Mr Byun 2.13

288 14 12
                                    

MiRae's PoV

Hindi ako makatingin ng deretso kay Baekhyun pagkatapos ng halos making out namin sa batohan kanina, nagpaubaya ako sa kanya its a fact. Tama sya hindi kayang tanggihan ng katawan ko ang isang Byun Baekhyun, puso ko mismo ang nagtatraidor sa sarili kong katawan. Pero hindi na nya kailangang malaman yon. Not now nor never. Mahihirapan lang syang mag let go.

"Mama, ansarap ng luto ni Papa. Gusto kong kumaen ng madami!"hyper na sabi ni Yoo. Katabi ko lang sya at nilalantakan ang imbutido na niluto ni Baekhyun. Yong huli ay nakaharap pa din sa kawali at inuubos na iprito ang imbutido na binili nya sa palengke.

Ayokong kontrahin ang ilusyon ni Yoo. Tuwang tuwa naman yong isa sa papuri galing sa anak.

"Kaen ka lang ng madami baby, pagkatapos nyan kailangan mo pang gawin yong mga assignment mo."paalala ko sa kanya.

"Tapos ko na yon Mama."

"Tinulungan ko sya kanina nung nasa palengke ka."

Sinamahan ko si Sansan kanina sa palengke para bumili ng mga lulutuin mamaya. May nagpacater para sa isang handaan. Iniwan ko muna si Yoo kay Baekhyun, chance na din yon ng isa para makasarilinan ang anak.

"Papa manuod nalang tayo ng TV mamaya."anang bubwit.

"Anong gusto mong panuorin?"

"Yong palabas nyo po kasama si Tito Chayeol."

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Yoo.. "Kilala nya si Chanyeol?"baling ko kay Baekhyun.

Tumango ito. "Pinakilala ko sya. Kausap ko si Chanyeol sa Skype kanina."

"Hindi ka natatakot na malaman nila?"

Pinatay nya ang apoy bago seryosong humarap sakin. " San ako matatakot? Wala akong pakialam kung malaman ng mundo ang tungkol sa inyo."

"Pero ang engagement mo sa mga projects mo.."

"Mas mahalaga kayo, period."dagdag nito.

Nagsukatan kami ng tingin.

Hindi ako nakaimik, may namuong tensyon sa pagitan namin. Parang nakita ko lang kay Baekhyun ang older version ni Yoo. Hard headed, kung ano ang gusto nya ay yon ang masusunod. Walang pakialam sa sasabihin ng iba basta alam nya yon ang tama.

"Nag aaway po ba kayo?"

Agad ako bumawi ng pakikipagtitigan kay Baekhyun at hinarap si Yoo. "Hindi baby, ganyan lang kami mag usap."

"Uu nga baby, sobrang hot din kasi ni Mama."nakangising sabat ni Baekhyun.

Pinanlakihan ko sya ng mata kung anu ano ang pinagsasabi e.

Narinig ko ang pagvibrate ng cellphone ko na nakapatong sa mesa, inabot ko yon para sagutin at iniwan ang dalawang nagkukulitan. Dumeretso ako sa balkonahe.

"Hello?"

"Kwang Mi Rae?"

Natigilan ako ng marinig ang boses ng babae. Hindi ko kilala pero may panganib na hatid ang boses na yon.

"Sino to?"alangang tanong ko.

"Ang babaeng inagawan mo ng asawa. Malandi!"

That's fierce. So far wala pa naman akong naisip na inagawan ng asawa, kung hindi nya binanggit ang pangalan ko ay pwedi kong sabihin na wrong number sya. Pero hindi pamilyar ang tono ng pananalita nya.

"Wag mong sabihin na hindi mo kilala ang boses ko?"untag ng babae sa kabilang linya."Alice Kwon ang legal na asawa ni Byun Baekhyun. Nasan sya ngayon? How dare you! Inagaw mo sya sakin!"

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon