Mi Rae's PoV
I was caught off guard. Nag o-open up ba sya sakin?
I mean, hindi naman kami close.
"Tsk.. natuod ka na naman. Naghahanap lang ako ng kausap. Alam ko naman kasing pinlano ng mga kolokoy ang set-up sakin na babae kagabi. Ayoko lang sabihin kay Ran ang totoo at siguradong malilintikan sila. Okay lang kung hindi ka magasasalita o magkocomment nasabi na rin naman ni Ran na tahimik kang tao. Gusto ko lang na may mapagsasabihan ako ng sama ng loob."
"Ano bang nangyari?"
"Eh?"
"Huh!?" ano daw?
"Ah.. nagulat lang ako at interesado ka. Wala ka dun kagabi?"
'wala busy ako ng kakarape sa kaibigan mo.' Gusto ko sanang sabihin. Nagkibitbalikat lang ako. Magaan naman ang loob ko sa kanya eh.
Nag umpisa naman syang nagkwento.
Napailing ako ng maisip ang kalokohan ng EXO napakaisip bata talaga. Tskk.. pati siRan naloko nila. Mabuti nalang understanding tong si Chanyeol.
"Naiintindihan ko naman kung bat nila nagawa yon. Sa tingin ko tama din naman sila. Pero sa ngayon hindi ko pa kayang wala si Ran." dagdag pa nito.
"Ano nang plano mo ngayon?"
"Susuyuin ko nalang sya ulit." nakangiting sagot nito. Napaka positive naman nya.
"Hmm.. goodluck. mukhang mahihirapan ka kay Ran."
Natawa ito. "Sinabi mo pa. Nililigawan ko palang nga dati halos maubosan na ako ng dugo sa kasungitan nya, ngayon pa kayang galit sya. Tskk.. ayoko ko talaga pag may nagagalit saking tao lalo na ang taong mahal ko."
Napatuwid ako ng upo at napatango sa sinabi nya. "Parehas pala tayo." hindi ko namalayang naisatinig ko yon. Nasapo ko ang bibig kong napatingin kay Chanyeol. Damn! nakangisi ito.
"Uuuuy... may mahal din sya. Boyfriend mo?" nanunuksong sabi nito.
Sumimangot ako.
Natawa itong pumalakpak. "Wow! first time kitang nakitang nakasimangot. Ang cute mo."
"Bagay kayo ni manager Ran. Parehas kayong madaldal."
Lumungkot ang mukha nito.
Tinapik ko ang balikat nya. "Yaan mo, mahal ka rin non. Palipasin mo nalang ang galit nya."
Mukhang natuwa naman ito sa sinabi ko kasi ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis.
Ayon nga whole duration na nasa recording room ako andun din si Chanyeol, sasamahan nya daw ako. Close na daw kasi kami. Wala naman syang ginawa kundi kulitin ako.
"Hindi ka pa ba tapos jan?" pukaw nya.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Gutom na ako, lika kain muna tayo."
"Ikaw nalang. Tataposin ko pa to."
"Malungkot kumaen ng mag isa." nakasimangot na sabi nito.
"Mag aya ka ng iba." Istorbo sya.
"Gusto ko ikaw!" sigaw nito.
Tinignan ko sya ng masama.
"Ano----." hindi ko natapos ang sinabi ko ng may marinig kaming bumagsak na gamit.
Sabay kami ni Chanyeol na napalingon sa pinto. Nagitla ako ng makita ko si Ran. Nasa lapag na ang gamit nito. Sa likod nito ang EXO.
"Ran!" bulalas ni Chanyeol.

BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...