MiRae's PoV
Isang malutong na halakhak ang narinig ko galing sa dalampasigan dahilan para mapalingon ako sa pinanggalingan non. Sinasabuyan ni Yoo ng tubig si Baekhyun na nakahiga sa buhanginan at sayang saya sa ginawa ng anak. Napangiti ako sa scenario ng mag ama, hindi ko akalain na makikita ko pa ang tagpong ito.
"Kahit san mo tignan talagang mag ama sila. Sa ngiti palang nakopya na ni Yoo yong labi ni Baekhyun. Nakuha lang ni Yoo ang mata mo Mir pero halos lahat sa ama na nya."
Napabaling ako kay Ajumma. Nag iihaw ako ng samgyupsal samantalang hinahanda naman nito ang mesa. "Pinaglihian ko din naman po si Baekhyun noon, tsaka yong ngiti nya po ang unang nagustohan ko sa kanya kahit noon pa man. Parang unfair po nu, simula ng isilang si Yoo ako na ang kasama nya pero nakatabi nya lang si Baekhyun parang nakuha na nya lahat na meron si Yoo."
"Ganun mo sya kamahal hija."
Gulat akong napatingin kay Ajumma.
"Sabi ng mga matatanda noon masusukat mo ang pagmamahal ng isang babae sa asawa sa pamamagitan ng mga anak nya."paliwanag ng matanda.
"Ibig po bang sabihin kung kamukha ng ama yong bata..."
"Mas matindi ang pagmamahal nya sa asawa nya.."
Nangiti ako sa sinabi nya. "Siguro nga po mahal na mahal ko siya noon."
"Noon lang ba hija?"may panunukso sa tinig nito, nagkibit balikat lang ako.
Mayat maya pa ay nakita ko ang pagkaway ni Yoo sa akin. "Mama, ligo na po tayo!"
"Sige na hija. Ako ng bahala dito."agaw ni Ajumma sa iniihaw ko. Tatanggi pa sana ako pero nakita kong papalapit si Baekhyun at Yoo.
Fitted t-shirt at short shorts lang ang suot ko panligo. Hindi ako sanay magbikini, nagpalit lang ng bikini brief si Yoo.
"Hindi ka magpapalit?" Pukaw ko kay Baekhyun na nakaupo lang sa tabi at pinapapak ang pakwan na nakahanda sa mesa.
"Hindi ko na kailangang ipakita ang macho kong katawan sayo, you can have it if you want."pagak na sabi nito na kinalaki ng mata ko.
Napasulyap ako kay ajumma na nangiti sa sinabi ni Baekhyun, uminit tuloy ang pisngi ko. Inirapan ko nalang sya at inakay si Yoo, hindi ko sya pinansin at baka kung ano na naman ang lumabas sa bunganga nya. Noon pa man ay may pagkataklesa na yang si Baekhyun kaya hindi na dapat ako magulat.
Habang nagkukulitan si Yoo at Baekhyun sa tubig ay nakaupo lang ako sa buhanginan at pinagmamasdan sila. Kung sana kaya kong pahintuin ang oras gagawin ko ang lahat para hindi na lumipas ang mga panahong masaya ang mag ama ko.
Simula ng mawala ako sa Seoul ay hindi ko na nakita si Seojin, naging maayos ang buhay namin ni Yoo. Wala na ang pag aalala ko na babalik sya ngunit sa puso ko nandun ang pananabik sa mga taong iniwan ko at sa pamilyang tinalikuran ko. Hinarap ko lahat ang hirap para sa amin ni Yoo, isinakripisyo ko lahat ng meron ako para sa katahimikang tinatamasa ko but in the end ganito pa rin ang kahahantungan. Hindi ko matatakasan ang katotohanan at kailangan kong tanggapin ang nakatakda. I need to face my family and I have to leave Yoo to Baekhyun. Masakit pero tulad ng dati kailangan ko na namang iwan ang mga taong mahal ko.
"Baby, doon ka muna kay Ajumma, giniginaw ka na."naulingan kong sabi ni Baekhyun kay Yoo. Hindi ko napansin na nakaahon na pala sila.
Hinalikan ako sa pisngi ni Yoo ng dumaan sya, I whisper I love you to his ear.
Tumabi naman sakin si Baekhyun, namumula na ang balat nito. "Mukhang magkakasunburn ka."sabi ko sa kanya.
"Mahapdi na nga ang balat ko. Lagot ako kay PD Na nito bukas."anitong parang hindi naman mapaghahalataan ang pag aalala sa mangyayari bukas.

BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...