Mr Byun 3.0

223 8 9
                                    

Mi Rae's POV

Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang nararamdaman ko ng makita ko si SeoJin. Ni ngi sa hinagap hindi ko akalain na makikita ko ulit sya ng harap harapan.

"Baekhyun!"di naglipat sandali ay nakasalampak sa sahig si SeoJin at dumurugo ang labi dahil sa suntok ni Baekhyun.p

"Damn! Hindi ko iniexpect ang ganitong welcome galing sayo Mr Byun."nakangising sabi ni SeoJin.

Akma syang susugurin ni Baekhyun ng humarang ako. "Baekhyun, tama na. Marami pa tayong dapat gawin kesa pansinin sya."

"Kailangan nyang managot Mir, sinaktan ka nya."

Sinapo ko ang kamay nya. "Hindi. Tama na. Umalis na tayo."

"Tama yan Mir, pigilan mo sya hanggat maari, kasi wala kayong mapapala sa akin pag naubos ang pasensya ko."

Hinarap ko si SeoJin. "Bat ka pa bumalik? Ano pa ba ang kailangan mo sa akin, hindi pa ba sapat ang panloloko at paghihirap na ginawa mo sa akin noon?"

"Wala na akong kailangan sayo Mir. Pero ikaw baka may kailangan ka sakin lalo na ngayon at bilang na ang araw mo."

"What?!"Baekhyun. Hindi ako makatingin ng deretso ng kinabig nya akong paharap sa kanya.

Nangalit ang bagang ko at tinignan ng masama si SeoJin. "Umalis ka na. Kahit kailan hindi kita kailangan."madiing sabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito kasabay ng pag iling nya. "Believe me Mir, if you want to live long you need me and you need to be with me."

"Tarantado ka!"hindi ko na naman napigilan si Baekhyun ng sinugod nya si SeoJin. "Tigilan mo na ang asawa ko!"

"Baekhyun halika na. Balikan na natin si Yoo."binuhos ko ang buong lakas ko para malayo ito kay SeoJin. Nakakuyom ang kamao nya at nanlilisik ang mga matang nakatingin rito. "Please Baek. Kailangan tayo ni Yoo."

"Huwag ka ng magpakita samin at baka sa susunod mapatay na kita!"pahabol na sigaw nito bago giniya ako paalis.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang ibang tao sa pasilyong iyon. Katatapos lang namin sa media ayoko ng humarap na naman sa kanila.

"Dude, anong nangyari sa kamao mo?"tanong ni Chanyeol ng mapansin ang nagdurugong kamao ni Baekhyun.

Pagkapasok namin sa kwarto ni Yoo ay sinalubong kami ni D.O at Chanyeol. Mukhang sa hanay ng EXO sila lang ata ang may maluwag na schedule, halos lahat sila ay may sari sarili ng solo career.

"Mir, okay ka lang? Ang galing ng ginawa mo kanina sa press conference."D.O.

Pilit akong ngumiti sa kanya. Tinungo ko ang banyo at kinuha ang firstaid kit dun.

"Damn Baek hindi ko akalain na magagawa mo yon sa harap ng media.. woah! Revealing your undying love to the whole world."Chanyeol.

"'tado inggit ka lang.. tskk.. get a life dude." Baekhyun.

"Siguro nga, sa sobrang inggit ko naiisip ko tuloy na agawin sayo si Mir."ani Chanyeol bago binuntutan ng tawa ang sinabi. Sinimangutan naman siya ni Baekhyun.

Pareho kaming nangingiting napailing ni D.O, nilapitan ko naman si Baekhyun at ginamot ang sugat nya sa kamao.

"Hey, look what we got here, EXO group chat. Suho Hyung!"

May kavideocall si D.O sa Kakao. Nasulyapan ko si Suho sa screen mayat maya pa ay nagpop up yong mukha ni Kai at the rest follow.

"Baek! Langya, pinauuso mo na naman ang kakornihan sa social media. Swak yong ganun dude!" Kai.

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon