Mr. Byun 2.15

291 12 3
                                    

Baekhun's PoV

Galit ako.

Masama ang loob ko sa kanya.

Panu nya nagawang ilihim sakin ang pag alis nila ni Yoo. Inaamin ko na kasalanan ko kaya ako nasasangkot sa isang eskandalo ngayon pero sapat na ba yon para ulitin nya ulit ang nangyari noon? Iiwan nya ako isasama nya ang anak namin, bakit? Para pasakitan ako? Ilang taon na akong miserable, bat pakiramdam ko mauulit na naman.

"Sumama kayo sakin." Matiim na utos ko kay Mir. Nasa bisig ko si Yoo, nasa likod ko lang si Chanyeol. Pagkatapos ibalita ng investigator ko ang pag alis nila Mir ay dumeretso agad ako sa airport para pigilan sila. Nagmagandang loob na sumama si Chanyeol sakin.

Nakita ko pamumutla ni Mir nung nagtama ang mga mata namin hanggang ngayon ay nakatitig lang sya sakin.

"Mir, narinig mo ako? Sasama kayo sakin ngayon din."

"Hi-hindi pwedi. May flight kami ni Yoo."anito ng makabawi.

"Hindi kayo matutuloy."

"Kailangan naming umalis Baekhyun."

Gusto kong mapamura. Damn! Antigas ng ulo nya, hard headed as ever. "Walang aalis naiintindihan mo? Kung ayaw mong mag eskandalo dito sumama kayo ng tahimik."

"Mawalang galang na. Anong karapatan mo para pigilan ang pag alis nila?"nilingon ko ang nagsalita. Tinaponan ko sya ng masamang tingin, hindi ko pansin na andoon din pala si Jinju at ang tiyohin nito.

"Wag kang makialam. Usapang pamilya to."

Naramdaman ko ang pagtapik ni Chanyeol sakin. "Baek, easy lang."

"Wag mong pilitin ang ayaw. "Anang pakialamerong lalaki.

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.

"Tama na."pumagitna si Mir. "Dae, ayos na kami dito. Kailangan lang naming mag usap ni Baekhyun."

"Ako na munang bahala kay Yoo."Chanyeol, kinarga nito si Yoo. Agad namang sumama ang huli.

"Mir kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako."

Uminit ang ulo ko sa sinabi ng lalaki. Ang angas ng dating nya. Umabante ako para harapin sya pero..

"Baekhyun halika na." Humarang si Mir sa harapan ko.

Nangalit ang bagang ko at tinignan ng masama ang lalaki.

Pabagsak kong sinara ang pinto ng makapasok ako sa kwarto ko. Pagkagaling sa Airport ay minabuti kong ideretso sila sa condo ko. Maswerte at walang reporter sa lobby kaya nakapasok kami ng matiwasay.

Ng makapasok ay binilinan ko si Chanyeol na dalhin muna si Yoo sa guest room, hinatak ko si Mir papunta sa kwarto ko.

"Mir, bat mo ginagawa to sakin?!"galit ako. Syet lang akala ko iiwan na naman nila ko. Im worried like Hell!

Nag iwas naman ito ng tingin at hindi kumibo.

"Sa tingin mo ba matatakasan mo ako? Pagkatapos malaman ko na may anak ako, kahit saang lupalop ka pa ng impyerno magtago mahahanap kita!" Im ranging mad for what she did.

"Baekhyun, hindi mo naiintindihan."

"Ang ano? Sabihin mo nga sakin Mir, ano pa ba ang gusto mo? May kulang pa ba sakin? Gusto mo bang bumalik ako sa dati, ang miserableng Baekhyun?!"halos sigaw na sabi ko sa kanya.

"Ayoko ng maulit yon."maluha luha na ito, pero nangibabaw pa din ang galit at takot sa puso ko.

"Dammit! Your doing it again! Sinasaktan mo ako! Hanggang kelan mo gagawin sakin to!"Nasuntok ko ang pader sa likod nya.

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon