GRASIA
“Cheers!” itinaas muli sa ere ni Ate Budang ang kaniyang wineglass. Kinuha naman namin ang amin at tinaas din para mag-toast.
“Ah! Grabe ang sarap pala ng alak ng mayayaman!” agad na sabi ni Ate Susan. “Pero wala pa ring tatalo sa lambanog doon sa probinsiya namin!”
Si Ate Susan, Budang, Baby, Mana at maging ako ay puro nakainom na. Kanina pa kami nagchi-cheers dito, hindi ko na alam kung inuuto na lang ba kami ni Ate Susan.
Nakaramdam na rin kasi ako ng hilo. Hindi pa naman ako sanay na uminom. Nagkaroon lang ako ng pagkakataon ngayon dahil wala ako sa San Lorenzo. Pinayagan naman ako ni Mana dahil kasama ko naman siya.
“Grasia... H'wag kang magpakalasing ngayong gabi ha,” ani Mana. “Bumalik na kayo ni Susan sa kabilang mansyon pagsapit ng alas dose.”
Tumatango-tango lang ako dahil nagdodoble na si Mana sa paningin ko. Dahil sa hindi malamang pakiramdam tumayo ako at tumungo sa banyo.
Nasusuka ako!
Mabilis akong pumasok sa banyo ng kusina. “Bwooaaaack!”
Pati 'yung nakain ko kanina ay nailabas ko na rin sa dami nang sinuka ko. Naghilamos na ako at naghugas ng kamay. Nahihilo na ako... Kailangan ko na sigurong matulog. Babalik na lang ako sa kabilang mansyon.
“Aray!” sigaw ko nang tumama ang ulo ko sa kung sino paglabas ko ng banyo.
“Grasia!” naningkit ang mata ko para makita nang maayos ang nasa harapan ko.
Hinawakan ko pa ang mukha nito. “Chwueen? I-ikaw ba 'yan?”
“Uminom ka? Bakit ka lasing?” tanong niya.
“Ha? Ako lasing? Sinong lasing?” Tinuro ko pa ang sarili ko. “Hindi ako lasing ah.”
Narinig ko ang buntonghininga niya. “I-uuwi na kita roon sa kabila, tara na... magpahinga ka na.” Hahatakin na sana niya ang kamay ko nang umiwas ako. Tumagilid ang aking ulo at pinaningkitan siya.
“Ikaw yata lashing eh, b-bakit ako uuwi eh dito ako nakatira!” sigaw ko. Nakunot ang noo ko nang tumawa siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
“Tara na... Bakit ka kasi nag-inom?” tanong niya ulit.
“Secret...” Sabay tawa ko. “Ikaw kailan kasal mo?” kaagad siyang napalingon sa akin.
“What?” nag-iba naman ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
“Invite mo ako ha! H'wag mo akong kalilimutan best friend! Puwede mo rin akong kuning bridesmaid!” saka ako kumapit sa braso niya dahil pakiramdam ko ay matutumba na ako.
“Grasia...” Tinatawag niya ako pero hindi ko alam kung bakit tumatawa lang ako. “Let's go—”
“Sebastien!” saktong pagkalabas namin ng kusina ay sumalubong sa amin 'yung fiancée ni Chen. “Kanina pa kita hinahanap!” Bumitaw na ako kay Chen.
“Cass, ihahatid ko lang siya.” Tinuro pa ako ni Chen at napatingin naman sa akin 'yung babae.
“Oh? Who's that? Is she your friend?” hindi ko na makita nang maayos ang mukha nila pero malinaw kong naririnig ang mga sinsabi nila.
Kaagad akong umiling. “Ayos lang ako, 'wag mo na ako ihatid Sir Chen haha.”
“Sir?” takang tanong noong babae.
“Ma'am, maid lang po ako roon sa kabilang mansyon. Pasensya na po sa abala, mauna na po ako.” Mabuti na lang at nakisama pa ang utak ko dahil dire-diretso pa akong magsalita.
“Let's go na Sebastien! Hinahanap ka ni Mommy!”
Mabilis na akong naglakad palabas ng mansyon saka dumiretso sa puwesto namin kanina.
“Cheers!” saktong pagdating ko ay nakataas na naman ang wineglass ni Ate Susan.
“Susan! Kanina ka pa cheers nang cheers d'yan! Feel na feel mo naman ang pag-inom!” dinig ko ang boses ni Baby.
“Ano ka ba Baby! Minsan lang 'to kaya ine-enjoy ko na!” sigaw din ni Ate Susan.
Nagkakanda halo-halo na ang boses nila sa utak ko. Dagdag pa nang malakas na tugtog sa party. Nahihilo na rin ako lalo sa mga ilaw.
Tumabi na ako kay Mana. “Mana... balik na ako sa kabila... Gusto ko na matulog,” ani ko.
“Gusto mo ba ihatid na kita? Mukhang ayaw pa paawat nitong si Susan eh,” saad niya.
“Hindi na Mana... Kaya ko na, ang lapit-lapit lang naman ng kabila d'yan lang sa harap.” Tumayo na ako at dahan-dahan lang akong naglakad. Unti-unti ko kasing binalanse ang katawan ko para hindi ako matumba sa paglalakad.
Nakalabas naman ako ng gate nang matiwasay. Kahit pagewang-gewang na ako. Hindi ako natumba!
Yeeesh!!
Habang papasok ng mansyon ng mga amo ko. Namalayan ko na lang na tumatawa ako mag-isa. Shit! Nababaliw na yata ako! Ngayon lang ako tinamaan nang ganito.
Madilim ang buong mansyon pagpasok ko. Kaya naisip kong maupo muna sa harap ng malaking pinto. Pinagmamasdan ko ang makukulay na ilaw na nagmumula roon sa kabilang mansyon.
Huminga ako nang malalim, pagkatapos ay tinanggal na ang suot kong sandals. Nakaginhawa naman ang paa ko, kanina pa kasi ito namamawis. Ano ba 'yan pati paa ko pasmado!
Napagdesisyunan ko nang pumasok ng tuluyan sa loob. Nakapatay pa ang ilaw nang pumasok ako. Hindi muna ako dumiretso papuntang maid's quarter.
Minsan lang 'to!
Wala naman ang mga amo ko!
Inilapag ko ang sandals ko sa sahig. Lumapit ako sa sala... Nang makapa ang malaking couch saka ako dahan-dahang humiga at nag-inat. Halos kasing laki na rin ito ng kama.
Kapag naglilinis kasi kami... Palagi kong naiisip kung ano ba ang pakiramdam kapag nakahiga rito. Napangiti ako. Ang lambot! Ang sarap sa pakiramdam! Bumaliktad ako ng puwesto at umayos ng higa. Kinuha ko ang unan saka niyakap ito.
Nakapikit lang ako... Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko ngayong gabi. Masaya, malungkot at nahihilo. Hindi ko talaga alam... Ganito pala siguro ang epekto ng alak.
Kinapa ko ang cellphone ko sa pang-ilalim kong short. Buti na lang pala at dito ko nailagay sa bulsa. Naiwanan ko kasi 'yung bag na pinahiram sa akin ni Ate Susan. Hindi naman mawawala iyon sa puwesto namin. At tiyak akong makikita nila iyon.
Kinuha ko ang cellphone at dinial ang number ni Lola. Itinapat ko naman ito sa tainga ko pagtapos.
“Hello... Lola... Gising ka pa rin? Nandito na po ako sa mansyon ng mga amo ko. Magpapahinga na po ako... Alam mo ba La ang saya ng party dito... First time ko yata makapunta sa gano'ng party. La... Nami-miss na kita... Bibisitahin kita d'yan kapag nakapag-day off na ako.
“Opo Lola! Masaya ako rito... Hindi naman po ako pinahihirapan ng mga amo ko. Mababait po sila... Uhm... Kumakain po ako ng mabuti rito.” Naglandas ang luha mula sa aking mga mata.
“Saka La... Alam mo ba 'yung best friend ko rito! 'Yung kinu-kwento ko sa'yo? Masaya po ako para sa kaniya kasi engage na po siya... Nakita ko nga 'yung fiancé niya kanina eh... Ang ganda! Parang model!”
“Opo La... Sige na nga po, bukas na lang... Manghingi ka lang tulong kay Tantan kapag may kailangan ka ha... Sige La, goodnight po, mwah mwah. I love you po, Lola!”
* * *

BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...