Mi Rae's PoV
"Sabihin mo nga sakin may something na ba sainyo ng alaga ko?" napamata ako kay Ran.
Nasa praktis room kami. Kumuha ako ng litrato ng EXO habang nag p-praktis sila. Nakaharap na ako sa laptop ko ng tumabi tong sakin si Ran. Nag w-water break naman ang grupo.
"Para kang si Chanyeol magtanong." sagot ko sa kanya.
Nakita ko ang pagsimangot nito. "Iniiba mo ang usapan eh."
"San mo naman napulot ang tanong mo na yan?"
"Sa mga malalagkit na titig sayo ni Baekhyun." nanunuksong sagot nito.
Napabaling ako sa kinauupuan ni Baekhyun. Nakatingin nga sya sakin. Kumindat pa ito ng masalubong ang tingin ko. Automatic na nag blush ako at nag iwas ng tingin.
Kasunod non ang matunog na pag 'Ayiii' ng mga tao sa loob ng praktis room.
Gusto kong magtakip ng mukha, nahihiya ako. Alam na ba nilang lahat?
"Ayii.. dalaga na sya" anang si Ran na tinusok tusok pa ang tagiliran ko.
"Pablow out ka naman Baek." Chen.
"Inoman na." sigaw pa ng isa na hindi ko matukoy kung sino.
"Binata na si Baek." siguradong boses yon ni Chanyeol. Napatingin ako kay Ran.
"Parehas talaga kayong mag isip ni Chanyeol." sabi ko sa kanya.
"Tsk.. nahigop nya siguro ibang parte ng utak ko." anitong kinatawa ko. "Pero wag mong ibahin ang usapan." pumalakpak ito dahilan para mapabaling samin ang grupo. "Guys blow out daw mamaya sagot ni Baekhyun."
Humiyaw sa tuwa ang mga lokoloko, napailing naman ako.
Napalingon ako ng biglang bumukas ng pinto. Iniluwa non si Dyo.
"Nung meron?" nagtatakang tanong nito.
"Blow out mamaya ni Baekhyun." anang si Kai na inakbayan si Dyo.
Napatingin ito sakin. May lungkot sa mga mata nito. Parang pinipiga naman ang puso ko para kay Dyo. Best friend ko sya pero bat hindi ko man lang naramdaman na nagkakagusto na pala sya sakin? Ganun na ba ako ka manhid.
Naguilty tuloy ako. Nasasaktan ko Superman ko.
"Hoy, nakikinig ka ba?" natauhan ako sa pagpitik ni Ran sa harap ko.
"Ano yon?" tanong ko.
"Sabi ko hihintayin kita sa JjangSa mamaya."
Tumango nalang ako.
*later
JjangSa Pub
8:30pm
Nakaupo ako sa bench sa lobby ng Pub. Hindi ako makapagdesisyon kung papasok ba ako o uuwi nalang. Kanina pa ako tinatawagan ni Ran, kinukulit na rin akong sunduin ni Baekhyun.
Napabuntonghininga ako. Celebration to namin ni Baekhyun, pero bat ganun pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.
Ilang minuto din akong nagmunimuni bago tinext si Baekhyun na sunduin ako sa labas ng Pub.
Ilang segundo lang ata nung nasend ko ang text ay naramdaman ko ang pagyakap mula sa likod.
His scent.
Napangiti ako.
"Akala ko uugatin ka na dito sa labas." anitong, hinalikan ako sa pisngi bago tumabi sakin.
"Alam mong nandito lang ako sa labas?"
Tumango ito. "Talas ng sense of smell ko pagdating sayo no?"

BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...