MiRae's PoV
Agad kong nilapitan si Yoo. "Baby Ireona."niyugyog ko ang balikat nya pero wala akong nakuhang reaction. "Yoo, gising na. Andito na si Mama."my voice crack,naramdaman ko ang paglapit ni Baekhyun sakin.
Inabot nito ang pulso ni Yoo."Mir, anong nangyayari sa kanya? May pulso sya bat hindi sya nagigising?"
Nasapo ko ang ulo ko. Nakahinga ako ng maluwag ng malamang humihinga pa ang anak ko. His alive. "Hindi ko alam."tanging nasagot ko sa tanong ni Baekhyun.
"Sandali tatawag ako ng ambulansya."bigla itong nawala sa paningin ko.
"Yoo.. baby, anong problema?"hinawakan ko ang kamay nya. Mainit iyon, tulad ng mga kamay ng ama nya. "Gumising kana anak. Please.."punong puno ng pag aalala ang puso ko. Habang hinihintay si Baekhyun, I keep praying. Begging. Sa Kanya, to spare Yoo. Ako nalang.
Ilang minuto ang lumipas at nasa tabi nya lang ako. I held his hand so tight, i'm afraid of losing him. Masyado pa syang bata, gusto kong maranasan nya ang magagandang bagay sa mundo. He needs to live.
Bumukas ang pinto ng kwarto, niluwa non si Baekhyun kasunod nito ang medical teams.
"Baekhyun hindi pa din sya nagigising."nakahikbing sumbong ko sa kanya.
Nilapitan nya ako at niyakap. "Sshh.. magiging maayos ang lahat Mir. Be strong."at patuloy na umagos ang luha ko.
Ng makarating sa hospital naghihintay na si Dyo at Chanyeol, agad akong sinalubong ng yakap ni Dyo. Mayat maya ay nag excuse ang mga ito at may pag uusapan daw. Minabuti kong tawagan si Dae.
"Dae."
"Mir, goodmorning. Kamusta?bat ngayon ka lang tumawag? Nag aalala ako sa inyo."
"Dae, si Yoo. Hindi sya nagising. Nasa hospital kami ngayon."
"What? Mir saang hospital? Dumating ang result ng test ni Yoo. You have to see it."
Agad na binanggit ko ang pangalan ng hospital kay Dae. " I'll be there. Hintayin mo ako."
"Salamat Dae. Mag iingat ka."
"Just calm down Mir. I'll be there as soon as possible."
"Excuse me. Ma'am kailangan nyong pumunta sa nurse station para mag fill up ng form."anang nurse na lumapit sakin. Tumango ako at nagpasalamat bago tinungo ang nurse station.
"Misis pakifill upan po lahat ng to."
"Totoo nga andito nga ang tatlong miyembro ng EXO ngayon sa hospital may hinatid na batang pasyente."hindi ko naiwasang lingonin ang dalawang babaeng nag uusap. Nakaupo sila sa likurang bench. Mukhang mga estudyante.
"Naku, kaanu ano nila ang pasyente, girl?"
"Hindi ko pa alam. "Pero mukhang malapit sa isa sa kanila."
"Baka kamag anak??"
"I doubt. Baka anak?".
"Nino?!"
"Chanyeol? Parehas na taken na si Baekhyun at D.O diba?"
"Hay.. sayang naman kung may anak na si Chanyeol. Hindi ko na sya mapagpapantasyahan."
"Pwedi pa girl. Mukhang batang ama."
"Miss tapos kana?"nabalik ang atensyon ko sa sinusulat ko.
"Sandali."sagot ko sa nurse.
"Mir, kakausapin ka ng doctor."nalingunan ko si Baekhyun. Narinig ko ang malabubuyog na bulong ng dalawang babae sa likuran ko.
Agad akong inakay ni Baekhyun pabalik sa ER.
BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...