Mr. Byun 2.16

270 13 10
                                        

MiRae's PoV

Naalimpungatan ako sa isang malakas na kalabog na galing sa pinto. Hindi malinaw ang mga salitang naririnig ko pero sigurado akong boses iyon ng dalawang tao. Si Baekhyun at Chanyeol nag aaway? Nangunot ang noo ko sa naisip. Nahihilo man ay pinilit kong bumangon. Epekto ito ng hindi ko pag inom ng maintenance ko sa tamang oras.

Akma kong pipihitin ang seradura ng magulat ako sa malakas na kalabog na galing sa labas, hindi na ako nagdalawang isip at binuksan ang pinto.

Nanlaki ang mata.

Pawis.

Gulat.

Na napalitan ng pag aalala.

Yan ang expression ni Baekhyun. Natigilan itong napatingin sakin.

Naningkit naman ang mata ng babaeng nakapatong sa kanya. Alice Kwon is gorgeous as ever. Para syang cougar na naka patong kay Baekhyun.

They are perfect.

Hindi ko alam kung naglalambingan sila sa sofa o nag aaway kasi hawak ni Baekhyun ang dalawang kamay ni Alice na mukhang aatake sa mukha nung isa.

Ilaw galing sa lampshade ng living room ang nagbibigay liwanag sa buong lugar.

Total hindi na ako makaatras nagpretend nalang ako na hindi sila nakita at deretsong naglakad papunta sa kusina pero hindi pa ata ako nakakatapak dun ay narinig ko ang pagsigaw ni Alice.

"Bitch!"

Mabilis nyang nahila ang buhok ko kaya napa aray ako ng maramdaman ang sakit non. Pakiramdam ko natanggal ata ang anit ng buhok ko sa lakas ng pagkahila nya, ano sya unggoy.

"Dammit Alice stop hurting her!"

Nakahinga ako ng maluwag ng mailayo ni Baekhyun si Alice sakin, pabagsak akong napaupo sa sahig. Hindi ko naiwasang mapaluha.

Shet.. bat kailangan nyang gawin yon? Ganun sya ka warfreak?

Pinipilit na pakalmahin ni Baekhyun si Alice ng bumaha ng liwanag sa buong lugar. May nagbukas ng ilaw. Hilam ng luha ang mata ko pero pinilit kong hanapin ang taong gumawa non.

Isang hindi katangkarang lalaki ang nakatayo sa may pinto at nakaextend ang kamay sa switch.

Agad akong napatayo.

"Sweetie!"anito.

With out a second thought ay tumakbo ako papunta sa kanya para yumakap. Namiss ko si Do Kyungsoo.

"Sssh.. anong nangyari bat ka umiiyak?"anito at lalo akong napahagulhol.

"Ilayo nyo sakin ang babaeng yan at baka mapatay ko yan."anang matinig na boses ni Alice. "Lumayas ka kabit!"

"Shut up Alice!"Baekhyun.

"Dude, anong nangyayari dito?"Chanyeol.

Nakayakap pa din ako kay D.O kaya hindi alam kung sino pa ang kasama nyang dumating. Mukhang tumigil na din si Alice sa pagtangkang sugurin ako ng mapansin ang bagong dating.

"Baek, mabuti pang iuwi mo muna si Alice."Chanyeol.

"I dont think that would be a good Idea, lalala ang issue."D.O

"Hindi ako aalis dito! Yang kabit ang dapat umalis!"

Walang patutungohan ang usapan na to. Kumalas ako sa pagkakayakap ni D.O at dumeretso sa kwartong inuukopa ni Yoo. Dadahan dahan kong sinara ang pinto para hindi makagawa ng ingay, nakagat ko ang labi ko ng masilayan ang payapang pagtulog ni Yoo.

Wala syang kaalam alam at hindi na nya kailangan pang malaman, masyado pa syang bata para maintindihan ang lahat.

"Mir..?"

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon