M-ma'am K-kaye?” gulat kong tanong nang mamukhaan siya. Siya iyong girlfriend ni Sir Hino.
“Yup, you remember me... And you're Grasia right?” napansin ko ang isang bote ng beer na hawak niya habang mahinang nagduduyan.
“O-opo, tama po—”
“Tschhh. Stop the formality and the 'po and opo'. Just call me Kaye,” aniya.
“Sorry p—” sambit ko. Akala ko ay magagalit siya sa akin pero nabigla na lang ako nang matawa siya sa harap ko.
“Hays.” Napabuga naman siya ng hangin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya rito. Kung bakit wala rin siya sa party at hindi niya kasama si Sir Hino.
“A-ahm—” magsasalita palang ako ay pinigilan na niya ako. Tinapat pa niya sa akin ang palad niya kaya napaatras ako bigla kahit hindi naman ako umaalis ng puwesto ko.
“Alam ko na itatanong mo... Kung bakit wala ako sa party, tama ba? Hep!” tinapat niya ulit sa akin ang palad niya. Lasing na yata siya. “Ako muna, ganda ha!” napangiwi naman ako sa pinagsasabi niya. Lasing na nga.
“I don't want to attend the engagement kasi... Bakit pa? I know that they weren't inlove to each other! Mga plastic! Ano 'yon? Papaabutin nila hanggang kasal?” pagkatapos noon ay tumawa siya ng malakas.
Natahimik na lang ako sa pagra-rant niya sa akin. Ang lakas pala ng tama nitong girlfriend ni Sir Hino.
“Hoy! Are you thinking na malakas tama ko ano? You're wrong!” napangiwi ulit ako nang sabihin niya iyon. Parang nababasa niya yata ang nasa isip ko o nabasa niya sa reaksyon ko. O talagang mukha akong judgemental?
“Bakit po hindi niyo kasama si Sir Hino?” tanong ko na lang. Lumingon naman siya sa akin na malapad ang ngiti. Sabog na nga.
“Nandoon sa party, nag-away kami kasi pinipilit niya ako na um-attend eh ayoko nga! Ayoko! Hahahahahaha!” napahawak naman ako sa noo ko nang muntik na siyang malaglag sa kinauupuan niya.
“Ate Kaye... Gusto mo ba samahan na kita pabalik doon?” lumapit na ako sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Baka kung ano pang mangyari sa kaniya.
“Aww, its cute that I have a little sister na! And you're so pretty like me!” patili-tili pa siya na parang kinikilig.
“Tara na po—”
“I'm fine here...” malumanay niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa braso niya saka tinanggal ito sa pagkakahawak. “Samahan mo na lang ako Grasia.”
Napatitig naman ako sa kaniya at umupo nalang din sa katabi nitong duyan. Nagbuga ako ng hangin, okay na rin siguro na rito na lang muna kami. Ako na ang bahalang tumawag mamaya kay Sir Hino.
“Ate Kaye... Ano pong ibig niyong sabihin kanina? Kung bakit ayaw mong um-attend sa party?” tanong ko.
Nagduduyan lang siya habang nakapikit. Kaunti na lang siguro ay tulog na siya. Ilan na kayang beer ang nainom niya?
“Uhm... panget mo naman ka-bonding Grasia. Tinatanong mo pa? Eh, alam naman namin ni Hinoeh na ikaw ang gusto ng baby Chen namin! Hahahahahaha! Ayieee!” humagalpak na naman siya ng tawa saka sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ko.
Hindi ko na rin napigilan ang pagtawa. Ang cute niya kasi kapag lasing. Ang layo-layo sa ugali niya kapag hindi lasing. Iyon bang ang elegante niya kahit pagtindig palang.
Tapos ngayon... Ganito ko siya makikita.
“Hey... Why are you laughing? Hindi ba totoo? Ikaw ba? Gusto mo rin ba si Chenchen namin ha? O mahal mo na rin siya?” nagtaas-baba pa ang dalawa niyang kilay.
Napangiti naman ako at agad siyang sinagot. Lasing naman siya kaya siguro naman hindi niya maaalala ang mga pinag-usapan namin.
“Tama ka Ate Kaye, mahal ko rin si Chen.”
“Tschhh! Iyon naman pala eh, ano pang hinihintay mo? Itigil na natin ang kasal—este ang engagement!” tumili pa siya nang malakas na ikinagulat ko. Napagtanto ko na bakit nasa tamang wisyo na ulit siya ngayon.
Sa bilis ng pangyayari ay nahatak na niya agad ako. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at may idinial. Naguguluhan akong napatitig sa kaniya. Ha? Hindi ba siya lasing?
“Hello babe! Yes! Mission accomplished. We're going back there and we must stop the engagement!” nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ano? Plano lang nila ang lahat ng ito ni Sir Hino?
* * *
BINABASA MO ANG
Captivated
Любовные романыAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...