Mr Byun 2.2

280 16 3
                                    

Baekhyuns's PoV

Damn!Ayan na naman sya,nakikita ko ang mukha nya kahit saan man ako tumingin. Akala ko ba naka move on na?Bat sa tuwing nasasayaran ng alak ang lalamonan ko apektado parin ang utak ko. Para iyong time machine na ibabalik ako sa nakaraan sa mga panahong kasama ko sya at abot kamay ko lang.

"Baekhyun, lasing ka na." Anang babaeng biglang tumabi sakin.

"Get lost Ran. Matino pa ko."

"Tinatawag mo na naman ang pangalan nya sa kung sino sinong babaeng dumadaan. Damn! Baek, your jeopardizing everything. This is my night right? Dont make scene here."

Natawa ako ng pagak sa naging turan niya. "Oo nga pala nakalimutan ko na ito yong happy ending mo. Tssk.. ang bilis ko ding makalimot no? Pero andaya lang. Mas mabilis kang nakalimot Ran. Dont you think all of this are unfair for me? You become happy after you make my happiness leave?"

"That was six years ago!" May galit na din sa boses nito..

"For me that was just yesterday ran." Tinungga ko ang martini na nasa harapan ko. "At sariwa pa sa puso ko ang kaalamang nalaglag ang batang dinadala ni Mir pagkatapos nyang umalis noon."

"It's not my fault! Pinabayaan nya ang sarili nya---"

"Ran tama na. Baekhyun let's go home." Hinila ako palayo ng manager ko. Hindi natapos ni Ran yong sasabihin nya. She's furious and mad when we left.

"Hindi mo na dapat inuungkat yon Baek." Anang si Manager Hoon ng makarating kami ng condo.

Hinigop ko ang Tea na binigay nga sakin. "She dont deserve to be happy."

"Pero tapos na ang nangyari noon. Wala na ang anak nyo ni Mir. Narinig mo naman ng sinabi ng investigator diba, nalaglag ang bata four months na pinagbubuntis nya ito."

Nasapo ko ang ulo ko. Damn! Hindi ko matanggap. Sinisisi ko pa din si Ran magpahanggang ngayon, kung hindi nya kinompronta si Mir noon hindi sana ito umalis. Sana magkasama pa kami.

"Kailangan mo ng mag move on Baek, matagal ng nangyari yon. Your a different person now. Kalimutan mo na ang nangyari noon."yon lang at iniwan na nya ako.

Napapikit akong humiga sa sofa.

Si Mir..

Yong magiging anak ko..

Hindi ko sila kayang kalimutan..

Ang poot at sakit ng nakaraan ko ay hindi maalis sa puso ko.

Makalimot?

Minsan lang akong nagmahal..

Langya lang at pahanggang ngayon.. patuloy akong nagmamahal.

Napabalikwas ako ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.. tsk.. ilang minuto palang ata akong nakakaidlip hindi pa nawala ang tama sa alak na ininom ko..

Nangunot ang noo ko ng hindi registered number ang tumatawag.

Tsk.. Saesaeng?

Hindi ko na pinagkaabalahang sagutin.

Mayat maya ay napamura ako ng marinig ko na naman ang pagtunog non..

Inis man ay sinagot ko na din iyon. "Hello?"

Somebody giggle on the other line.

Bata?

"Papa, quiet lang ha baka magalit si Mama, tulog na kasi sya, hindi nya alam na tumatawag ako ngayon."Bulong ng isang bubwit.

Napamaang ako sa narinig ko. Isang bata ang kausap ko.

"Sino to?"ako.

"Si Yoo po. Hindi na naman ako makatulog Papa. Nag usapa kami ni Mama kanina. Sabi nya namimiss ka na din nya---"

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon