MiRae's PoV
Nakahinga ako ng maluwag ng malipat na si Yoo sa private room, naging maayos naman ang pag uusap namin ng doktor nya.. Sa lalong madaling panahon kailangan kong mapasuri ang anak ko sa ibang bansa. Hindi ko maatim na makita syang nakahilata sa kama na parang walang buhay. Nananalangin ako na sana may gamot sa katulad nyang sakit.
"Anlalim na naman ng iniisip mo. Tignan mo si Yoo o mukhang natutulog lang." Pilit akong ngumiti kay Dae. Hindi ko manlang naramdaman ang pagpasok nya sa silid. "Tama na muna ang pag aalala mo Mir. May pakiramdam ako na ano mang oras ay gigising na yang bubwit na yan. Alam mo mana yan sayo e umaapaw din ang fighting spirit kaya siguradong di magtatagal maoovercome nya din kung anong meron sya ngayon."
Maluhaluha akong napatango. Inabot ko ang mga palad nya. "Dae, salamat for everything, mula sa pagtulong mo sa amin, pag aalaga kay Yoo at pagpapagaan ng loob ko lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Thankful kami kasi dumating ka sa buhay namin."sincere na sabi ko.
"So am I Mir. You inspire me, and this little thing I can do for you and Yoo means so much to me."
Nangilid ang luha ko sa sinabi nya, comforting words from a gentle hearted man like Dae. Niyakap ko sya ng mahigpit na sinuklian naman nito.
"Mir!"
Dumagundong ang boses ng tumawag na yon sa akin. Agad na pinahid ko ang luha ko ng magkahiwalay kami ni Dae.
"Baekhyun."alangan na sambit ko.
"Pwedi ka bang makausap?"seryosong tanong nito.
Nangunot ang noo ko. "Bakit?"
"Ngayon na, sa labas."Anito sabay talikod at binagsak ang pinto.
Litong napatingin ako kay Dae. "Sige na Mir. Just be happy."
"Anong---"
"Go, follow him."
"Teka---"
"Ako ng bahala sa baby mo. His father needs you."anito sabay kindat. Hindi na ako nakipag argue bagkus sinunod ang sinabi nya.
Nasumpungan ko si Baekhyun na palakadlakad sa hallway di kalayuan sa pinto ng silid ni Yoo. Pero agad din naman itong humarap sa akin ng maramdaman ang presensya ko.
"Ano yon Mir?!"parang galit na kompronta nito.
"Yong ano?"
"Yong nasa loob ng kwarto!"
Napaatras ako ng magulat sa pag taas ng boses nya. "Bakit hindi mo nagustuhan ang naging kwarto ni---"
"Thats not what I mean!"
"Teka galit ka ba?"napasabunot lang ito ng buhok at tumalikod sa akin. "May problema ba?"
"Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ni Yoo kasama ang lalaking iyon? Dammit! Sa harap ng ating anak!"
"Kinakagalit mo ba na kausapin ko si Dae sa loob ng kwarto ni Yoo? Bakit? Hindi naman nakakasama yon sa kanya--"
"I don't care! Hindi ko sya gustong makita sa loob ng kwarto ni Yoo."
"Teka lang Baekhyun kelan ka pa nagkaroon ng karapatan na salain kung sino ang lalapit sa anak ko?"
"Natin Mir, natin." May diing sabi nito. "May karapatan ako kasi Anak ko sya."
"Kelan ka lang naging Ama sa kanya."mapait na sabi ko."Bago ka pa niya nakilala kasama ko na si Dae sa pagpapalaki sa kanya kaya mali na pagbawalan mo na bisitahin nya si Yoo."
Nangalit ang panga ng kaharap ko sa naging turan ko."hindi ko kasala---"
"At ano, kasalanan ko? Balik na naman tayo sa sumbatan? Tapos na yon, nakaraan na Baekhyun but you dont have to shove it on my face, over and over again."

BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...