Baekhyun's PoV
"Bitawan mo nga ako!"tinapik nya ang kamay ko kaya nabitawan ko sya."Wala na tayong pag usapan!"
"Tama ka, wala na tayong pag uusapan. Kaya nga gusto ko lang klarohin, we are just old acquaintance nothing more. Panindigan natin ang pag arte natin kanina."
"Susubukan ko. Hindi ko lang alam kung kaya kong tapatan ang galing mo sa pag arte."
Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. "Galit ka ba?"
Nafufrustrate itong napasabunot ng buhok. "Bakit wala ba akong karapatang magalit?"
"Wala. Kasi ikaw ang nang iwan at ako ang nagdusa."matalim na sagot ko.
"At sa tingin mo ikaw lang ang nagdusa? Mas doble pa sa pagdurusa mo ang naranasan ko!" Her voice crack in the middle. Napaiwas ako ng tingin. "Hindi mo alam kung ano ang paghihirap ko, kaya wala kang karapatang akuin lahat ng sakit na meron ang mundo."
"Mir,---"
"Baekhyun. Pwedi bang magkalimutan nalang tayo?"
Nangilid ang luha nito kaya natameme nalang ako. I want to console her. Pero hindi na ako nakakilos.
"Nandito lang pala kayo."biglang sulpot ng isang boses mula sa kung saan.
Mabilis na pinahid ni Mir ang mga luha nya at umiwas ng tingin.
"Hinahanap na kayo ni PD Na, aalis na daw."dagdag ni Alice.
Kinaladkad ko nalang sya palayo at iniwan si Mir. Hindi ko alam kung narinig nya lahat, ayokong maeskandalo pa si Mir pagdating ng panahon. Tama na ang nangyari noon.
Nang makarating kami sa bus ay hindi na kami nag imikan. Maririnig nalang yong papuri ng staff at crew sa kinalabasan ng kissing scene namin ni Alice, na ikinatamis ng ngiti nito. Napansin naman ni Manager Hoon na wala ako sa mood kaya hindi na nya ako kinulit pa.
Nang makabalik sa hotel ay nag shower na ako at nahiga sa kama. Bumabalik pa din sakin ang pag uusap namin ni Mir, madami pa akong gustong itanong pero pinipigilan pa din ako ng alalahaning baka nasasaktan ko na sya.
Damn! She deserve it. Iniwan nya ako diba? Ako ang biktima.
Narinig ko ang pag ugong ng cellphone ko na nakapatong sa lamesita. Inabot ko iyon at bumalik sa pagkakahiga.
Nakita ko ang ilang missed call galing kay Chanyeol.
Maya't maya pa ay nareceive ko ang video call galing kay sa kanya.
"Waeyo?"bungad ko sa kanya.
"Dude, may balak ka bang mag porn show sa harap ko? Shit, na tu-turn on ako."anitong may malapad na pagkakangiti.
Hindi ako pa ako nakadamit.
"Ogag! Katatapos ko lang maligo, wrong timing ka eh."
Humalakhak ito. "Akala ko naman tuluyan ka ng naakit sa akin."
"Muka mo. May kailangan ka?"
"Suplado mo talaga dude. Lalo tuloy akong naiinlove sayo."anitong umarte pang kinikilig.
"Umayos ka Chanyeol, lalagasan talaga kita ng kilay, si Sehun kausapin mo jan sa kabadingan mo!"
Tumawa na naman ito at nagpagulong gulong pa sa sofa. Tsk.. sarap sapakin. Halatang nasa condo ko na naman sya. Kilalang kilala ko ang sofa ko e.
"Haha.. dude.. mangangamusta lang ako."
"I'm fine. What else?"
Biglang nagbago ang expression ng mukha nito. Sumeryoso iyon na naghatid ng kung anong kaba sa akin.
BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...
