MiRae's PoV
Kinurap kurap ko ang mata ko, ginala ang paningin ko sa loob ng kwartong kinaroroonan. Pagkatapos naming mag usap ng masinsinan kagabi ay hinatid nya ko sa kwarto nya, dito daw muna ako matulog, sinamahan nyang matulog si Yoo sa guestroom.
Wala na kaming nadatnan sa sala paglabas namin, kahit si Dyo ay wala na din. Hinatid daw ng EXO si Alice. Bago pa ako nakaidlip kagabi ay nagmessage pa si Dyo sa LINE, nangako ako sa kanya na makipagkwentohan pag nagkaroon ng oras. Namiss ko na din naman sya, madami na akong hindi alam sa kanya.
Napahikab ako ng makababa ako ng kama. A smile form on my lips upon seeing a framed picture on Baekhyun's wall. May kalakihan iyon kaya agaw pansin iyon sa buong kwarto.
Makulay ang background ng litrato, neon lights, gabi iyon nakunan. Isang babae ang nakaupo sa bench sa labas ng isang pub, gulat itong nakalingon sa lalaking nakayakap mula sa likuran nya. Their face are inches away from each other.
Nilapitan kong mabuti ang litrato. Nanindig ang balahibo ko sa nakikita ko. Isa akong photographer, kaya alam ko ang kahulugan ng bawat litratong nakukunan ko. Ganun kami ka obvious ni Baekhyun sa litrato. Kahit hindi mo tititigang mabuti ang litrato ay mararamdaman mo ng emosyon ng dalawang subject doon. Ganun namin kamahal ang isat isa? Parang sinisigaw ng mga titig namin kung gano namin kamahal ang isat isa. I missed the old days.
Nangunot ang noo ko. Sino ang kumuha ng litrato? Creepy.. Baka Saesaeng..
Alangan akong lumabas ng kwarto, kasalanan ni Alice to, nagkaphobia ata ako sa nangyari kagabi. Sumalubong sakin ang halimuyak ng ginigisang sibuyas, may nagluluto.
Napatingin ako sa gawi ng kusina, halfnaked na nakaharap sa gastove ang di mapagkakailang si Baekhyun. He's humming a song na hindi pamilyar sa pandinig ko. Likod lang nito ang nakikita. Nakawhite cap itong nakaharap sa stove. Naka yellow apron ito na ikinangiti ko, Hot chef..
Maingat akong lumapit sa gawi nya, natawa ako ng makita ang pagkembot ng bewang nya. Silly thoughts come in my mind. I tip toe to get near him. Ng malapit na ako ay inabot ko ang bewang nya at pinisil iyon. Balak ko syang gulatin.
"Bulaga!"im expecting animated reaction from him. A scream so gay that could burst me laughing.
Pero natigil lang ito sa ginagawa at hindi manlang ako nilingon. Maya maya ay yumugyog ang balikat nito at lumalim ang paghinga. Kinabahan ako.
"Baekhyun?"
Humarap itong sapo ang dibdib nya. "Mir, bat ka nanggugulat?"
"Bakit? May masakit ba sayo?"
Tinuro nito ang dibdib nito. "Masakit, hindi ako makahinga."
Kinabahan ako sa sinabi nya. "Bakit may sakit ka ba sa puso? Sorry."
"Masakit Mir."anito na binagsak ang katawan sakin. Agad ko naman syang sinalo.
Nagpanic ang utak ko, "Baekhyun, kaya mo pa ba? Tatawag ako ng 119, Sorry hindi ko alam. "
"Urrghh.. Mir, ansakit."anitong hinigpitan ang pagyakap sakin. Naramdaman ko ang hininga nya sa leeg ko.
"Humingi tayo ng tulong sandali--."natigil ako sa sasabihin ko ng maramdaman ang labi nya sa leeg ko, hinahalikhalikan iyon. "Baekhyun."
"Ansarap pala sa pakiramdam na makitang nag aalala ka sakin Mir."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. "Nakakainis ka!" Tinulak ko sya palayo sakin, humagalpak naman ito ng tawa.
"Got you babe. Kala mo hindi ko alam yong gagawin mo."
Inirapan ko sya at sinimangutan. "Ansama mo, pinag alala mo ako.!"

BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomantizmSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...