A/N
Ayon nag finale na ang Emergency Couple, beri nyc naman ang ending..
And since inspired ako sa story ni Changmin at Jinhee, sinaniban ako ng kalandian ni Baekhyun.
At kahit masakit ang katawan ko sa work(kakahabol ng koreanong pasaway) at kakasipa/suntok sa taekwondo practice, mag U-UD ako as soon as possible.
Gomawo sa mga nagbabasa.
#Avin
++++++++++++++++++++++++++++++
Baekhyun's PoV
"Baekhyun! San ka galing? Kanina ka pa hinahanap ng girlfriend mo." Suho.
Bumalik ako sa after party pagkatapos naming mag usap ni Mir. Wala na akong guts para sundan pa sya. Nagasgasan ang ego ko sa 'indirect rejection' nya. Tsskk.. bat kasi ang bobo ko pagdating sa babaeng gusto ko.
"Nagkita na kami." walang kalatoy latoy ko na sagot kay Suho. Hindi ako interesado kay Angel. Palabas lang ang sa amin, showbiz ano pa bang aasahan dun, pakulo ng nakakataas. Pumayag ako para pagtakpan ang kumakalat na scandal namin ni Mir.
"Ang hot ng gf mo Baek." anang si Lay na nag abot ng baso ng beer sakin.
"Gusto mo sayo na?" birong totoo ko. Tumawa ang dalawa.
"Not my type." Suho.
"Me too. Sabi ko lang hot." Lay. Sabay pa kaming natawa.
"Hi babe."
Naramdaman ko ang pagyakap sakin mula sa likod. 'speaking of the devil.'
"Hi guys!" bati ni Angel sa dalawa.
"Eto na pala ang girlfriend mo e." Suho, sabay kindat kay Angel. They know the real score between Angel and I, at hindi lingid sa grupo ang totoong ugali nito. I don't mind them treating her like a whore, yon naman ang totoo.
"Why? ako ba ang pinag uusapan nyo?" anang babae na tumabi pa talaga sakin sabay angkla ng kamay nya sa bewang ko. Gusto ko syang sawayin kaya lang baka magtantrums na naman sya at gumawa ng eksena. Knowing her for a short period of time alam kong wala syang sinasantong lugar sa pagiging spoiled brat nya.
"Exactly Angel. We can't help it. Your kinda Hot." anang si Lay.
Parang kiniliting tumawa ang katabi ko. "I know right. Kaya nga ang swerte nitong si Baekhyun sakin."
Nilagok ko ang kopita ko.
"Kelan kaya ako makakakita ng katulad mo?" pagsakay ni Suho sa kahibangan ng babae. Tsskk.. girls andali nilang utuin.
Kung kalandian lang naman ang paguusapan hindi patatalo tong mga katabi ko.
"Sorry Suho hyung nag iisa lang ako sa mundo."
"Ouch! how sad."
"Anyway, guys pwedi ko bang makausap si Baekhyun sandali?" kumapit ito sa balikat ko.
"Bakit?" walang kainti interes na sagot ko.
"Gusto ko kasing magkaron ng quality time with you." anang babae na nilapit pa talaga ang labi nya sa tenga ko. Hindi naman ganun kalakasan ang tugtog sa venue para gawin nya yon. Nakakairita.
Napaigtad ako ng may biglang umilaw. Camera pala. So sinadya nya talaga.
"Sige lang, spend your quality time together." nakakalokong sabi ni Lay.
Nairita naman ako. Alam ko kung ano ang iniisip ng mga mokong nato. Pero hindi ko sila magawang sawayin kasi totoo naman ang iniisip nila.
"Antayin mo ako sa kotse." utos ko kay Angel.
"Sabay na tayo." paglalambing nito.
"Magpapaalam pa ako kina manager."
"Sasama ako."
"Just go. Ayokong pag usapan na naman bukas pagnalaman nilang sabay tayong umalis ng party."
Nakita ko ang pag irap nito. Inakbayan naman ako ng kararating lang na si Chanyeol.
'zupp?" bati nito.
Nagdadabog na umalis si Angel.
"Nangyari dun?" Chanyeol.
"Naaalibadbaran sa pagmumukha mo." anang si Suho.
"Langya! Sa gwapo kong to?"
"San banda ang gwapo?" natatawang sagot ni Lay.
"Malamang yang ulo mo." sagot ko.
"Sa taas o sa baba?" Chanyeol.
"Sira!" Lay.
Umalingawngaw ang malakwebang tawa ni Chanyeol. "Maiba ako, bat si Mir hindi ko nakita?" anito kapagkuwan.
"Malamang late ka e." anang si Sehun na biglang sumulpot sa gitna namin ni Lay.
"Langya! kabute ka talaga Sehun!" anang si Chanyeol.
"Pogi naman." anitong nakitagay din samin. "Masama ang loob non kay Baekhyun sigurado."
Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. "Ano naman ang nagawa ko?"
"Nung kelan lang dineklara mo samin na 'She's my woman' tapos bigla bigla 'dating' na kayo ni Angel Lee, kinakawawa mo ang babae dude. Ang gulo mong kausap."
May punto ito. Kaya nga siguro mainit ang dugo ni Mir sakin. Simula nung komprontasyon namin iniwasan ko na sya para sa plano naming palabas ni Angel, tapos nakalimutan ko pang inangkin ko pala sya sa harap ng mga kumag na to. Ang komplikado na ng buhay ko. Damn!
"Baek, ano ba talaga ang totoo?" seryosong tanong ni Chanyeol.
"Kayo ba talaga?" Lay.
"Hindi ko alam." I heave a deep sigh. Hindi alam ng mga mokong na to kung pano nasangkot si Mir sa buhay ko. Ang alam lang nila may crush ako noon pa na hindi ko inaamin sa kanila kung sino not until nangyari ang sa music room. By impulse kaya ko nasabi yon.
"Wag ganon dude."napatingin ako kay Chanyeol. "Mabait si Mir. Iba sya, wag mo syang itulad sa mga babaeng dumaan sa buhay natin."
"Tama si Chanyeol, Baek. Hindi man si Mir ang tipo kung babae, pero sa tingin ko sya ang klase ng babaeng sineseryoso." anang si Suho.
"Kung sawa na ako sa pagiging 'hot' ko sya ang unang babaeng hahanapin ko para seryosohin." dagdag ni Sehun.
Damn! andami ko talagang magiging karibal sa kanya?
"Hindi ko sya gustong saktan. Alam nyo naman na trabaho lang samin ni Angel." besides ginagawa ko din to para pagtakpan ang scandal namin.
"Pero dude, mali ang mga damoves mo e. Idideklara mo samin na iyo si Mir pero may dinidate ka naman palang iba. Ano sa tingin mo ang mararamdaman nya?" Chanyeol.
Nasapo ko ang noo ko. Kahit ngayon lang, tinatamaan ako sa mga pinagsasabi ng mga mokong na to.
"Akin nalang kaya muna sya?" anang si Sehun.
Tinignan ko sya ng masama. Nagpatay malisya itong uminom ng beer.
"Anong akala mo kay Mir, tuta? pweding ipamigay?" inis na sagot ko.
"Atleast hindi namin sya tinatratong bagay na isasantabi kung hindi kailangan." sabay kaming napalingon sa nagsalita.
Si Dyo, mukhang badmood ito. "I care for Mir." tanging nasabi ko.
"Pwes hindi nya kailangan non sa mga susunod na araw." anitong naupo sa stole katabi namin.
"Bakit?!" Lay.
"Kayo na ba Dyo?" Suho.
"Bilis mo Kyungsoo!" Chanyeol.
"Panu si Baek?" Sehun.
"Mga ugok!" sawata ni Dyo. "Sa tingin nyo naman ba sasagutin agad ako ni Mir? Kayo ang t-tsismoso nyo talaga, kalalaking tao ang dadaldal."
"Asus, nagsalita ang tahimik." Lay.
"May pupuntahan ba si Mir?" pag iiba ko.
"Hindi ko alam." nakayokong sagot ni Kyungsoo.
Naikuyom ko ang kamao ko. Pakiramdam ko mas gumulo ang naging sitwasyon namin ni Mir.
BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...
