Mr Byun 24

374 13 13
                                    

A/N

Ngayon lang ulit nakapag UD.

Busy men.

Mianhata. ;)

#Avin

+++++(((((((((((((((+++++++((((++((+

Mi Rae's PoV

Nalalapit na ang pag alis ko, hanggang sa ngayon ay hindi ko pa malaman kung panu ako mag papalam sa kanila, lalo na kay Baekhyun. Maayos ang relasyon namin, na mas lalong nagpapabigat ng dibdib ko. Ayoko syang saktan, pero ito lang ang paraan para hindi ko sya masira.

Magiging pabigat lang ako sa kanya, walang lunas tong sumpa na meron ako. Ano mang oras ay maari akong malapitan ni SeoJin, who knows kung ano ang kaya nyang gawin.

Alam kong nasa malapit lang sya kaya kailangang kung makaiwas ng mas maaga.

Nang makaramdam ako ng gutom ay naisipan kong tawagan si Dyo. Kahit sa huling pagkakataon ay gusto ko syang makabonding.

Agad ko syang tinawagan.

Pagkatapos ng tatlong ring ay narinig ko ang pagsagot nito. "Hello Mir?"

"Dyo, foodtrip tayo."

"Titignan ko Mir kas--"

"Please?"

Sorry Dyo, alam kong masakit ang makita ako pero, ito na siguro ang huling pagkakataon na magkasama tayo sana mapagbibigyan mo ako.

Hindi naman ako nabigo kasi pumayag naman ito.

Mabigat ang dibdib ay inumpisahan ko ng ayusin ang ingredients na lulutuin namin.

*later

"Ahalam mo ba yown? Sapol sha mukha eh, kita mo nga may bukol pfa." Anang kaharap habang tungga ang isang bote ng soju. Tinuro nya ang namumula nyang noo.

Pagkarating ni Dyo sa apartment ay napansin ko kaagad na wala sya sa mood. Humilata lang sya sa sofa habang ako nag umpisa ng magluto. He just surf the channel endlessly pero wala naman doon ang atensyon nila.

Nung inaya ko syang kumaen ay naupo lang ito sa hapag at humingi ng soju na ikinagulat ko.

Occassional drinker sya, at hindi nya ugaling uminom sa harap ko. Sa tingin ko may dinadala syang problema kaya hindi na ako kumibo.

And after a bottle of Soju, ito nga nag dadaldal na sya.

"So firstlove mo yong nakita mo?" Ako.

"Oo nga, ang kulet mo din Mir nu?"

"Akala ko ba ako ang firstlove mo?" Nangingiting sabi ko.

"Aishh.. hindi si Choi Leina ang firstlove ko. Ang amoshona na yon. Mahal ko yon. Pero ano ang sinalubong nya sakin nong nagkita kami kanina? Yong sapatos nyang may tae? Shhit!"

"Hindi ka nya nakilala?"

"Malay ko sa babaeng yon." Nakabusangot na sagot nito. Ang cute talaga nitong si Kyungsoo.

"Ganu mo sya kamahal?" Hindi ko mapigilang matuwa. Ngayon lang nangyari to, Dyo is bragging about his past. Never pa syang nagkwento about sa nakaraan nya ngayon palang.

"Mir mahal ko sya! Kahit na palagi akong binubugbog non, mahal na mahal ko sya."

Napasimangot ako kunwari. "Eh akala ko ba ako ang mahal mo?"

Namumungay ang matang napatingin sakin si Dyo. "Akala ko din. Hahaha.. shempre mahal kita Mir, kaibigan kaya kita. Pero first love ko sha! Hindi nya ba ako namiss?"

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon