GRASIA
“Live porn?” parang may malaking question mark sa mukha ko habang nakatitig kay Sir Chen. Pilit kong pinoproseso sa utak ko 'yung sinabi niya at doon sa nakita ko... Kung hindi ako nagkakamali—Napatakip agad ako ng bibig.
“Your face is so funny, Grasia!” tinawanan naman ako ni Sir Chen. Ngumuso lang ako.
Oo aaminin ko, hindi ako 'yung tao na sobrang inonsente! Alam ko 'yung nakita ko—'yung ginagawa nila! Pero kailangan ba talaga makasaksi ako nang ganoon? Gaya nga nang sinabi ni Sir Chen na live pa. Parang gusto ko na lang maglaho bigla!
“S-sir Chen, nakita po yata ako no'ng lalaki? Sino ba 'yon? Sabi ni Mana walang tao sa mansyon?”
“I'll explain it later, pumasok muna tayo sa loob,” aniya. May pinindot pa siya bago kami pumasok ng gate tapos biglang tumunog 'yung sasakyan niya.
“S-sir, hindi pa po ako nag-uumpisa sa trabaho baka masisante na agad ako!” kabado na talaga ako kanina pa.
“Shhh...” inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa bibig. Bigla kasing nagbukas 'yung ilaw sa veranda ng ikalawang palapag.
“Nagising yata si Mommy,” bulong ni Sir Chen. May anino akong nakita sa taas. Mukhang si Madam Helena nga iyon.
Nagtago naman kami agad sa garden. Maya-maya pa ay namatay na ang ilaw kaya nakadiretso na kami sa loob. Doon naman kami dumaan sa gilid ng garden sa dinaanan namin ni Mana.
Nakapatay na lahat ng ilaw sa loob pagpasok namin. Sa kusina kami nanatili at umupo. Dito na rin namin napagdesisyunan na mag-usap. Dahil ninenerbyos pa rin ako ay si Sir Chen pa ang nag-abot sa akin ng isang basong tubig.
Walanghiya ka talaga Grasia!
“S-salamat po,” sabi ko nang abutin ang tubig.
“Grasia, 'wag mo na lagyan ng 'po' ang sasabihin mo kapag kausap mo ako,” aniya. “Saka 'wag na rin Sir, ang bata-bata ko pa kaya, magkasing-edad lang yata tayo eh.”
Napanganga ako nang magsalita siya nang tuloy-tuloy at straight tagalog pa. Umupo na rin siya sa upuan sa gilid ko.
“Wow, ang galing mo rin magtagalog gaya ng Daddy mo!” puri ko sa kaniya.
“Maliit na bagay,” sabi niya habang hinahawakan ang kaniyang batok.
“Sige, hindi na kita tatawagin na Sir saka wala na ring 'po'... Basta... Kakausapin mo ako ng straight tagalog!” lumapad naman ang ngiti ko. “Kasi naman parang dudugo na ilong ko sa inyong lahat. Puro englishero at englishera mga tao rito.”
Lahat kasi sila puro english ang salita. Nakakaintindi naman ako ng english pero parang nae-alien ako rito sa mansyon. Sila Mana, Ate Budang at Ate Baby lang nakakausap ko ng tuloy-tuloy.
“Sige,” mahangin niyang sabi. Kahit kakaiba ang accent ng pagtatagalog niya. Pati pagtawa niya kakaiba rin.
“Ilang taon ka na ba?” bigla kong tanong.
Naningkit naman lalo ang kaniyang singkit na mata. “Hmm... I'm twenty-two,” sagot niya.
Namilog naman ang bibig ko dahil sa sagot niya. Ang bongga ng accent nito ni Sir Chen. Yung pagkakasabi niya kasi ng "twenty-two" parang "twenny tuh". Hindi ko kinaya ang pa-accent ni intsik. Bago pa ako tuluyan matawa ay sumagot na ako.
“Ahh, okay!” habang nagpipigil ng tawa.
Naguluhan naman siya. “Bakit okay?”
“Mas matanda ka talaga sa akin!” pang-aasar ko.
“Bakit ilang taon ka na ba?” kunot-noo niyang tanong. “Parang mas matanda ka pa sakin eh!”
Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. “Hoy! Grabe ka!”
“Just kidding!” sabay ngisi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at ngumuso. Mas bata ako sa kaniya! Baby face lang talaga siya!
“Pa-salamat ka baby face ka!” asik ko.
“Well, it runs in our blood,” mahangin niyang sabi. “So, bakit hindi mo pa ako sinasagot? Ilan taon ka na nga?”
“Secret, no clue!” saka ako dumila sa kaniya.
“Madaya ka pala eh.” Ngumisi lang siya sa akin. Hindi na naman niya ako pinilit pa. Napangiti lang ako. Dahil ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya. Parang boy version siya ni Madam Helena.
“Oh, basta best friend na tayo Chen ha,” sabi ko na bigla niyang ikinatawa.
“Sure—ay, sige.” Natawa naman ako nang iniba niya ang sinabi niya.
“Huy... sino ba 'yung mga tao roon?” usisa ko agad. Kanina pa ako nangangati malaman kung sino 'yung mga tao roon sa mansyon ng amo ko.
“Ah... Si Linnus 'yon, pinsan namin,” aniya.
Dahil gabi na, ang nakikita ko na lang ay ang mukha ni Chen. Nakatapat kasi ito sa bintana ng kusina na tumatagos ang ilaw mula sa labas.
“In fairness, ang gwapo mo... kamukha mo talaga si Madam Helena,” bigla kong sabi.
Hindi ko alam kung ano nangyari sa kaniya. Pero bigla niyang naagaw sa akin 'yung baso ng tubig at nilagok.
“Hala Chen! Oks ka lang?” tanong ko.
“H-huh... Y-yeah.” Hinampas-hampas ko pa ang likod niya. Ganoon kasi ang ginagawa ni lola kapag nabibilaukan ako eh. Ramdam ko naman ang tigas ng likod niya. Parang tuod nga siya habang nakaupo.
“Linnus? Pinsan? Edi anak siya ni Sir Xin?” tanong ko naman.
“Y-yeah,” sagot niya.
“Omg!” bigla ko na lang nahila ang buhok ko.
Katangahan mo 'yan Grasia! May pagka-chismosa ka kasi! Ayan ang napapala mo! Sana hindi ko na lang binalak sumilip doon.
“Hey, Grasia?” napabalik ang tingin ko kay Chen.
“Baka mawalan ako ng trabaho,” nakangiwi kong sabi.
Bumuntonghininga naman siya. “Don't worry, kapag sinisante ka nila dito ka na lang magtrabaho sa amin!”
“Weeehhh? Talaga ba?” nanlalaki ang aking mata sa sinabi niya.
“Yup! Puwede ka rito!”
“Paano kapag nakilala ako noong Linnus? Baka hindi na talaga ako makapagtrabaho?”
“He's drunk... Kaya nga ako papasok ng mansion nila para i-check siya tapos nakasalubong naman kita.”
“Tapos?” tanong ko.
Humawak naman siya sa kaniyang baba. “I'm sure hindi niya iyon maaalala, hindi niya kasi alam ginagawa niya kapag lasing siya.”
“Hindi?” nakakunot ang noo ko sa kaniya. “Bakit nag-aano sila no'ng babae?” Nanlaki naman ang mata ni Chen.
“Sabi pa nga ng babae... 'please be gentle' daw! For sure alam niya ginagawa niya—”
Kaagad tinakpan ni Chen ang bibig ko. Napalunok naman siya at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.
“Shhh... Grasia... Baka magising sila.” Nang tumango ako ay binitawan na ako ni Chen. Ang lakas pala ng boses ko!
“Alam mo matulog na tayo best friend, baka sana bukas paggising ko nalimutan ko na 'yung nakita ko,” mahinang bulong ko.
Tumango naman siya. “Kapag bumalik ka na sa mansyon nila. Just act normal in front of Linnus, 'yung parang wala kang nakita.”
“Uhm.” Patango-tango lang ako.
Tumayo na kami at sabay lumabas ng kusina. Naghiwalay na kami ng daan, siya ay papanhik sa taas. Ako naman ay sa kabilang pasilyo lang papuntang maid's quarter. Bago ako tuluyang dumiretso sa loob ay nagsalita siya.
“Goodnight, Grasia.” Ngumiti siya sa akin.
“Goodnight din, Chen! My new best friend!” saka ako ngumiti at kumaway.
* * *
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...