Mr Byun 26

349 15 1
                                        

MiRae's PoV

I'm thankful at tinulungan ako ng isang babae nung pinagtangkaan ako ni SeoJin. She's the opposite of me, tough, strong and independent. Kani kanina lang pinuntahan ko sya sa apartment nya o tamang sabihin na dating apartment ng EXO.

Nakaktuwang isipin na sya pala ang First Love ni Dyo na nung kelan lang ay dahilan ng paglalasing nito at ang bestfriend ni LuHan na gumawa ng eskandalo sa airport nung nagsisimula palang ang EXO, trainee palang ako nung mangyari yon. Hindi na ako magtataka na dalawang EXO member ang magkagusto sa kanya. Wala syang kaartehan sa katawan pero lumalabas ang likas na ganda nya. Napatitig pa ako sa kanya nung una ko syang makita. I know she'll be special.

Naulingan ko ang isang pagkatok sa pinto, may anong kaba ang bumangon sa dibdib ko. Mag isa lang ako sa apartment, kakahatid lang sakin ni Kyungsoo galing sa apartment ni LeiNa kanina dinalhan ko kasi sya ng haponan.

Maya't maya pa ay lumakas ang pagkatok sa pinto. Alangan man ay tumayo na din ako para mapagsino ang kumakatok.

Inabot ko ang vase na nadaanan ko.

Paranoid na siguro ako pero mas mabuti ng nakakasigurado at baka yong halimaw na naman na Seo Jin ang nasa likod ng pintuan ko.

Dahan dahan kong pinihit ang seradura, unti unti kong sinilip ang ang siwang ng pinto para lang mapatda sa nasumpungan ko.

"Mir.."

Natuod ako sa kinatatayuan ko. It's him!

Hindi pa ako nakahuma ay agad nyang sinakop ang bibig ko.

I've missed his kisses so much.

Lalong humigpit ang pagkakayakap nya sakin.

"I miss you Mir." He murmured.

Kumalas ako sa yakap nya, I stared at his face.

Dark circles around his eyes, pale chicks and messy hair. God what have I done to him?

"I'm sorry Baekhyun." halos bulong na sabi ko.

"Wag Mir, hindi yan ang gusto kong marinig galing sayo." pagsusumamo nito na lalong nagpasikip ng dibdib ko. "Sabihin mo sakin kung ano ang laman ng puso mo hindi kung ano ang dinidikta ng isip mo. Napapagod na ako Mir, please be honest with me."

Sinalubong ko ang mga titig nya. "Bae-baekhyun, hindi tama to."

He harshly comb his hair, "Kung hindi to tama ano pa ang dapat na maging tama? Mahal natin ang isa't isa, you know that."

"Pero----"

"Bakit mahal mo ba si Dyo?"

I was stunned upon hearing his question. Si Dyo, nadamay lang sya.

Then LeiNa's face pop on my mind. She's an angel. It feels like i'm betraying her.

Napayoko ako. Ayokong sagutin ang tanong nya. "Umalis kana Baekhyun, tapos na tayo."

He lift my face, his inches away from mine. "Panu ko gagawin yan Mir kung sa tuwing nakatitig ako sa mga mata mo ang mga masasayang sandali natin ang nakikita ko? Kung ano man ang dinadala mo andito ako Mir, nangako ako na tutulungan ka diba?"

Tears escape from my eyes, agad nyang pinahid iyon.

"Pero Baekhyun, ayoko ko na. Kung napapagod kana, ako nagsasawa na sa sumpang dala ko. Hindi ako nababagay sa mundo mo, kaya kung pwedi lang tantanan mo na ako!"

"Hindi ako susuko! Mahal kita Mir!"

"Lintek na pagmamahal yan! Hindi tayo magiging masaya sa pagmamahal na yan!"

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon