Mr Byun 25

418 15 12
                                        

A/N

Ansabi ko sa sarili ko two chaps nalang taz mag eend na ang Mr. Byun, pero nung binasa ko uli parang ayokong taposin. Masyado ko atang mahal si Kkaepsong sa story na to.

Ikaw ba bat sa tingin mo dapat may Sequel ang story na Raping Mr Byun?

Kung may sagot ka na just post your comment Below..

or pm me..

Twitter : @WuiAvin then hashtag #WuiAvinWattpad

FB : WuiAvin Casimero #WuiAvinMrByun

QQ : WuiAvin

Line: WuiAvin

WeChat: WuiAvin

Kakaotalk: AvinCasimero

Insta: @WuiAvin

Ano pa ba? Lahat nalang ata may accnt ako. Malay nyo naman baka maligaw ang isang I Love you ni baekhyun para kay Taeyeon at sa SNS ko mapunta.. haha.. pagpumuti na ang uwak. :)

Try nyo sa EXO L andun din ako. :)

KeepReading and Comment..

#WuiAvinWattpad

-----------------------------------------------

Baekhyun's PoV

Akala ko ayos na ang lahat.

Ako at si Mir na nagmamahalan.

Si Mir na Mahal ako.

At ako na habang buhay na magmamahal sa isang Kwang Mi Rae.

Pero bumagsak ang mundo ko ng isang gabing may naabutan ako sa apartment nya.

"Anong ibig sabihin nito?!" Madiin at galit na tanong ko sa dalawang taong nagkukumahog na tumayo ng makita ako.

Nakayukong nakasalikop ang mga kamay ni Mir, si Dyo nakatingin lang sakin na walang expression ang mukha.

"You cheated!" Sigaw ko.

Nakita ko ang basang pisngi ni Mir ng magtaas ito ng tingin. May umaagos ding luha mula sa mga mata nya. "Sorry." Anitong yumuko ulit.

Napamura ako. That's not what I wanted to hear from her. I wan't her to deny it, sabihin sakin na hindi totoo. Kasi kung kamartyr,an man ang paniwalaan sya pagkatapos ng nakita ko ay wala na akong pakialam. But she said she's Sorry. Tangna! Ibig sabihin totoo.

Nangalit amg bagang ko, lumamlam ang mata ko. "May relasyon ba kayo?"

"Oo." Walang atubiling sagot ni Dyo, hindi na ako nakapagpigil, sinugod ko sya ng suntok.

Napahiyaw si Mir at agad na nilapitan si Dyo. "Baekhyun ano ba! Hindi mo kailangang saktan si Kyungsoo!"

Para iyong karayom na tumusok sa puso ko. Ang makita syang umiiyak ng dahil sa ibang lalaki. Wala pa din akong narinig mula kay Dyo. Nasa sahig lang ito at nakayuko. Lasing ang ogag.

"Damn Mir! Mahal na mahal kita." Nasapo ko ang ulo ko. "Akala ko ba mahal mo din ako? Ano to?!"

"Sorry Baekhyun."

"Tangnang Sorry yan!" Sa galit ko ay nasipa ko ang lamesita, nabasag ang mga bote ng alak na nakapatong doon.

"Tama na!" May takot sa mga mata ni Mir sa nakita nyang ginawa ko.

Nilapitan ko sya, pumiksi lang ito. "Mir, bawiin mo please." May pagsusumamo na sa boses ko. "Mahal mo ako diba? Sabihin mo joke lang ang sa inyo ni Dyo."

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon