Mr Byun 2.8

303 16 16
                                    

Mi Rae's PoV

"Mir, salamat sa pagtanggap mo sa trabahong ito. Isang karangalan ng makatrabaho ka."masayang bati ni PD Na.

Nasa shooting ako ng We Got Married ngayon. Before lunch time tinawagan ako ni PD Na, may emergency daw na pinuntahan ang photographer nya at nakiusap kung pwedi ba akong substitute muna.

Gusto kong tumanggi, pero ilang beses itong umapela kaya sa huli pinagbigyan ko na.

"Gagawin ko po ang lahat para makatulong."sabi ko sa kanya.

"Good. Steady ka lang muna dito sa upuan mo. Maya maya lalabas na yong dalawang talent. Kanina pa kasi kami nag s-shooting humingi muna sila ng ilang minutong break."

Napatingin ako sa tent na tinuro ni PD Na, ang dahilan kaya inaayawan ko ang trabahong ito, ang makita si Baekhyun. Pagkatapos na muntikan kaming mahuli ni PD Na kagabi ay agad kong nilisan ang kwarto ni Baekhyun. Hindi ko na ata kaya pang marinig lahat ng sasabihin nya.

"Mir, ready na ata sila."anang si PD Na na nilapitan ako. " Yong gagawin mo lang ay kukunan sila ng litrato while they were on their wedding suite and gown. Kami naman ay mag s-shoot lang ng gagawin mo."

"E seset up ko na po lahat ng kailangan ko."ako.

"okay, pina evacuate ko na din ang staff sa place na gusto mong pag set up,an. Tell me when your done, at ipakilala kita sa dalawa."

Napatango ako sa sinabi nya.

Huminga ako ng malalim, I just have to be professional. Magagawa ko yon, I can endure another hours seeing him.

"Mir, heto na ang star para sa show na to."nilingon ko si PD Na. Kasunod nito ang isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay yong kahalikan ni Baekhyun kagabi.

Agad na ngumiti ang babae sa akin, "Ikaw pala ang bukambibig nitong si PD Na. I heard your really good? Ako nga pala si Alice Kwon."Inabot nito ang kamay nya.

Nginitian ko naman ito. At nakipag shake hands. "Ako naman si Kwang Mi Rae. Masaya ako at makakatrabaho kita."

"Ako din, nga pala si-----"

"Mi Rae?!"bulalas ni Baekhyun. "Damn! Namiss kita, kamusta kana?"

Nagulat ako sa sunod na ikinilos nya, he hugged me. And I was stunned.

Mahigpit.

Ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan nya.

And it was freaking long..

Long hug from Byun Baekhyun.

"Matagal din kitang hindi na kita a. " anito ng humiwalay sa pagakakyakap sa akin. "Anong balita sayo?"

Umaarte lang sya. Ni ngi hindi umabot sa mata nya ang mga ngiti nya. Anong plano mo Baekhyun?

Tumikhim ako nung makabawi. "Halatang namiss mo ako ah, ayos naman, andami ng nangyari sakin, tulad ng nangyari sa EXO."sarkastikong sagot ko.

"Kita nga, mukhang hiyang ka sa buhay probinsya a. Pinagpalit mo lahat ng meron ka noon para lang manirahan sa lugar na to." Baekhyun.

"Worth it naman. Sayo na nga nanggaling nahiyang ako. Mas malinis kasi ang hangin dito." Damn! Bat ko ba ginagawa to?

"Naku Baek, blooming nga ngayon si Mir. Andami mo sigurong manliligaw Mir, isa na siguro dun yong kasama mong nung isang araw. Mukhang kasundo din sila ng anak mo."anang si PD Na.

Natigilan ako nung nabanggit nya ang salitang anak. Napatingin ako kay Baekhyun, nangunot ang noo nitong nakatitig din sakin. Hindi ko alam kung panu sasagot sa sinabi ni PD Na.

EXO: Loving Mr. ByunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon