GRASIA
*boogsh!
“Ahhh! Bruno!!” isang malakas na sigaw ang naging reaksyon ng isang babae sa tapat ng kalsada.
Napatayo kaming dalawa ni Chen at nilapitan ang babae. Namataan namin ang kulay itim na aso na nakahandusay sa sahig. Duguan ito at naghihingalo na.
Walang kahit anong sasakyan ang nasa paligid namin. Pero malakas na kalabog ang narinig namin kanina.
“Bruno!!” habang sumisigaw ang babae ay nanginginig itong hawak ang cellphone niya.
“Miss, call an animal ambulance and take him to the veterinary clinic as soon as possible. We will report it to the clubhouse president to check the CCTV,” ani Chen.
Umiiyak pa rin ang babae habang hawak ang aso niya na duguan.
“Kawawa naman 'yung aso,” banggit ko habang si Chen ay busy sa kaniyang cellphone.
Parang nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang walang kamuwang-muwang na aso. Bakit kailangan niyang makaranas nang ganito? Sinagasaan siya tapos hindi man lang tinulungan. Hindi ko alam pero may kakaibang kirot akong naramdaman habang nakatitig dito.
Dumating na ang service na tinawagan noong babae. Kaagad na ipinasok ang aso at mabilisan din silang umalis. Naiwan ang bakas ng dugo sa kalsada.
“Grasia... Tara na.” Naramdaman ko ang paghawak ni Chen sa braso ko.
Napalingon naman agad ako sa kaniya. “Okay na ba?”
“Yeah, I already called our clubhouse president. Iche-check na raw 'yung CCTV footage.”
Tahimik lang kaming naglalakad ni Chen pabalik ng mansyon. Gusto ko pa naman maging masaya ang araw ko ngayon. Kaya lang... Nalungkot ako bigla dahil sa nakita namin. Nakakaawa 'yung aso.
“Grasia... Nandito na tayo.” Napataas ang ulo ko nang tawagin ako ni Chen. Nandito na nga kami sa harap ng mansyon nila Sir Xin.
“A-ah, papasok ka ba?” tanong ko.
“Saan?” tanong niya pabalik.
Natawa naman ako. “Sa puso ko!” pang-aasar ko pa.
Natahimik naman siya saglit. “H'wag kang magbiro, Grasia. Kapag pumasok ako sa puso mo hindi na ako lalabas sige.”
“Luh! Dami mo namang alam. Ang tanong ko kasi kung papasok ka ba? Pwede namang sa mansyon o sa trabaho mo diba?”
“I'll choose the first one,” aniya habang nakangisi.
“Alin? Dito sa mansyon papasok ka pa?” tanong ko.
“No, 'yung pinaka-una pa.”
Napangiwi naman ako. “Bahala ka nga sa buhay mo.”
Pumasok na ako sa gate at iniwan siya. Nagbibiro lang naman ako eh, napakaloko talaga ng lalaking 'yon.
Bigla ko naman naramdaman ang pagtunog ng aking cellphone sa bulsa ng aking jogging pants. Kinuha ko ito at nakita ang isang mensahe na kapapasok lang galing sa isang unknown number.
0922*******:
I don't have work today. You can come to our mansion later. Ipinaalam ka na ni Dad kay Tito Xin. Today is Hino's birthday and you're invited Grasia. Have a good morning, smile ka na. Papasok pa ako sa puso mo 'diba?
Hindi na ako nagpakahirap na isipin kung sino itong nag-text. Alam na alam ko na si Chen 'to... Ang isang 'yon nakakarami na sa akin ah! At kanino naman kaya niya nakuha ang number ko?
Pagbalik ko ng aming quarter ay saktong kagigising lang ni Ate Susan. Wala naman si Ate Vicks sa kaniyang higaan.
“Saan ka galing? Nag-jogging ka? Bakit hindi mo ako ginising?” sunod-sunod na tanong ni Ate Susan sa akin.
“Sa himbing ba naman ng tulog mo, mahihiya talaga si Grasia na gisingin ka.” Biglang labas naman ni Ate Vicky mula sa banyo. Katatapos niya lang maligo.
“'Yung mga taba ko sa katawan! Kailangan ko na talaga mag-exercise!” reklamo ni Ate Susan.
“Ate Susan, hindi ka naman mataba ah! Katamtaman lang ang katawan mo,” ani ko.
“Saka Susan! Palagi ka kasing nagpupuyat. Hindi ka talaga magigising nang maaga niyan.” Dagdag pa ni Ate Vicky.
“Aaack!” react ni Ate Susan saka pabagsak na bumalik ulit sa higaan.
“Ate Vicks, maliligo na rin ako.” Tumango lang siya sa akin.
“Hoy! Susan bumango ka na r'yan! Marami tayong tatrabahuin ngayon. Nagsabi pa naman sa akin si Sir Xin na kailangan mag-general cleaning dahil may mga bisita sila mamaya!”
Dinig na dinig ko ang pagbulyaw ni Ate Vicky kay Ate Susan. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil tuwing umaga halos ganito lagi ang set-up namin. Si Ate Susan kasi pahirapan bumangon lagi.
“Bilisan mo na't sumunod ka kay Grasia pagtapos niyang maligo!”
Pagkatapos kong maghanda ng susuotin ay pumasok na ako sa banyo para makaligo. Pagharap ko sa salamin ay napansin ko na suot-suot ko pa ang jacket ni Chen.
“Hala!” mabilis akong lumabas ng banyo at kinuha ang cellphone ko.
Tiningnan ko muna ang load balance ko. Mabuti na lang at may natira pa akong pangtext at pang-call. Nagpaload kasi ako noong isang araw para matawagan ko si Lola sa San Lorenzo. Dinial ko agad ang unknown number kanina. Sumagot naman ito agad.
“Hello—”
“Hmm... Miss mo na ako agad?” Iyon agad ang bumungad sa aking tainga. Hindi ako nagkamali si Chen nga.
“Ang kapal mo Chen. Baka ako kamo miss mo, hindi pa ako nakakapasok ng mansyon may text ka kaagad.” Pang-aasar ko rin. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa sa kabilang linya.
“Wow...”
“Chen 'yung jacket mo nasa akin pa. Labhan ko muna 'to—”
“Sa'yo na lang 'yan, bagay kasi sa'yo,” aniya nang mabilis.
“Hoy! Hindi, ayoko. Hitsura pa lang nito mamahalin na. Nako, hindi ko ito matatanggap.”
“Grasia... Binibigay ko na nga 'yan sa'yo. Marami naman ako niyan dito,” aniya. “Gamitin mo na lang tuwing magja-jogging ka, para hindi ka lamigin.” dagdag pa niya.
“Grasia! Grasia! Nand'yan ka na ba sa loob?!” hindi ko mawari kung sino ba 'yung tumatawag sa akin sa labas.
“Basta isasauli ko 'to pagkatapos kong labhan, sige sige na, nagmamadali na ako Chen maliligo pa kasi ako. Sige, ba-bye!”
Mabilis din akong sumagot dahil kailangan ko na rin talagang maligo. Kanina pa ako nanlalagkit sa pawis at mag-aasikaso pa kami mamaya. Pagbubuksan ko muna itong tumatawag sa akin.
“Teka lang, sama ako—” Pinatay ko na ang tawag nang marinig ang sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto ng banyo.
“Grasia sabihin mo naman kapag may bebe time ka ha, kasi kanina pa ako ihing-ihi!” nakangiwi na si Ate Susan pagbukas ko ng pinto.
* * *
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...