GRASIA
"Mamamiaaa!! It's so very hot here in the Philippines!!" isang malakas at mapilantik na boses ang bumungad sa loob ng mansion.
Nakatayo ang isang sopistikada? Hindi ko sure. Pero ang suot niya ay isang backless dress na pula, na hapit na hapit sa kaniyang katawan. Terno nito ang kulay pulang heels na sobrang tulis ng nguso. Hawak-hawak ang kulay pulang pamaypay. At.... Nakashades si Madam. Ang labi niya ay pulang-pula rin!
Obvious naman siguro na kulay pula ang paborito niya.
Ang taray!
Pagtanggal niya ng shades ay agad na umikot ang malaki niyang mata! Ang kapal niya naman mag-eyeliner!
"Nasaan ang mga muchacha ng aking mansion?!" sigaw niya.
"A-ah, m-magandang t-tanghali po Madam!" bati ko.
"Madam?! Huwag mo akong matawag-tawag na Madam! Hindi ako si Helena! So cheap!" malakas na sigaw niya sa akin.
Nabigla naman ako sa sinabi niya. "S-sorry p-po."
"Nasaan ang iba? Ang mga kasama mo?! Bakit mag-isa ka lang dito?!" sa pakiwari ko ay hindi na maganda ang timpla ng utak niya. Nakakaramdam din ako ng kaba na para bang may mangyayaring masama.
"P-po? Mag-isa lang po talaga ako... Wala pa pong--"
"XINTO CHUA!!"
Tila ba dumagungdong ang buong mansyon sa pagsigaw ni Mrs. Chua? Napatakip naman ako ng tainga, parang mababasag ang eardrums ko sa boses niya.
Dumating ang isang matandang lalaki. Na satingin ko ay si Mr. Xin. Hindi nalalayo ang mukha niya kay Sir Xico.
"What's happening here? Shirley?" tanong ni Mr. Xin.
Mga purong chinese sila pero mas nangingibabaw na ang mukhang pinoy sa kanila? May ganoon ba? Pero ang galing nga rin ni Sir Xico magtagalog.
"Walang mga muchacha! Ano 'to?! Akala ko ba nakahanap na si Xico?!"
Hindi ko alam pero hindi bagay ang pananamit ni Ms. Shirley sa kaniya. Ang boses niya... Dinaig pa ang palengkera!
"Xinto!! Gumawa ka kaagad ng paraan!!" Nagtayuan ang balahibo ko nang lumapit sa akin si Mr. Xin. Bigla na lang akong kinabahan nang makalapit siya sa akin.
"Ikaw ba ang nakuhang kasambahay ni Xico?" tanong niya. Hindi na ako nagulat dahil ang tatas niya rin magsalita ng tagalog.
"O-opo, S-sir. Saka bukas pa raw po ang dating ng iba," wika ko habang nakatungo.
"Anong bukas pa?!" nagmamaktol na sabi ni Ms. Shirley.
"Good." Iyon lamang ang sinabi ni Mr. Xin. Nakahinga ako nang maluwag ng umalis siya sa harap ko.
"Leave it to me, Shirley," kalmadong sabi ni Mr. Xin saka siya lumabas ulit ng mansyon.
Parang si Sir Xico rin siya. Ang kalmado niya sa lahat ng bagay. Hindi gaya ng asawa niya. Masyadong mabunganga. Unang kita ko pa lang sa kaniya, hindi ko na gusto ang ugali niya!
Samantalang si Madam Helena, napakabait. Siya bruha!
"Ma'am, may pagkain po akong inihanda sa dining hall," ani ko.
"Hmp!"
Dumiretso naman siya papasok ng dining hall. Nakahanda na ang mga pagkain na niluto namin ni Ate Budang. Nakatayo lang si Ma'am Shirley at nandidiring pinagmasdan ang mga pagkain na nasa hapag.
"Masarap ka ba magluto?! Ano ang mga ito?!" kumuha siya ng kutsara at tinikman ang niluto kong adobo. Puro lutong pinoy lang kasi ang alam kong lutuin. Wala ng iba pa. Iyon lang din kasi ang mga naituro ni lola sa akin.
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...