Mr. Byun 2.7

266 17 2
                                    

Baekhyun's PoV

Damn! Ano ba tong ginagawa ko, this is not what I'm planning to do. Gusto kong ipakita kay Mir na nakamove on na ako, tapos na kami. Pero nung makita ko sya nung hinalikan ako ni Alice Kwon ay pakiramdam ko naguilty ako, na pinagtaksilan ko sya. Para akong nahuli ng police caught red handed.

Hindi ko pinahalata yon, subalit ngayong nandito na kami sa kwarto biglang uminit ata ang paligid napabihis ako ng damit ng wala sa oras. Ng humarap ako sa kanya ay hindi na naging stable ang nararamdaman ko. Gusto ko syang yakapin,pinigilan ko ang sarili ko,best way to do it is to get angry.

"Masaya ka ba sa ginawa mo Mir?! Sinira mo ang buhay ko pati ang buhay ng batang iyon!"galit na sabi ko sa kanya.

"Wag ba nating pag usapan yon."tapos na tayo."nakapag move on na ako. Sana ganun ka din."anitong bumangon para tumayo.

Pero tinulak ko sya pabalik sa kama. Napaaray ito dahilan at napasuklay ako ng buhok. Damn! Why am I hurting her?!

"So ganun lang kadali sayo ang lahat? Kunsabagay ano pa ba ang aasahan ko sayo, isa ka lang namang babaeng magaling mangiwan."ako.

Padarag itong naupo sa kama. May galit ang mga mata nitong nakatingin sakin. "Wag kang umarte na ikaw ang biktima dito Baekhyun, hindi mo alam ang pinagdaanan ko!"

"Saang parte ang hindi ko alam? Yong pinabayaan mo ang anak ko o yong nag asawa ka pagkatapos mo syang patayin."Galit na sabi ko.

"Ganun ako kasama sa paningin mo? Ganyan mo ba ako nakilala noon? Hindi ko aakalain na ganito ka mag isip. Binibigyan mo ako n dahilan para pagsisihan ang nakaraan natin Baekhyun."

Natawa ako ng pagak. Sya pa ngayon ang nagagalit. "Hindi na mahalaga kung ano ang tingin mo sakin noon Mir. Gusto ko lang malaman kung saan mo nilibing ang anghel natin. Babawiin ko ang anak ko.!"

"Wala kang makukuha sakin Baekhyun. Kalimutan mo na kami."akma itong lalabas ng pigilan ko ang balikat nya.

At nakukuryeteng naitulak ko sya sa kama. Damn! Ganito parin ang epekto nya sa akin?

"Ano bang problema mo?!"galit na sigaw nito.

"Bat ba ang tigas ng ulo mo! Hindi pa tayo tapos mag usap!"

"Wala na tayong pag uusapan Baekhyun. Kalimutan na natin to! Aalis na ako, entertainin mo yong babaeng kahalikan mo!!"natigilan ito pagkatapos non.

Is she jelous?

Knock.. knock.. "Baekhyun, may kausap ka ba jan?"

Napatingin ako sa saradong pinto. Nakita ko ang pag panic sa mga mata ni Mir. Damn! Si PD Na. No.1 sa rule ng show ay No other woman till the show ends.

"Baekhyun, buksan mo ang pinto."anito.

"Sandali."ako. Agad kong hinila si Mir patayo, tinulak ko sya sa nakabukas na closet."Wag kang maingay."tumango naman ito.

Tinungo ko ang pinto. "PD Na, may kailangan ka?"

"Narinig ko kasi na may kausap ka, wala pa si Alice sa kwarto nya akala ko magkasama kayo."

"Nagkita kami kanina,pero naghiwalay din kami."

"Ganun ba,tatawagan ko nalang ulit sya."

Tumango ako. Praying that he leaves immediately.

"San galing ang pagkaen?"Anito na nilapitan ang isang basket ng pagkaen.

Natigilan ako. Damn! Bat nakalimutan kong itago yon.

"Ah.. pinadeliver ko, nagutom kasi ako."shit, kahit ako hindi kumbinsido sa mga pinagsasabi ko.

"Sa isang restaurant mo ba yan inorder?"

" Oo, may babae na nagdala nyan dito."ako.

"Si Mir ba?"

"Kilala mo?" Gulat na tanong ko.

"Oo naman. Sya yong suppose to be photographer nyo ni Alice sa wedding nyo kanina. Pero ayon nga naudlot. I bet you already know her, dating photographer nyo sya diba?"

Pasimple akong napasulyap sa kinaroroonan ni Mir. So we destined to meet after all,kung hindi lang kay Alice baka nagkita na kami kanina pa.

"Kaya pala pamilyar sya sakin, hindi ko na masyadong maalala ang mukha nya e. Tsaka matagal na yon."tanging nasabi ko.

"Ang mga katulad nya ang hindi dapat kinanakalimutan Baekhyun, she's talented. Gusto ko syang makatrabaho noon pa. Nagulat nga ako nung bigla syang mawala."komento nito.

Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon PD Na siguradong mag aagree ka din. Ako? Kinalimutan sya? Damn!! Not even a single day.

"Anyway, mauna na ako. Hanapin ko pa si Alice. Lasing pati manager nya."

"Goodluck."tanging nasagot ko sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag ng malock ko ang seradura ng pinto.

Napatingin ako sa nakasarang pinto ng closet.

What should I do Mir? Mas lalo mong ginulo ang mundo ko ngayon. Mapapakawalan pa kaya kita?

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon