Mr. Byun 2

868 29 3
                                        

Mi Rae's PoV

It's monday morning patungo ako sa Incheon Airport, pupunta kaming buong staff sa Hongkong para sa Annual DKFC. Nauna ang buong EXO kagabi.

Papasok palang Airport nakita ko kaagad ang mga nag uumpukang kasama ko.

Kumaway si Manager Ran, ang babaeng Noona ng EXO.

"Mir, magcheck in kana."

Nag bow ako at tinungo ang counter.

Pero nagulat ako ng makasalubong ko si Baekhyun.

Hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin. Binalewala ko nalang. Hindi naman kami magkaibigan noon at ngayon para maging affected sa presensy nya.

Eroplano

Pagkatapos kong masettle ang mga bagahe ko ay naghanap na ako ng mauupuan. Since wala naman akong kaclose sa mga staff hindi ako maarte sa katabi. Wala akong kaclose coz I choose to. Simula ng mangyari ang bangungot sa buhay ko naging aloof na din akong makipagkaibigan.

"Mir!"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Manager Ran pala.

"Lika dito ka nalang." anitong tinungo ang upuan sa row nya.

Tumango naman ako, pero laking gulat ko ng mapagsino ko ang katabi nya.

Si Baekhyun.

Bali ang bakanteng upuan nalang ay yong malapit sa bintana kung doon ako uupo siguradong katabi ko si Baekhyun since nasa edge nakaupo si Manager Ran.

Gusto kung umatras, pero ayoko ding mapag isipan ng masama ng mga kasama ko.

"Mir, doon ka nalang sa may bintana alam kong kabado kang sumakay ng eroplano." anang si Manager Ran.

"Salamat." sabay bow na sabi ko sa kanya.

Malapit ng magtake off ang eroplano at itong si Manager Ran daldal ng daldak, kwento ng kwento ako tango lang ng tango at si Baekhyun na nasa pagitan namin deadma lang. Hindi ko alam kong tulog sya o ano kasi naka shades sya at may pasak na headfone sa tenga  at may nakabalot ng blanket sa katawan.

Naramdaman ko ang unti unting pag angat ng eroplano, kinabahan ako, kahit ilang beses na akong nakakasakay ng eroplano hindi pa din maalis alis ang phobia ko.

Sinubukan kong magconcentrate sa kinukwento ni Manager Ran pero ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.

I hate this.

Napakapit ako sa strap ng seatbelt ko.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang pag uyog ng eroplano.

And I felt my hand being lifted and held by a warm hand.

It somehow calm me down.

It makes me feel safe.

Pagmulat ko napatingin ako sa kaliwang kamay ko.

Natatakpan ito ng blanket ni Baekhyun.

My heart skip a beat when I realize his holding my hand.

"Mir, okay ka na ba?" napapitlag ako sa tanong ni Manager Ran.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hinigpitan lang lalo ni Baekhyun ang pagkahawak nya dito.

'ano bang problema nya? baka makita kami ni Manager.'

Nginitian ko si Manager. Hindi nya naman ata halata na magkahawak kami ng kamay ng alaga nya.

"Mabuti naman. Alam mo ang tahimik mo. Sayang ang ganda mo pa naman kung hindi ka lang siguro ilag sa mga kasama natin madami ng nanligaw sayo." sabi nya.

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon