Somebody's PoV
"Siya ba ang Papa ko? Hindi ko masyadong kamukha. Mas matangos ang ilong ko. Pareho daw square yong smile namin sabi ni Jinju yong kalaro kong walang ngipin, hmmp.. sige na nga total mukhang sya naman talaga ang Papa ko. Antagal naman ng birthday ko, excited pa naman ako na sabihin ni Mama na sya nga talaga.. excited na din ako sa birthday cake ko, gusto ko Naruto naman yong theme ng buong party, nakakasawa na kasi yong batman. Sana may magregalo na din ng cellphone para mapanuod ko palagi yong mga videos ni Papa. Pero payagan kaya ako ni Mama? May si-six palang ako eh."
"Hoi Yoo Bae nakatulala ka na naman jan sa poster, nakakaen ba yan?"
"Hindi. Pero yong Papa ko kasi nakita ko na naman."
"Hayaan mo na yang Papa mo,hindi yan aalis jan sa pader. Hindi naman ata uulan maghapon kaya siguradong hindi matatanggal ang pagkakadikit nya jan. Halika na maglaro tayo sa dalampasigan."
"Sige Pa. Maglalaro muna ako. Wag kang magpapaulan ha? Babalikan uli kita para may kausap ka."
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Mi Rae's PoV
"Naku ma'am Mir ako na po ang bahala jan sa mga kalat, ililigpit ko yan pagkatapos kong mapunasan ang mga mesa sa labas."
"Ako na, Sansan. Taposin mo na yong ginagawa mo sa gawa. Bakanteng oras ko na naman."sawata ko sa waitress ng restaurant na pag aari ko.
"Wala po ba kayong photo shoot ngayon Ma'am?"anito ng makabalik galing sa labas bitbit ang mga niligpit na pinagkainan ng mga guest.
Pinunasan ko ang kamay ko pagkatapos malagay sa lalagyan ang huling pinggan na hinugasan. "Na cancel. Mukhang sumama ang pakiramdam ng bride."
"So magtatagal pa yong shooting ng TV show na yon dito?"
"Ganun na nga."
Nagsibalikan na ang ibang crew ng restaurant kaya lumabas na ako ng kitchen. Mag aapat na taon na din tong negosyo ko, naipundar ko gamit ang naipon ko sa pagtatrabaho sa SMent.
Pagkatapos kong makaalis ng Seoul noon ay dito ako napadpad sa Manjae island. Namuhay ako ng magisa, at dahil sa kabutihan ng mga tao dito ay hindi naging mahirap para sa akin ang mabuhay sa lugar na ito.
Five years ago sumikat ang buOng isla ng may isang reality show na nagshooting dito. Dumagsa ang mga turista.pagkatapos non. NagkaIdea ako na magpatayo ng Restaurant para ma cater ang mga bumibisita sa Isla. Im thankful na naging successful naman.
Minabuti kong magpahinga muna at ayusin ang mga gamit ko sa photoshoot. Bitbit ang dalawang bag ay tinungo ko ang secondfloor ng building. Sa pangalawang palapag ang building ay okupado namin, dito kami nakatira ni...
"Mama!!"
"YooBae!"sinalubong ko ng yakap ang chikiting na nagtatakbong palapit sakin.
"I miss you Ma."anitong matapos akong yakapin ay humalik ng malutong sa pisngi ko.
"I miss you more baby. Kamusta ka dito? Hindi ba nagpasaway kay Ajumma?"
Nakita ko ang pag iwas nya ng tingin at pagkagat ng labi nya sabay tungo. "Hindi naman po.... masyado.."
Ginulo ko ang buhok nya at tumayo. "Halika sa loob at malalaman natin kay Ajumma kung totoo yang sinasabi mo."
"Mama, sandali."hinila nito ang damit ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Bakit?"
Yumuko na naman ito. Kilalang kilala ko tong bubwit na to pag may nagawang kasalanan siguradong hindi makatingin ng deretso. Hindi ko naiwasang mapangiti, she's every innocent.The angel that I've been taking care of.

BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...