Mr Byun 27

327 18 4
                                        

Mi Rae's PoV

Nagsinungaling ako kay Ran, kailangan kong gawin yon para hindi na lumaki ang gulo. Si Baekhyun sya ang ama ng bata isang daang porsiyento na sigurado ako pero kay Kyungsoo ko lang sinabi ang too.

Masaya na natatakot ang nararamdaman ko ngayon. Masaya na magkakaanak na ako at natatakot sa pweding mangyari. Lalo na at mag isa ko lang aakuin ang responsibilidad sa bata.

Nasa ferry na ako ngayon, pagkatapos umalis nila Ran sa hospital ay nakapagpasya akong magpadischarge na. Nasa kotse ko pa lahat ng gamit ko, thanks to LeiNa kaya nakaalis kaagad ako.

Gwangdo Island.

Iyon ang napili kong pagtaguan ay mali ang tamang lugar na makapagsimula ako. Nung isang araw may nareceive akong e-mail sa isa sa mga napag apply,an ko luckily galing iyon sa isang resort sa gwangdo island.

Tinanggap ako bilang official photographer na ikinatuwa ko.

Napabuntonghininga ako, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung panu harapin ang pamilya ko. Sa mga nangyari wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila.

Napaigtad ako ng mag vibrate ang Cellphone ko.

Inabot ko iyon na nasa kaliwang bulsa ng jacket ko.

(Do Kyungsoo calling..)

"Yeoboseyo"

"Mir, nasan ka?"

"Wala na ako sa hospital."

"I know! Nasaan ka ngayon?"naiiritang sagot nito.

Napabuntonghininga ako. "Wala na ako sa Seoul Kyungsoo. Mas minabuti kong lumayo na. Salamat sa lahat."

"Damn! Mir. Hindi ngayon, na ganyan ang sitwasyon mo. Panu yong bata? Your pregnant and your alone!"

"Salamat sa concern Dyo pero nakapagdecision na ako. Bubuhayin ko ang bata----."

"Panu si Baekhyun? Naisip mo ba sya? May karapatan sya na malaman na magiging ama sya."

May kung anong guiltiness na bumangon sa puso ko. "Sana hindi na nya malaman ang totoo."

"That's very selfish Mir! Hindi ka ba naawa kay Baekhyun? Akala ko ba mahal mo sya? Bat ginaganito mo sya?"

Napahikbi na ako sa naging turan ni Dyo. Tama sya napaka selfish ko, duwag at higit sa lahat ang alam ko lang ay ang saktan ang taong mahal ko. Pero wala ng urungan to.

"Stop crying Mir."malumanay na ang boses nito."Tell me where you are pupuntahan kita."

Pinahid ko ang mg luh ko. "Nasa malayo na ako. Salamat sa lahat Kyungsoo. Ikaw na ang bahala kay Baekhyun."

"Mir! Sandali---"

(Toot..)

I bit my lips to supress any sounds mula sa paghikbi ko.

Napahawak ako sa tyan ko. Ang anak ko nalang ang nagpapalakas ng loob ko. Kakayanin ko lahat alang alang sa kanya. Sana darating ang araw na mapatawad ako ni Baekhyun.

Baekhyun's PoV

Napahiga ako sa sofa bed ng studio, sa wakas natapos din ang rehearsal para sa upcoming album namin. Masyado akong napagod ngayon kasi kailangan kong punuan ang mga linya ni Dyo, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa ogag na yon at hindi na naman sinipot ang schedule nya.

Ilang minuto din akong nakahiga sa bed ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Ran, tama na nga nag eeskandalo kana."anang malahiganteng boses na hindi maipagkakamaling si Chanyeol.

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon