Mr. Byun 2. 11

416 13 10
                                    

Mi Rae's PoV

"Mama, Papa, gising na!"

Naalimpungatan ako sa pamilyar na boses ni Yoo. Mabigat ang katawan kong kumilos at pakiramdam ko ay mainit ang paligid ko.

"Papa, wake her up."

Minulat ko ang mata ko sa narinig ko. Nasilaw ako sa liwanag na galing sa sikat ng araw sa labas.

"Mama,gutom na ako!"

Napapikit ulit ako. "Yoo, stop bugging me."halos paos na sagot ko sa bubwit na nangungulit.

"Tama Yoo. Mama, is tired. She work late last night."

Teka boses yon ni "Baekhyun!?"bulalas ko.

Napabalikwas ako. Gulat na napatingin ako sa katabi ko.

He pulled me closer to him. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya.

Itinaklob nya ang kumot sa aming dalawa bago nya sinakop ang labi ko. Lumapat ang hubad na katawan ko sa hubad nyang katawan.

"Anong ginagawa nyo? Sali!"anang si Yoo.

Pinalalim nya ang paghalik sakin dahilan para mapaungol ako. I gathered all my Sanity and push him but he just laugh after that, samantalang ako pulang pula sa ginawa nya.

"Damn! Mir, obviously hindi pa din ako kayang tanggihan ng katawan mo."amuse na sabi nito.

Pinadilatan ko sya at sinulyapan si Yoo na nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

"Yoo, stay outside. May pag uusapan lang kami."utos ko sa bata.

"Tama Yoo, sa labas ka muna mukhang may masama pang balak si Mama mo sakin."anang si Baekhyun.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Papa. Ayoko ko."nakangusong sabi nung bubwit.

"Maglalaro tayo mamaya pagkatapos naming mag uusap ni Mama okay?"

"Talaga po?"

Tumango si Baekhyun bago nag high five sa nakalahad na kamay ng anak.

It really happens? Last night was not a dream?

Isang pagtikhim ang naulingan ko mula sa katabi ko. "Mag eexplain ka na ba sakin kung panu nangyari to?"

Tinignan ko syang mabuti, wala akong makapang galit at pagsisi sa nangyari kagabi. Napuno ng pag aalala ang puso ko sa magiging reaksyon nya kay Yoo. Pero by the looks of it, mukhang may alam na sya.

"Kung tititigan mo lang ako buong araw ay baka magtampo na yong anak natin nyan."

"Panu mo nalaman ang kay Yoo?"

Bumaba ito ng kama at inimis lahat ng gamit nya. I look away knowing that his doing it butt naked.

"Kay Chanyeol. Sinabi nya sakin na buhay ang anak natin. Kay Yoo, mula nung tinatawagan nya ako ay may nabuo nang hinala sa utak ko. At kay Jinju, tsk.. sya nagsabi na ako daw ang Papa ni Yoo. Its like a puzzle, alam mo ba yon, at masaya ako, after putting all the pieces, I got it right."

Hindi ako nakaimik sa sinabi nya.

"And I can't believe, you keep him from me Mir. His my son. Anim na taon na hindi nya ako nakasama." May halong hinanakit ang boses nya ng sinabi nya iyon. Kumirot ang dibdib ko ng marinig iyon galing sa kanya. "Kagabi habang papunta ako dito pagkatapos kong malaman ang lahat napuno ng galit ang puso ko, pero ng makita ko si Yoo na anghel na mahimbing na natutulog, para iyong bula na naglaho lahat."

Gumalaw ang tabi ng kamang kinauupuan ko.

"And as you enter the room staring at us with delight. Pinahid non lahat ng sama ng loob na meron ako sayo. Tama ka sa sinabi mo sakin kahapon, hindi mapapantayan ng paghihirap na naranasan ko yong pagdurusa na dinanas mo. I woke up this morning feeling blessed seeing Yoo and you."

Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin. "Sorry Mir. Sorry at wala ako sa tabi mo nung dinadala mo si Yoo. Sorry at wala ako sa tabi mo nung ipinanganak mo sya. Sorry at sumuko agad ako, sa atin."

Napahagulhol na ako sa huling sinabi nya. "Hi-hindi ko pinagsisihan."sisinghot singhot na sagot ko. "Na iniwan kita Baekhyun. Kasi kung hindi ko ginawa yon, wala sana si Yoo ngayon."

"Sshh.. naiintindihan ko. I'm proud of you. You did well. Pero sana simula ngayon hayaan mo na akong gawin ang mga responsibilidad ko sainyo."

Very sincere ang pagkasabi nya ng mga salitanong iyon at halos madala na ako sa emosyong pinaparamdam nya sakin.

Iiling iling na kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "Gawin mo ang obligasyon mo kay Yoo. Ang nangyari sa atin kagabi ay isang kahibangan. Naoverwhelm lang ako sa nadatnan ko ka-----"

"What?!" Padarag itong tumayo. "Wag mong sabihin na babalewalain mo yon? Mir----"

"Man and woman get laid overnight. Natural na yon ngayon."binalot ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko at tinungo ang banyo.

Nakita ko ang pagkalito sa mga mata ni Baekhyun. Napamaang lang itong sinundan akong pumasok sa banyo. Nahahapong napasandig ako sa pinto non.

Damn! Kelan ba darating ang happy ever after ko? Bat kailangang palaging ganito?

Nilabas ko sa ilalim ng kumot ang diagnoses na naprint ko kagabi galing sa doktor ko. Sinend nya iyon thru email, dumating iyon bago pa ako pumasok sa kwarto ni Yoo kagabi.

Positive ako sa stage two cervical cancer. Ayon pa doon, kailangan kong masuri agad sa ibang bansa, ang sanhi ng cancer ay yong drugs na ininom ko noon. Na biglang natunaw ng pinagbuntis ko si Yoo.

Ang conclusion pa ng doctor ko, ang dahilan non ay ang pagkawala ng gamot na nasa katawan ko. Ibig sabihin ang gamot na yon ang bumubuhay sakin. Ang sumpa na yon ang bubuhay sa isang Kwang Mi Rae.

Nangilid ang luha ko ng mabasang pati si Yoo ay kailangan ding masuri.

Tatanggapin ko lahat, wag lang mawala si Yoo. Tama ng ako ang magdala lahat ng hirap at sakit wag lang ang anak ko.

"Mir.."isang pagtawag yon. Boses ni Baekhyun. "Hindi ako papayag na hanggang dito na lang tayo. I'm gonna win you no matter what."kasunod non ang mga yapak paalis.

Nasapo ko ang dibdib ko. Lalo iyong kumirot. Ginusto ko ang nangyari kagabi. Siguro yon nalang ang huling bagay na hindi ko pinagkait sa sarili ko. Ang ialay kay Baekhyun ang sarili ko.

Tinanggihan ko sya kasi ayoko syang paasahin, makakahanap pa sya ng iba yong mas deserving.

Mula noon hanggang ngayon magiging pabigat lang ako sa kanya. Kaya kong bitbitin ang krus sa buhay ko ng wala sya. Mas masasaktan lang ako kung pati sya ay madadamay sa pagdurusa ko.

"Mama?"

Napatayo ako sa kinalulugmukan ko ng marinig ang boses ni Yoo. "Ano yon anak?"pinilit kong maging normal ang boses ko kahit halatang namamalat na iyon.

"Sabay daw tayong kakain ni Papa."halata ang saya at excitement sa boses nito.

"Mauna kana sa baba anak. Mag aayos lang si Mama."

I heard him giggle. "Papa said you dont have to. Maganda na po kayo sa paningin nya."

Hindi ko naiwasang mapangiti sa naging turan nito. Kanino pa ba naman mag mamana yon, e di sa chikboy nyang ama.

"Sabihin mo sa Papa mo nak matagal ko ng alam yon."

I heard Baekhyun laugh. "Alam nya na po."inosenting sabi ni Yoo.

Mabubuhay akong kontento at masaya sa mga ganitong scenario habang panahon. Si Baekhyun, si Yoo at ako. Living on the same house. Talking silly things, ang arguing on anything. Kung sana normal lang ang naging buhay namin. Kung sana walang Seo Jin noon.. andami pang kung sana..

Hilam ang luhang naghilamos ako.

At the end kung hindi ko tatanggapin ang lahat ako lang ang talo..

♡♡♡♡♡♡

A/N

Walang edit yan.

Haha.. ano sa tingin nyo sa UD na to?

#WuiAvinWattpad2015

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon