Kabanata 18

47 4 0
                                        

GRASIA

Kung ganoon tama nga ang hinala ko na may kung ano talaga sa pagitan nilang dalawa. Hindi na ako nagulat nang sabihin niya iyon.

Kasi kung mag-ina talaga sila, bakit gano'n na lang tratuhin ni Sir Linnus si Ma'am Shirley? Kahit sa mga mata ni Ma'am Shirley ay hindi mo makikitaan ng kahit anong malasakit at pagmamahal kay Sir Linnus.

Ang layo-layo ng loob nila sa isa't isa, kahit isang beses hindi ko sila nakita ni Ma'am Shirley na magkasundo.

“She's the second wife of my dad... But she's the legal one,” ani nito habang nagpupunas ng kamay sa tissue. “Siya ang legal kasi siya ang pinakasalan.”

Napatango-tango naman ako. Wala akong ideya kung bakit sinasabi niya sa akin ito, pero ayos na rin dahil para magkaroon naman ako ng impormasyon tungkol sa mga amo ko.

Hindi sa pagiging chismosa, baka kasi may magawa ako o masabi na magiging sanhi ng pagkakagulo nila. Kasi nga wala akong alam, 'yung ganoon ba... Kaya kahit alam ko na ngayon mas mabuti ang manahimik na lang.

“Bakit 'yung Mama mo hindi pinakasalan?” tanong ko.

“We're Chinese... Business is more important than anything else. It's always the business, money and power,” paliwanag niya. “Mas mayaman at maimpluwensya ang pamilya ni Tita Shirley kaysa sa Mom ko kaya ganoon.”

“Ay, oo nga! Uso nga pala sa mga Chinese arrange marriage 'no? 'Diba? Ganoon ang napapanood ko sa TV!” sabi ko.

“Tama ka... My Dad and Tito Xico grew up with a different life,” sambit niya. “Unlike to us... Hino, Chen and me... Pinalaki kami na malayo sa kinagisnang lahi ng mga magulang namin.

“Nilagay lang nila kami sa tamang landas, kung may gusto man silang ibaon sa limot... Ay iyong pagiging Chinese nilang dalawa. They had a miserable life before with their parents.” Pagpapatuloy pa ni Linnus.

Tumatango-tango lang ako sa sinasabi niya. In fairness ang daldal din pala nitong si Sir Linnus.

“Kaya pala ang tatas niyong magtagalog! Kahit mga Chinese kayo, para na rin kayong mga Filipino!” sabi ko pa.

Tumango lang siya. “Did you know that—”

“Ay, hindi ko pa alam 'yan, sige ituloy mo lang,” ani ko. Natawa naman siya nang mahina.

“Me and my cousins doesn't know how to speak any Chinese language... Mandarin or whatsoever... Hindi kami pinayagan na matuto nang ganoon,” aniya pa. “English and Tagalog lang ang puwede.”

“Ah, kaya pala,” kumento ko. “Pero bakit mo kine-kuwento sa akin ang mga 'to?” tanong ko naman.

“Uh... I want you to be my friend,” aniya saka ngumiti.

“Friend?” nanlaki ang mga mata ko. Gusto niya akong maging kaibigan? “Friend lang pala eh! Gusto mo best friend pa eh!”

Natawa naman ako saka hinampas ang balikat niya. Nagulat naman siya nang gawin ko iyon.

“Ay! Hala! Marumi nga pala kamay ko! Sorry!” maagap kong sabi.

“Ayos lang.” Narinig ko naman ang mumunti niyang halakhak. “Look, marumi rin ang kamay ko.”

Tiningnan ko naman ang kamay niyang may bakas ng ketchup at gravy. Sabay naman kaming nagtawanan dalawa.

* * * * *

Naghuhugas ako ng mga gulay para sa salad ni Ma'am Shirley. Nang bigla akong mapapikit sa isang malakas na wisik, na tumama sa aking mukha nang matapos maghugas ng plato si Ate Susan sa tabi ko.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon