GRASIA
Tahimik lang ako habang nasa biyahe. Kahit anong kausap sa akin ni Linnus ay hindi ko siya pinapansin. Bigyan niya ba naman ako ng isang spaghetti strap na fitted dress, na may disenyong maliliit na cherries. Napilitan pa akong suotin iyon dahil nakakahiya naman sa kaniya.
“Are you mad?” tanong niya. Tumigil naman ang sasakyan sa tapat ng isang resto. Tinanaw ko pa ito nang maigi sa labas. Mukhang mamahalin sa lugar na ito.
“Hindi naman... Medyo naiilang ako sa suot ko,” sambit ko.
“Uhm, I'm sorry,” aniya nang hindi makatingin sa akin. “I didn't know that you're not used to wear a dress like that... I'm sorry, my bad.”
“Luh, parang ewan ka naman. Ayos na 'to!” napakagat pa ako nang labi dahil sa sinabi niya. Ayan na naman siya't nagi-guilty na naman.
“Wait,” sambit niya saka may inabot sa likod ng kaniyang sasakyan. “Wear this, I know that you're not comfortable with your dress.” Pagkatapos ay ngumiti lang siya sa akin at iniabot ang leather jacket niya na kulay black.
Pinagbuksan niya pa talaga ako ng kaniyang sasakyan para makababa. Bumungad sa amin ang isang outdoor resto na sa unang tingin ay mamahalin talaga. Ang ganda ng location nila dahil nasa taas na parte sila ng kalupaan. At napalilibutan din ito ng magagandang puno at halaman.
“Ano palang gagawin natin dito?” nagtataka kong tanong sa kaniya.
“Lunch,” tipid niyang sagot.
“Puwede naman tayong sa mansyon na lang kumain—” hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko at hinawakan na niya ang kamay ko papasok sa loob ng resto.
Napatigil ako bigla pagpasok namin. Para akong tuod na hindi makagalaw sa puwesto ko nang makita ang mga taong nasa loob din ng resto. Maging sila ay nagulat sa pagdating namin ni Linnus. Sina Madam Helena, Sir Xico, Sir Xinto, Ma'am Shirley, Sir Hino at ang kaniyang girlfriend... At maging si Chen ay naroon katabi iyong soon to be fiancée niya.
Napalunok ako bigla. “L-linnus? Anong meron?” napagawi naman ang mata ni Linnus sa akin at dumiin ang pagkakahawak sa kamay ko.
“Don't worry, I already told them that I will bring my date today,” nakangiti niyang sambit.
Date? Ano bang meron ngayon? Bakit nagtipon-tipon silang lahat dito?
Hinila na ako ni Linnus papunta roon sa puwesto nila at pinaghila pa talaga ako ng upuan. Matinding kaba ang nararamdaman ko ngayon sa harap nila.
“Good afternoon, guys.” Tipid na bati ni Linnus sa kanila.
Napansin ko na nagtataka pa rin sila kung bakit ako kasama ni Linnus ngayon dahil sa mga titig na binabaling nila sa akin.
“G-good a-afternoon p-po sainyo, pasensya na po dahil hindi ko po alam na rito pala kami—”
“Grasia, don't explain yourself. Just relax,” sambit ni Linnus. Pagkatapos ay hinaplos ang aking braso.
“I'm happy to see you here, Grasia.” Masayang bumati sa akin si Madam Helena.
“Hi, Grasia!” si Sir Hino naman ang bumati.
“H-hello p-po.” Bati ko sa kanila pabalik. Parang kakaiba tuloy ang nararamdaman ng tiyan ko. Natatae ako na ewan na gusto ko na bumalik sa mansyon.
Bakit ba kasi ako narito? At bakit ako sinama ni Linnus dito?
“Whaaaat?! Ikaw pala ang sinasabi ni Linnus na date niya?!” nagbaling naman ng tingin sa akin si Ma'am Shirley. Nanlalaki at nandidiring nakatingin ang mata nito sa akin.
“Shirley, 'wag kang mag-umpisa,” saad ni Sir Xinto sa kaniya.
Bumaling naman ako ng tingin sa kaharap ko ngayon sa lamesa. Kahit hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Napansin ko ang kakaibang awra niya ngayon. Ang tahimik niya at matamlay. Katabi niya iyong Cassy na nakataas ang kilay na nakatitig sa akin.
Kung titingnan ay kani-kaniya nga silang couples dito. Inisip ko na lang na kaya ako sinama ni Linnus dito ay para may makasama siya. Pero hindi... Marami namang babae na pwede niyang dalhin. Bakit ako pa?
Hindi sa hinahamak ko ang sarili kong trabaho. Pero alam naman nilang lahat na isa lamang akong kasambahay para maging date ngayon ni Linnus.
Humugot ako ng malalim na paghinga bago humarap nang diretso kay Chen.
“H-hi... C-chen.” Napagawi naman ang tingin niya sa akin. Ano ba Grasia bakit nauutal ka d'yan? Masyado ka ng kabado!
Isang tipid na ngiti lang ang iginanti niya sa akin. Ganoon pa rin ang ekpresyon niya simula kanina. Pakiramdam ko ay may problema siya.
“Hmm.” Kinuha ni Sir Xico ang atensyon naming lahat. “I think we're already complete here, and after lunch... We can start for our agenda.”
...
Natapos ang lunch ng hindi man lang ako makapagsalita. Habang sila ay busy sa kani-kanilang usapan. Maling-mali yata na narito ako kasama sila dahil naa-out of place lang ako. Sumasagot lang ako kapag may tinatanong sa akin si Linnus.
Kung gusto ko ba noong ulam? Kung kumakain ba ako ng ganoon? At kung anu-ano pa.
Dahil first time kong kumain sa ganitong resto para akong nae-alien sa mga pagkain.
“Kailangan ba talagang kasama ang isang muchacha sa family meeting na 'to?” biglang entra naman ni Ma'am Shirley.
“Shirley.” Pagbabanta ni Sir Xin.
“Why? Totoo naman hindi ba?” nakaismid pang tumingin sa akin si Ma'am Shirley. “Look, ang kasama nina Hinoeh at Sebastien ay mga girlfriends nila... Samantalang 'yung anak mong si Linnus nagdala pa ng muchachang squammy!”
Nabalot ng malalakas na halakhak ni Ma'am Shirley ang paligid namin. Naramdaman ko naman ang matinding tensyon na nabuo sa aming lahat dahil sa mga sinabi niya. Kahit masakit 'yon para sa akin, hindi na lang ako nagpaapekto dahil alam kong wala namang patutunguhan kung papatol pa ako sa kaniya.
“Shirley!” sigaw ni Sir Xin. “Itigil mo ang bibig mo!”
“Bakit may masama ba sa sinabi ko? Tama—”
“Kung wala kang magandang sasabihin, tumahimik ka na lang puwede?” hindi na napigilan ni Madam Helena ang magsalita. “Wala namang ginagawang masama si Grasia sa'yo.”
Napanganga naman si Ma'am Shirley at inirapan si Madam Helena. “Hoy, Helena! H'wag kang makialam, palibhasa parehas lang kayo ni Grasia na squammy.”
“Well, aware naman ako kung saan ako nagmula,” ani Madam Helena. “At hindi ko iyon ikinakahiya.” Kahit na nakikipagsagutan siya ay mahinhin at elegante pa rin ang kilos niya.
“Kahit anong bihis—”
“STOP!!” napapikit ako bigla nang sabay na sumigaw sina Sir Xin at Sir Xico.
“Ano ba Shirley?! Hindi ka na ba nahihiya? Kahit saan ka na lang!” nagpupuyos na sa galit si Sir Xin.
Natahimik ang lahat. Mabuti na lang at wala masyadong mga tao ang kumakain dito sa resto. Dahil kung meron man... Malamang ay maging sila ay magugulat sa pagkakagulo rito. Napansin ko pa nga na, napapatingin na 'yung ibang mga staff and crew sa puwesto namin.
Isang malakas na paghampas sa lamesa ang nagpatahimik lalo sa aming lahat.
“Kung hindi niyo kayang mag-usap dito ng maayos. Please, 'wag na nating ituloy 'to.” Seryoso ang mukha ni Chen nang pagmasdan ko ito. Mariin na nakakuyom ang mga kamao nito bago tuluyang umalis sa harap namin.
* * *
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...