Mi Rae's PoV
Natatarantang napatayo ako ng mabasa ang pangalan ng numero na tumatawag sa cellphone ko. Tinungo ko ang kusina at nagkunwaring may kukunin doon.
Nasa restaurant lahat ng staff ng show para kumaen, pagkatapos non ay nagkayayaan ng mag inoman. Hindi na ako sumalungat, last night na din nila. Bukas pack up na at kailangan nilang pumunta sa next location.
"Hey, baby. How are you?" Napatingin ako sa relo ko past ten na pero gising pa din ang bubwit na nasa kabilang linya.
"Mama, miss na kita."Anang mala anghel na boses nito.
"Miss na din kita. Bat gising ka pa? Wheres Tito Dae?"
"Nandito ako Mir."narinig ko ang boses ni Dae sa background.
"Pauwi na ako Mama. Gusto kong matulog sa tabi mo."
"What?!"
"Mir, pasensya kana ngayon lang kita na inform. Tong bubwit ang kulit e. Nagpupumulit na umuwi jan."Dae.
Napasapo ako ng noo."Pero Dae, walang magbabantay sa kanya dito. Busy ako. Wala si Ajumma ngayon."
"For the mean time ako na muna ang magbabantay sa kanya jan. Hihintayin nalang kita matapos."
Naku naman. Panu na?!
"Sige etext mo ako kung malapit na kayo."Tanging nasabi ko.
"See you soon Mama."Yoo.
Anak naman marami pang araw para gumana yang katigasan ng ulo mo bat ngayon pa. Na nandito si Baekhyun.
"Mir. May problema ba?"si Alice Kwon.
Inabot ko ang ilang beer sa mesa. "Wala kukunin ko lang to mukhang nagkakaubusan na sa labas."
"Ganun ba."anitong may pag sususpetsa ang boses.
"Ikaw, bat ka nandito?"
"Ehmmm.. may gusto lang akong klarohin."Anitong nagbago ang expression ng mukha. Seryoso na hindi ko.mawari.
"Tungkol saan?"
"Alam kong nakita mo kami ni Baekhyun na naghahalikan sa pinto ng kwarto nya nung isang gabi. Nagkunwari lang ako na hindi kita kilala. Narinig ko rin ang pinag uusapan nyo ni Baekhyun kanina,--"
"Your point is?"
Tumaas ang kilay nito sa pag interrupt ko. "Kung ano man ang meron sa inyo ni Baekhyun noon hindi na ulit yon mangyayari ngayon. Akin na sya."madiin na sabi nito.
Hindi naman ako nakaimik. Wala na akong karapatan kay Baekhyun at tama sya nakalipas lang ang meron kami.
"Naiintindihan ko. Iyo na sya."yon lang at iniwan ko na sya.
Nag iingay na ang buong mesa ng makabalik ako.
Halos lahat may tama na. Pati si PD Na ay kumakanta na. Yong driver lang ata yong hindi umiinom sa grupo.
"Mir! Cheers!"anang isa na inabotan ako ng isang bote ng soju. Inabot ko naman iyon at nakipagsabayan ng inom.
Kung noon mababa ang tolerance ko sa alak ngayon hindi na ako tinatablan non. Anghel sa buhay ko si Yoo. Sya ang dahilan kaya nawala ang sumpa sa katawan ko. Ang sabi ng mga doktor miracle daw ang nangayari sakin, simula ng manganak ako hindi na ako tinatablan ng alcohol kaya hindi na bumalik yong sumpa sakin. Kaya siguro tinantanan na ako ni SeoJin.
"Tagay pa!"anunsyo ni PD Na. Napailing nalang ako. Kukulit ng mga taong to pag nalasing.
Sinulyapan ko ang kinauupuan ni Baekhyun. Nakatungo na ito, lasing na din ata. Ang weird nya simula nong dumating sya hindi umiimik, tahimik lang. Minsan nahuhuli kong nakatitig sakin, si Alice lang ata ang nag t-tyaga sa kanya. Tulad ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/16950194-288-k300139.jpg)
BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...