Wakas

72 6 0
                                    

CHEN'S POV

“Bakit ba hindi ka nagsasawa na kuhanan ako ng mga pictures ha?” she asked while knitting her brows. She's busy doing some banana bread for our meryenda.

I just smiled and sat down on the stool bar while continously taking some pictures of her. “Love, bakit naman ako magsasawa? Eh, mahal na mahal kita.” I smirked.

“Sus, baka maumay ka na sa akin ha! Kung kailan dalawa na ang mga anak natin!” natawa na lang ako sa sinabi niya. She has this unique personality that I loved the most.

“No, love. Gusto ko na nga sundan natin si Gray—” she cut me off.

“No way! Ano ka sinuswerte?” she make face in front of me. Ang lakas talaga niyang mang-asar.

“Oo, swerte talaga ako... Lalo na sa'yo,” mabilis kong sagot at hinigit siya papalapit sa akin.

“Sus, nambola na naman!” she pouted.

Everytime she do that, I always try to stop myself from kissing her. At sa tuwing bumabanat siya sa akin, hindi talaga ako nagpapatalo sa kaniya. Kahit noon pa man na palagi niya akong dinadaan sa mga pabiro niyang banat. Lalo tuloy akong nahulog sa kaniya. Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya.

Inagaw naman niya sa akin 'yung hawak kong camera. That was my old cam but a very special one. Ginagamit ko lang ito sa aking asawa at mga anak. I already have my new sets of cameras that's why I decided to used this as our family cam.

“Hmm, titingnan ko nga baka naman puro epic mukha ko rito ha—” she stopped from talking. Nagtaka naman ako kaya nilapitan ko iyong tinitingnan niya.

I tilted my head as I come closer to her. “Why, Love?”

“Ako 'to hindi ba? Saan mo 'to nakuha?” she asked curiously. “Bakit parang pamilyar sa akin 'to? Pero ngayon ko lang nakita.”

Hindi na mapalagay ang mukha ng asawa ko at halos magsalubong na ang dalawa niyang kilay. I smiled when I remembered the memories of that picture. That was the day when I met her for the first time. And the second time is in our mansion.

“That was the first time I saw you, Love,” I said. Napatingin naman siya sa akin, nagtataka ang mukha. “It was taken back then, if you remember the first day you come here in Manila—”

“Oh my gosh, love! Nandoon ka no'n?!” gulat na gulat ang kaniyang mukha nang marinig ang sinabi ko. “Weh?! Hindi nga?!”

I laughed. “Paano ka naman magkakaroon ng picture d'yan kung wala ako roon?”

She winced. “Oo nga naman, pero paano nangyari?”

“Basta.” Iyon lang ang isinagot ko pagkatapos ay ngumisi. Hinampas naman niya ako sa braso at sininghalan.

“Ewan sa'yo, ayaw mo lang siguro na malaman kong na-love at first sight ka sa akin 'no?”

I can't stop myself from smiling. Sa lahat kasi ng mga babaeng nakilala ko, ang asawa ko ang kakaiba sa lahat. Walang oras na hindi niya ako pinapasaya at minamahal. Ramdam na ramdam ko iyon sa bawat, segundo, minuto, oras at sa pang-araw araw na magkasama kaming dalawa.

But she's right, na-love at first sight nga yata ako sa kaniya kasi I believe in love at first sight. But it wasn't just when I saw her for the first time... There's really something on her that day, that I can't even explain.

For the second time around our paths crossed again. And for God's grace! That was in our mansion!

And time goes by... One morning... I just woke up in bed and realized that I already have feelings for her, that I love her and she's really special to me.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon