Kababata 8

51 4 0
                                    

GRASIA

Madiin kong pinisil ang maliit na hiwa sa aking palad. Hinugasan ko muna ito habang hinihintay si Ate Budang. Sa kaniya kasi ako nanghiram ng bulak at betadine panglagay sa sugat ko.

Mabuti na lang at nakuha ko na ang number niya. Siya muna ang kokontakin ko pansamantala roon sa kabilang mansyon. Alam kong nagtatampo pa sa akin si Mana. At alam kong hindi naman niya ako kakausapin.

Lumabas ako ng mansyon at nagtungo sa harap ng gate ng mansyon nila Sir Xico. Nagbukas ang gate at sumalubong sa akin si Ate Budang.

“Ate Budang!”

“Grasia...” kaagad niya akong hinila sa gilid. “Anong nangyari sa'yo? Napaano ang kamay mo?”

Ngumiti lang ako. “Wala 'to Ate Budang namali paghawak ko ng kutsilyo.”

Alam kong kapag sinabi ko ang totoo. Makakarating agad iyon kay Mana. Kaya hindi na lang... Kaya ko naman magtiis.

“Ikaw talagang bata ka! Mag-iingat ka naman!” saka niya inabot sa akin ang isang kulay puting pouch. May nakasulat pa ritong 'first aid kit' sa harap.

“Salamat Ate Budang!”

“Oh, siya... Babalik na ako sa loob. Nagluluto kasi kami nila Mana no'ng nabasa ko text mo,” aniya.

“Ate Budang... 'wag mo na sana sabihin kay Mana 'tong nangyari sa akin.”

Bumuntonghininga siya. “Oo, oo. Basta ingatan mo ang sarili mo ha. Text mo lang ako kapag may kailangan ka.”

“Salamat ulit, Ate!” nang makapagpaalam ay saka siya bumalik sa loob. Maging ako ay bumalik na rin sa mansyon nila Sir Xin. Pumasok ako ng kusina at ginamot ang sugat ko.

“Hi! Ikaw si Grasia?” napalingon agad ako nang may lumabas galing banyo. Bumungad sa akin ang isang maputi na babae. Naka-uniform din siya na kagaya sa akin.

“Opo, ako nga po,” sagot ko.

Inilahad niya ang kaniyang kamay. “Ako pala si Susan! Pinsan ako ni Baby!”

“Hello po, Ate Susan!” bati ko pabalik.

Isa siya sa kasama ko rito sa mansyon. May nakita pa akong isang babaeng may edad kanina. Hindi naman sobrang tanda, pero makikita mo naman sa hitsura niya na may edad na siya.

“Ang ganda-ganda mo naman!” lumapit siya sa akin na ngiting-ngiti. Lumapad ang ngiti ko. Mukhang magkakasundo kaming dalawa ah.

“Mas maganda ka Ate, 'wag kang papalamang!” hirit ko rin.

“Aba!” saka siya natawa. “Buti na lang at may makakausap na ako rito! Si Ate Vicky kasi ang seryoso masyado!”

“Aray ko!” sigaw ko nang masanggi ang palad ko na may sugat.

“Hala beh! Napaano 'yang kamay mo?!” gulat na gulat na tanong ni Ate Susan.

Iniayos ko na ang panggamot saka binalot ng gasa ang sugat ko. Hindi naman siya masakit pero kumikirot pa ng kaunti.

“Wala po ito... Nahiwa lang sa bubog.”

“Halika at doon natin 'yan lilinisin sa kwarto, baka maimpeksyon pa 'yang sugat mo!” nanlaki ang mata ko nang hilahin niya na lang ako bigla.

Sa isang sandali ay nakaramdam ako ng tuwa. Kasi kahit papaano... May mga tao talagang mabubuti ang puso.

* * * * *

“Ate Vicky! Ate Susan! Pinapaayos ni Sir Xin 'yung mga gamit niya.” Malakas kong nabuksan ang pintuan ng aming quarter.

Pupungas-pungas pa sina Ate Susan at Ate Vicky pagpasok ko. Mukhang naistorbo ko ang pagtulog nila. Nagising kasi ako nang maaga. Tapos sakto paglabas ko papuntang kusina nakasalubong ko si Sir Xin.

“Anong oras na ba Grasia?” humihikab pa si Ate Susan sa kaniyang higaan.

“Ahm... Alas kwatro!” mabilis kong sagot.

Napatalukbong naman siya agad ng kumot. “Grasia naman... Ang aga-aga pa.”

Napansin ko naman ang pagtayo ni Ate Vicky sa kaniyang higaan. Naghanda na rin siya kaagad ng mga gagamitin niya para makaligo agad.

“Huy... Ate...” Niyugyog ko nang malakas si Ate Susan sa kaniyang kama. “Pagagalitan tayo ni Sir Xin! May urgent business trip daw siya!”

Rinig na rinig ko ang pagdaing niya. Hindi ko alam kung anong oras na siya nakatulog. Ang alam ko kasi kagabi pa sila magkausap noong asawa niya sa cellphone. Inabot na yata sila ng dis-oras ng gabi.

“Hayaan mo siya Grasia, tayong dalawa na lang magligpit doon,” ani Ate Vicky. “Mauna ka na sa taas at maliligo pa ako.”

Ngumuso lang ako. Iniwan ko na rin si Ate Susan sa kwarto. Paglabas ko ng aming quarter ay dumiretso panhik na ako sa taas. Sa kwarto ni Sir Xin.

Naabutan ko siyang nakaupo at umiinom ng tsaa. Nakaharap ito sa kaniyang laptop at may tinititigan.

“Good morning po, Sir. Pasensya na po at ako pa lang ang narito,” sambit ko. “Paakyat na rin po si Ate Vicky.”

Nilingon naman niya ako saka tumango lang. Lumapit na ako sa kaniyang kama. Kung saan nakalagay na ang mga damit, gamit, at iba pang ipinapalagay niya sa kaniyang maleta.

Hindi ko maisip kung saan ang punta niya. Bakit ang dami niyang dalang gamit. Wala naman akong karapatan para magtanong kung saan ang punta niya.

Isang malakas na tunog ang namutawi sa kwarto nang may gumulong sa sahig. Dahil ito sa pag-pagpag ko ng damit. Hindi ko namalayan na may lagayan pala ng relos sa gilid noon.

“Hala! Sorry po, Sir Xin!” bigla akong napatayo at hinabol ang bilog na lagayan ng relo. Nang makuha ko ito ay agad ko namang pinagpagan.

Tila ba isang kakaibang pakiramdam ang nanuot sa loob ko nang makita ko ang relo. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko.

“Grasia,” biglang sabi ni Sir Xin saka mabilis na inagaw ang lagayan sa akin. Habang tumatagal ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Pilit kong winawaksi ang pakiramdam na matagal ko ng ibinaon sa limot.

Bakit?

Kinakabahan na naman ako.

“S-sorry p-po t-talaga, S-sir X-xin.” Paglingon ni Sir Xin ay hindi ko inasahan na ganoon pala siya kalapit sa akin. Nagtayuan bigla ang mga balahibo ko... Grabe rin ang kalabog ng puso ko!

“Wala iyon, Grasia.” Saka siya ngumiti sa akin.

Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Kaya nagpaalam muna ako na bababa saglit. Mabilis ang lakad ko, padiretso sa kusina. Napahawak ako sa dibdib ko. Hinihingal.

“Grasia.”

“Ay! Mama mo kabayo!” utas ko nang magulat dahil sa pagtawag sa pangalan ko.

Sumilay sa akin ang bagong gising na si Sir Linnus. Medyo gulo-gulo pa ang buhok niya... At topless na naman!

Oh my gosh!

“Ano 'to? Almusal sa umaga? Pandesal? Wala bang pantulak d'yan?” bulong ko nang makita na naman ang pumuputok niyang six pack abs.

“What?” tanong niya.

Umiling ako nang mabilis. “Ah! Wala po Sir!”

Kinurot ko naman nang mahina ang legs ko. Shunga ka talaga Grasia!

“Take this...” Inilapag niya ang isang supot sa mesa. “And treat your wounds.”

“Po?” naguguluhan kong tanong.

“A simple thank you is enough and so much appreciated,” aniya.

Bigla ko na lang kinuha iyong supot. “A-ah, t-thank you po, Sir!” tumango lang ako pagkatapos.

Nang sabihin ko iyon sa kaniya ay agad na niya akong tinalikuran. Nakahinga naman ako agad. Pero... Bigla siyang lumingon ulit kaya nanlaki ang mata ko.

“You're welcome... Hmm.. But my Mom is not a horse.” Saka niya ako iniwan sa kusina na nakatulala.

* * *

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon