Mi Rae's PoV
Sa susunod na linggo pa ang schedule ng pag alis namin sa bansa, ayon sa attending physician ni Yoo ay wala syang komplikasyon o kung ano pa man, ang kailangan nya lang talaga ay magising at masuri ng isang espesyalista. Ngunit hindi maiaalis sa akin ang mag alala para sa kanya, lalo na ngayon na nararamdaman ko na ang panghihina ng katawan ko, hindi ko alam kung hanggang kailan ang itatagal ko. Hindi ko pa kayang tanggapin subalit ang malaman na mawala man ako at nandyan si Baekhyun para kay Yoo Bae ay kahit papano napapanatag ang loob.
"Mama.."
Napatuwid ako sa kinauupuan ko. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Yoo.
"Mama, nagugutom ako."
"Yoo!"agad ko syang nilapitan at niyakap.
"Mama.."namamaos na tawag nito.
"Baby. Thank you Lord. I love you baby."sunodsunod ang pagpatak ng luha ko. "Salamat at gising ka na."
"Mama, hindi ako makahinga."
Nangingiting binitawan ko sya at tinitigan ng mabuti, di pa ako nakontento at pinupog ng halik ang mukha nya.
"Mama naman, baka may makakita, malaki na ako."reklamo nito.
"My baby is back, nagsusuplado na."natatawang sabi ko."Gutom ka ba? Sandali ikukuha kita ng pagkain."
"Mama?"
"Bakit baby?"
"Nasaan si Papa?"
"Papunta na sya dito."
Kumislap ang mga mata nito na ikinatuwa ko, kahit papaano mapapanatag na ko.
Di naglipat oras ay dumating nga si Baekhyun, agad na niyakap nito si Yoo.
"Papa hindi ako makahinga."
"Sorry anak. Natutuwa lang ako at nagising kana."
"Nakakapagod na po kasing matulog."inosenteng sagot nito.
Di ko napigilang napaluha sa tagpong ito.
"Baby wag ka na ulit matulog ng matagal ha, nag aalala kami ng Mama mo."
Tumango ito. "Sorry Papa, wag na po kayong mag alala. Namiss ko rin po kayo."
Napuno ng tuwa at kasiyahan ang buong silid dahil kay Yoo. Pareho kaming napangiti ni Baekhyun.
"Yooo! Ang gwapo kong inaanak how are you!?"masiglang bati ni Chanyeol. "Kamukha ko a, Mir sigurado bang si---"
Bago pa natapos nito ang sasabihin nya ay nabatukan na sya ni Baekhyun. Pinandilatan ko naman ang huli. "Wag bayolente sa harap ng bata."dagdag ko pa.
"Ninong ang gwapo mo po."ani Yoo na pinindot pa ang ilong nito.
Lumapad naman ang pagkangiti nong isa. "Matagal ko ng alam yan baby boy. Ayii.. kinikilig ako. Kailan ka pweding lumabas? Bibili tayo ng madaming toys, ikaw na ang favorite inaanak ko."
"Ehhmm.. sya lang naman ang inaanak mo." Baekhyun.
"Panira ka."Chanyeol.
Napailing nalang ako sa kanila at minabuting lumabas ng kwarto para bumili ng pagkain. Subalit di ko pa naabot ang seradura ng pinto ay may sumigid na kirot sa dibdib ko dahilan para matigilan ako.
Sinubukan kong balewalain ang sakit subalit lalo ang iyong tumindi. Pigil hiningang tinungo ko ang pinto at binuksan iyon.
Nanginig ang tuhod ko bago pa ako makalabas ng pinto, nang sinubukan kong humakbang ulit ay tuluyan ng bumigay ang mga paa ko. Napapikit ako sa pag aakalang babagsak ako sa sahig, subalit may bisig na sumalo sa akin.

BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
Roman d'amourSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...