Mr Byun 11

587 16 2
                                        

Mi Rae's PoV

"Umalis ka jan kung gusto mo pang sikatan ng araw sa korea." bulong ni Ran.

"Honey, sorry na. Natukso lang ako." anas ni Chanyeol.

"Pakialam ko kung natukso ka. Tapos na tayo." Ran.

"Wag namang ganyan. Nasasaktan ako." Chanyeol.

"Putek! mas nasasaktan ako. Siraulo! Lumayo ka sakin!" nanggigil na sabi ni Ran.

Bagsak ang balikat na tumayo si Chanyeol at umalis sa kinauupuan nya. Nasa eroplano na kami pabalik ng Korea. Nasa may bintana ako nakaupo at nasa edge si Manager Ran. Bakante ang upuang iniwan ni Chanyeol.

"Baekhyun lika dito!" sigaw ni Ran.

"Bakit?" sagot ni Baekhyun.

"Dito ka maupo. Bilis!" utos ni Ran.

Kinaumagahan pagkatapos ng party sa pub ay naging masungit na si Manager Ran sa halos lahat ng EXO. Napapailing nalang nga ang mga kasamahan nyang Manager. Kunsabagay spoiled sya ng buong staff, bukod sa nag iisang babaeng manager mabait din sya sa lahat.

Mukhang successful ata ang ang EXO kagabi na paghiwalayin ang dalawa.

Napapitlag ako ng umupo si Baekhyun sa tabi ko.

Nakashades at Hooded jacket sya. May mask din ang mukha nya. Kung sa iba siguro iisipin nilang fashion ang porma nya. Pero ako ako alam kung nakasuot sya ng ganyan para itago ang mga sugat nya sa katawan at pasa nya sa mukha.

Nakaamba na namang tumulo ang luha ko kaya sinuot ko ang shades na dala ko.

Pagkatapos akong mapakalma ni Dyo kaninang pag gising ko binigyan nya ako ng pampatulog. Alam kong sya din ang nagligpit ng mga may dugong gamit sa kama ko. Pagkagising ko ay si Ran na ang namulatan kong nakabusangot.

Nagdadaldal din sya sa panloloko ni Chanyeol sa kanya. Mugto ang mata ko at ng inusisa nya ako sinabi ko lang na nasobrahan ako sa tulog.

Gusto kong kamustahin si Baekhyun pero nanghihina pa ako para kumilos. Inanalalayan pa nga ako ni Dyo kanina habang nasa byahe kami pabalik ng Beijing.

Ngayong nasa tabi ko na sya. Wala akong lakas ng loob na kamustahin sya. Kinakabahan at natatakot ako. Kinakabahan sa sasabihin nya at natatakot baka galit sya.

Sinaklob ko ang hood sa ulo ko at yumuko. Sumandig ako sa gilid at nagkunwaring tulog.

"Anong ginagawa mo dito?" anang masungit na boses ni Ran.

"Ah.. makikipagpalit sana ako ng upuan kay Baekhyun."boses iyon ni Dyo.

"Hindi pwedi! Bumalik ka sa pinanggalingan mo Kyungsoo!"

"Manager naman eh." narinig kong apila ni D.O.

"Babalik ka o pababain kita ng eroplano?" ang sungit talaga ni Ran.

Narinig ko ang pangangantiyaw ng iba kay D.O.

"Manager Hyung o, ang sungit ni Ran." sumbong ni D.O.

"Anong Ran? Lul! ako pa rin ang Manager nyo!"

Nakita kong kamot ang ulong tumalikod si D.O.

Natawa lang ang mga staff at manager. Mas malakas na kantiyaw ang nakuha nya sa kasamahan nyang EXO.

Hindi nagtagal ay nag take off ang eroplano. Napapikit nalang ako ng mariin.

Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko.

Napatingin ako sa katabi ko. Nakaharap sya sakin pero hindi ko makita ang mukha nya. Pinagdaop nito ang mga palad namin at nilagay iyon sa bulsa ng jacket nya.

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon