Mr Byun 2.4

303 14 5
                                    

Mi Rae's PoV

"Kelan mo pa sya tinatawagan Yoo!?"nanggagalaiti ako sa galit ng mahuli si Yoo na kausap si Baekhyun sa telepono.

Hindi nya maaring gawin yon,mawawala sya sa akin. Hindi dapat malaman ni Baekhyun ang tungkol kay Yoo. Yon ang naging desisyon ko pagkatapos kong malaman na nasa isla sya ngayon. Sya yong isa sa cast ng variety show na nag sho shoot sa isla. Napaka careless ko at hindi ko agad nalaman yon. Ang unang cuople lang ang nakilala ko, hindi ko akalain na dalawa pala yong couple na kukhnan ko ng wedding photo.

Yong supposed to be client na bride and groom na may pictorial sakin ay isa si Baekhyun dun.

Natakot ako ng malaman ko yon pero mas nadagdagan ang takot ko ng marinig ang pag uusap ni Yoo kay Baekhyun. Parang gumuho ang mundo ko, hindi to maaring mangyari. Napasuklay ako ng buhok sa ibat ibang damdamin na nararamdaman ko ngayon.

"Mama sorry." Mangiyak ngiyak na sabi ng bata.

"Kelan pa to Yoo? Bat mo ko sinuway?!" Mataas na din ang boses ko sanhi ng galit na umiiral sa puso ko.

"Hindi ko na u-ulitin Mama. Sorry."nakaupo lang ito sa kama nya at nakatungong umiiyak.

Damn! Hundred percent na sigurado ako na si Baekhyun ang Ama ng batang ito pero bat parang kay Dyo nagmana ang katigasan ng ulo nya.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago nag squat sa harap nya. Tinaas ko ang mukha nya at pinahid ang luha sa pisngi nya.

Saan mang anggulo tignan hindi maipagkakaila na anak siya ni Baekhyun, may magagawa pa kaya ako kung magkita sila..

"Ano ang sinabi mo sa kanya Yoo?"malumanay na ang boses ko.

Suminghot singhot sya. "Sinabihan ko lang sya ng I love you Mama."

"Binanggit mo ba ang pangalan ko?"

Umiling ito.

"Alam nya ba kung nasaan tayo?"

Umiling ulit ito.

I should throw that phone. Nakahinga ako ng maluwag. Sana hindi maniwala si Baekhyun sa sinabi ni Yoo. Tahimik na parehas ang buhay namin. Ayoko ng komplikasyon.

"Wag mo ng uulitin yon Yoo."

Tumango naman ito, kaya niyakap ko sya at hinalikan sa noo. " I love you baby.."

"I love you too Mama." Hindi ko magawang magalit sa anghel na to. Sya nalang ang natira sakin. Tinalikuran ko lahat para sa kanya.

"Sige na baba kana. Kunin mo kay ate Sansan ang baon mo. Si Tito Dae nasa baba na din para ihatid kayo ni Jinju."

Ngumiti ito ng pagkatamis tamis bago umalis sa tabi ko.

Agad na ginagap ko ang cellphone sa bulsa ko, tinanggal ko ang sim non.

Kinahaponan sinundo ko si Yoo sa school nya, hindi pa kami nakakaalis ng school ground ay nasiran ang sasakyan ni Dae. Si Dae yong tiyohin ni Jinju, nasa Seoul yong magulang ng bata at iniwan ito kay Dae. May fishing factory naman yong huli dito sa isla.

"Sa tingin ko kailangan nating maglakad pauwi."imporma ni Dae.

Hindi uso ang public vehicle dito sa Isla. Yong may mga sasakyan lang ay ang mga taong may kayang bumili non.

"Tita pinagalitan si Yoo kanina."sumbong ni Jinju.

Akay ko yong dalawang bata samantalang si Dae ang nagbitbit nila at nakasunod sa amin.

"Bat ka pinagalitan Yoo?"Tanong ko.

"Si Ji An kasi Ma ayaw maniwala na may Papa ako. Nagtalo kami tapos nag away. Nagalit si Teacher."

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon