Mr. Byun 3

847 25 2
                                        

Mi Rae's PoV

Rest Day ko ngayon kaya alas nuebe na nakahilata pa din ako sa kama ko. Nag inat ako at hinawi ang kurtina sa kwarto ko tumambad sakin ng buong SMent. Yon ang view dito sa apartment, hindi halatang loyal ako sa pinag t-trabahohan ko no?

Mag iisang taon na ako dito. Simula ng umalis si Seo Jin sa SMent lumipat na rin ako ng apartment. Nirekomenda sakin to ni D.O. Katabing Unit kasi nito ay ang dating apartment ng EXO nung trainee pa sila. Hindi na sila nakatira dun pero binili nilang anim, may sentimental value daw sa kanila.

Ako nang nag volunteer na maglinis dun, total wala na din naman silang time. Kaya may spare key ako ng kwartong yon.

Pagkatapos ko ngang maglinis dito sa apartment ko dun ko naman balak maglinis mamaya. Mabuti na yong may ginagawa ako kesa tumunganga ako buong araw.

Wala din akong hilig gumala. Wala din akong social life.

Minsan pag hindi busy dinadalaw ako ni D.O at nag eexperimento kami ng bagong lutuin.

Naulingan ko ang pagtunog ng cellphone ko.

Hinalungkat ko iyon sa bag ko.

Pangalan ni D.O ang nakaregister.

"Hi, goodmorning." bati ko sa kanya.

"Goodmorning sweety." bati ng nasa kabilang linya.

'sweety' ang tawag sakin nyan pag kami lang. Sweet talaga yang si Kyungsoo bestfriend ko nga eh.

"Napatawag ka? wala ba kayong praktis ngayon?"

"Meron. Mamaya pa naman after lunch. Anong plano mo sa araw na to?"

Alam nya din ang schedule ng day off ko.

"Ahmm.. wala naman. Mag g-general cleaning ng apartment ko. Maglilinis din ako ng aparment nyo. Dalawang linggo ko na atang hindi nabibisita yon."

"Sipag a. Dadaan ako jan bago kami pumuntang studio." anito.

"Wag na, baka may makakita pa sayo." awat ko. Sikat na sila. Baka pagkaguluhan sya pag may makakilala sa kanya.

"Hindi ako pahahalata. Tsaka close na kami ni manong guard remember? Dadalhan kita ng niluto ko."

"Nakss.. talo ko pa ang may cook a, anong kapalit nyan?." biro ko.

"Hahaha.. malaman ko lang na nasarapan ka sa mga niluluto ko masaya na ako Mir."

Napalatak ako. "Kaya ako spoiled sayo eh. Sige na aantayin kita."

"Okay. muwaah!" humalik pa talaga sya sa telepono bago nya inend ang call. Kulet talaga ng kyungsoo na yon.

Isang oras lang ata at natapos kong linisin ang buong apartment ko. Nahatid ko na din ang mga labahin ko sa laundry shop. Nagbihis lang ako ng sando at short at tinungo konna ang apartment sa kabila. Sanay na din naman yang si Kyungsoo na makita akong nakapambahay lang.

Gamit ang sparekey ay binuksan ko ang pinto. Nilock ko din iyon pagkasara ko, reflex ko na ata yon for safety purposes.

Ganun pa din ang loob ng apartment mejo maalikabok lang. Binuksan ko ang aircon at sinimulang maglinis sa sala. Sinunod ko naman ang kusina. Dalawa ang kwarto sa apartment na yon at sigurado akong maalikabok din yon.

Binuksan ko ang stereo at pinatugtog ang favorite song ko sa album ng EXO, ang baby don't cry.

Tinungo ko ang kwarto, as usual reflex nilock ko na naman yon.

Binuksan ko ang ilaw. Hahakbang na sana ako papunta sa kama ng may gumalaw dun.

Napaatras ako. May tao.

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon