Mi Rae's PoV
Kalalabas ko lang ng pinto ng ladies room ng may biglang humablot sakin.
Napapiksi ako. Nakilala ko agad ang bulto ng lalaking mahigpit na nakahawak sa braso ko. Binundol ng kaba ang dibdib ko. Dumaloy ang boltaboltahing kuryente sa simpleng pagdaiti ng mga balat namin. I'm attracted to him thats a fact I just realize.
"Baekhyun, ano ba bitawan mo nga ako!" nagpumiglas ko pero mahigpit ang pagkahawak nya sakin. "San mo ko dadalhin!? Makita tayo ng girlfriend mo ano ba."
Hindi naglipat sandali tinulak nya ako papasok sa isang kwarto sa pasilyo.
Muntikan na akong matumba pagpasok dun buti nasalo nya ako.
"May balak ka bang patayin ako?" asar na tanong ko sa kanya.
Hinila nya ako paupo. Nasa dressing room kami.
"Bat naman kita papatayin?" anitong naupo sa tabi ko. Nakaharap kami sa salamin. Magkatabi kami pero kita ko ang kabuuan nya sa salamin.
"Kasi madami akong kasalanan sayo? at tsaka bat mo ko hahatakin papunta dito kung wala kang gagawing masama sakin?"
Narinig ko ang mahinang pagtawa nya. "Ang sama mo namang mag isip tungkol sakin."
"Masama din ang ginawa ko sayo. Masisisi mo ba ako kung iisipin kong baka isang araw maghiganti ka sakin?"
"Tulad ng ginawa ni SeoJin?"
It shut me up.
Matagal tagal bago ako nakahuma." So totoo nga?" inis na tanong ko.
"Kung maghihiganti ako sana noon pa." anito.
"Instead you gave me a cold shoulder." sabi ko.
Nakita ko ang bahaw na pagngiti nya. "Sorry."
Napatingin ako sa salamin sa harap ko. Nagulat ako ng makitang nakatitig sya sa repleksyon ko. The next thing I know he held my hand and hold it tightly. Lalong nadagdagan ang kaba ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Holding your hand? Why?"
"Bat mo hinahawakan ang kamay ko?"
"Kasi gusto ko." naaliw sa sagot nito.
Tinignan ko sya ng masama. "Naturingan kang may girlfriend pero kung kanikaninong kamay ang hinahawakan mo."
Natawa ito. "Kamay ng girlfriend ko yong hawak ko."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Nasisiraan ka na ba ng bait? baka lasing ka lang? Nananaghinip ka ba na si Angel ay ako?."
Umiling ito.
"Baka namamalikmata ka lang?" nagpout ito. Nagpapacute ba sya? "Baekhyun tigilan mo na to. I'm not Angel."
"Your not because your Mir."
Napataas ang kilay ko. "Kaya nga bitawan mo ang kamay ko kasi hindi ako si Angel na girlfriend mo."
"Hindi ko girlfriend si Angel. Were just dating. Hawak ko ang kamay ng girlfriend ko ngayon. "
Napasinghap ako sa sinabi nya. Niloloko nya ba ako?
"Naglolokohan lang ba tayo dito?" inis na tanong ko sa kanya.
"Bakit pinagtataksilan mo na ba ako?" sya.
"Bakit tayo ba?"
"Oo."
Halos manlaki ang mata ko sa sagot nya. "Hoy Byun Baekhyun anong pinagsasabi mo jan?"

BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...