Mi Rae's PoV
Nahahapong napasandig ako pagkasara ko ng pinto ng kwarto ko. Nagkalat sa buong sala ang mga laruan at masayang naglalaro si Yoo at Jinju.
Nanginig ang tuhod ko, anlakas ng kabog ng dibdib ko.
Nasa baba lang si Baekhyun.
At first hindi ako naniwala ayon sa sabi ng staff ko, akala ko isang crew o production staff ang nagpipilit na uminom sa restaurant.
Pero na confirm ko iyon ng sundan ko si Dae at Jinju sa baba. Hindi ko sya tinignan subalit alam ko sa peripheral vision ko na sya yon. Yong nakakatunaw nyang titig, nakakalula nyang presensya. No doubt it's Byun Baekhyun.
Sinubukan kong ignorahin, magpretend na hindi ko sya nakita sana lang hindi nya nahalata.
Kasi sa totoo lang kanina pa gustong bumigay ng mga tuhod ko. Gustong gusto ko syang tignan ng malapitan kahit na halos atakihin na ako sa lakas ng kabog ng puso ko.
"Mama, okay ka lang?"tsaka ko napansin na nasa harapan ko na pala si Yoo, may bahid ng pag aalala ang mukha nito. "Namumutla ka po. May nakita ka po bang multo sa baba?"
Natawa ako ng alangan. Talo pa ng multo ang makita ang Papa mo Yoo.
"Wala anak."sagot ko ng makabawi. "Napagod lang ako kaka baba akyat ng hagdan. Balik kana dun walang kalaro si Jinju."
"Sigurado po kayo?"
Tumango ako at hinalikan ang pisngi nya.
Mayat maya pa ay narinig ko ang pagkatok sa pinto. Niluwa non si Sansan na may malapad na pagkakangiti."Ma'am ready na po ang e dedeliver."
Here comes my delimma.
Ilang minuto pagkatapos makaalis ni Baekhyun ay tumawag ang isang staff ng We got married, deliveries daw. Una tinanggihan ko, delikado, mukhang paborito pa naman kami ni tadhana ngayon na magtagpo ni Baekhyun, pero mapilit ito. Nahiya naman ako nung binanggit na ang pangalan ni PD Na.
Binilin ko muna kay Sansan ang mga bata.
Ngayon nga ay nasa pasilyo na ako ng hotel para e deliver yong inorder nila.
"Tabi!"napalingon ako sa nagsalita.
Isang magandang babae na naka night gown ang naunang naglakad sakin. Hindi ko nalang pinansin at abala sa pagtingin sa mga numero sa pinto.
Pero napahinto ako ng kumatok ang babae sa room na pupuntahan ko.
Nagulat pa ako sa sunod na nangyari.
Pagkabukas ng pinto ay agad na dumukwang ang babae.
Kung hindi ako nagkakamali ay hinalikan nya ang bumukas ng pinto.. Napaiwas ako ng tingin. Ngunit nahagip ng mata ko ang lalaking kahalikan nito.
He's staring back at me.
Napasinghap ako.
Kumabog ang dibdib ko.
Napahawak ako ng mahigpit sa basket na dala ko.
Si Baekhyun!
Pagkatapos ng ilang segundo ay tinulak nya ang babae. "Baekhyun,come on!"reklamo nito.
"Leave."malamig na sabi ni Baekhyun bago ako pinagtuunan ng pansin. "My delivery is here."
Napakibot ako ng bigla nya akong hilahin papasok sa loob ng kwarto. Narinig ko pa ang pag apila ng babae bago sinara ni Baekhyun ang pinto.
Sinalakay ng ibat ibang damdamin ang puso ko ng marinig ang pag click ng lock ng doorknob. Nanatili akong nakatayo at hindi na nakakilos ng makita kong naglakad si baekhyun papunta sa closet na nakabukas. May hinalungkat ito doon at hindi naglipas sandali ay naghubad para magpalit ng damit.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya kaya ako na mismo ang nag iwas ng tingin. Ano ba ang pinag gagawa ng lalaking ito. Six years kaming hindi nagkita tapos ganito ang isasalubong nya sakin.
"O nakalimutan kong nandyan ka. Akala ko kasi multo.kana."anito na nagpasakit ng damdamin ko. Theirs a hint of anger in his voice and I can't blame him.
I gathered all my strenght, tumikhim ako. "Heto na ang pinadeliver nyo."nilagay ko sa bakanteng mesa ang binitbit kong basket. Nilingon ko sya sabay sabi kung magkano iyon lahat.
"Hindi yon ganun kadali Kwang Mi Rae."malamig na sabi nito.
Napatitig ako sa mata nya. Kung noon ay galit ngayon ay pagkamuhi na ang nakikita ko doon.
Hindi ko pinansin ang sinabi nya, "May kailangan pa ba kayo? Gusto nyong magpadeliver ulit---"
"Fuck! Shut up!"tinulak nya ako sa kama,dahilan para bumagsak ako doon.
Nanginig na ako sa naging sigaw.
Realization hit me. Mas nakakatakot ang galit ni Baekhyun kesa sa galit ni SeoJin at mas masakit iyon sa physical pain na naranasan ko noon.
"Isang tanong isang sagot Mir."madiin na sabi nito."Sinadya mo bang patayin ang anak natin?"
Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Inakala nya bang hindi nabuhay ang sanggol sa sinapupunan ko noon?
"Sagutin mo ako Kwang Mi Rae!"
"Hindi."halos paos na sagot ko. Gusto na ding tumulo ng luha ko.
"Pero nawala sya ng dahil sa kapabayaan mo."
Hindi ko aakalain na sa ganito kami magkikita. Si Baekhyun na sandigan ko noon ay nagbago tulad ng pagbabago ng panahon,
Itutuloy..
♡♡♡♡♡♡♡♡♡
A/N
Sila nagcomment at sila din ang nakasagot ng tama. Close eneough. ^^
[☆☆☜☜☜☜☜] (Wish Grant ticket kuno yan.)
wildredarcher78 & @BaconAdict24 [as promised. You have one wish. ^^]
Sana magustohan nyo tong UD ko.
#WuiAvinWattpad2015
BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...