Baekhyun's PoV
Mag gagabi na ng lumabas ako ng hotel room ko. Tssk.. gusto kong manapak ng tao. Yong siraulong si Alice Kwon nasa kwarto ko na naman. Nag Bonfire kami ng mga crew kanina, ng mejo tinamaan na ako ng alak ay nauna na akong magpaalam para magpahinga. Nampucha lang, yong hubad na babae na yon ang nadatnan ko sa kama ko.
"Baek, san ka?"anang kasalubong kong crew.
"Magpapahangin."
Deretso lang akong lumabas. Coat lang ang dinala ko at pera.
Nakadalawang kanto na ata ako ng paglalakad wala pa din akong makitang convenient store. Gusto kong mapamura, nasa isang isla nga pala ako, ano pa ba ang maasahan ko sa lugar na to?
Mayat maya pa ay may naaninag akong restaurant. Kailangan ko ng alak, kailangan ko ng pampatulog para makalimutan ko si Mir at yong batang Yoo na yon na gumugulo sa utak ko.
"Isang Soju pa ate."tawag ko sa waitres.
May lumapit naman kaagad sa akin. "Sandali lang po Sir, bumili pa sa labas."
Damn! Nakalimutan ko, bawal daw ang alak sa restaurant na to pero dahil daw sikat ako pinagbigyan daw ako ng manager nila. Bumili pa sila ng alak sa labas.
"Tito, ayoko pang umuwi."
Nilingon ko ang pamilyar na boses ng bata. Di kalayuan ko sa inuukopa kong mesa ay nakita ko ito kasama ang isang lalaki.
Nakainom ako pero klaro pa sa memorya ko na sya yong batang kausap ko sa dalampasigan kaninang umaga.
"Bukas na ulit kayo maglaro Jinju, you need to sleep."anang lalaki hatak si Jinju palabas ng restau.
"Ayoko pong iwan si Yoo!"apila nung bubwit.
Napakamot ng ulo yong lalaki at sinundan ng tingin ang batang nagtatakbong umakyat ng hagdan.
"Dito na muna si Jinju, mamaya mo na sunduin."anang pamilyar na boses na naghatid ng kaba sa dibdib ko.
Tulad sa isang pelikula nag slow mo ang pagkilos ng babae simula sa pagngiti, pagbaba ng hagdan at pagkurap ng mata nya.
Black straight hair, fair skin, brown eyes and stunning smile.
She's Kwang Mi Rae.
Nabitin sa ere ang baso ng alak na iniinom ko.
Nanigas ang katawan ko, dumagundong ang pintig ng puso ko, nawala ata ang kalasingan ko sa nasilayan ko.
"Kukunin ko lang ang sasakyan ko sa talyer ni Mang Mao at babalikan ko sya dito."anang lalaking kaharap ni Mir na hindi magkamayaw sa pagngiti sa babae.
"Ako na ang bahala kay Jinju."anang huli.
Dinaga ang puso ko at the same time na puno iyon ng pnibugho at galit.
"Sir, ito na po ang inumin nyo."interupt ng waitress sakin.
Hindi ko sya pinansin, sa dalawang tao pa din ang atensyon ko, maya't maya pa ay tumalikod na ang lalaki at lumabas, umakyat naman sa taas ang babae.
Napakurap ako at agad na binuksan ang Soju na sinerve. Tinungga ko iyon.
Lito at gimbal ako sa nakita ko.
Damn! I saw her!
Ilang taon ang lumipas, ilang araw ang dumaan, ngayon nakita ko na sya.
Anong gagawin mo ngayon Baekhyun? Do you have guts to face her? O talagang duwag ka like what the rest of the EXO said.
Gusto ko syang kamustahin, tanungin kung anong nangyari sa kanya, kung bat nya ako iniwan. Kung naging masaya ba sya ginawa nya o may pagsisi sya sa pag iwan nya sakin.
Anadaming tanong na tumatakbo sa utak ko, pero hindi ko alam kung panu ko sisimulan sa kanya. At the end nanguna pa din ang galit ko sa kanya, at hindi ko pa din sya napapatawad sa ginawa nya.
Binalingan ko ang waitress. "Ate, halika dito."tawag ko sa babae na kanina pa ako tinitignan.
"May kailangan po kayo Sir?"kinililig na tanong nito.
"Sino yong babae kanina?"
"Ah.. si Ma'am Mi Rae po. Sya ang may ari ng restaurant."
Bingo. I have a plan.
"Hanggang anong oras bukas ang restaurant nyo? "
"Ten pm po Sir."
"Good. You do deliveries?"
Tumango ito.
Agad akong tumayo at nag iwan ng pera sa mesa. Narinig ko ang pagtawag ng staff pero derederetso na akong lumabas.
I'm ready to face Mir, but in my own way.
"Baekhyun naman, inaantok na ako, bukas nalang."pupungas pungas na sabi ni Manager Hoon. Ginising ko sya para humingi ng isang pabor.
"Sige na Manager. Nagugutom na ako."sabi ko sabay arte na nagugutom.
"Mag ramyeon ka muna."inis na sabi nito.
"Ayoko nga. Tawagan mo na ang restaurant ngayon Ppali!"ako.
"Ikaw nalang!"
"Ikaw nga ang inuutusan eh!"
"Ssibal!"
"Nou Ssibal!"
Ayon nag murahan na kami. Hanggang nag iwas nalang ito ng tingin. "Asan ang cellphone?"
Napangiti ako. Ganyan kami ni Manager, nagmumurahan pero sa huli alam kong hindi nya din ako matitiis.
"Anong sasabihin ko?" Nag dadial na tanong nito.
"Sabihin mo na oorder ako ng Galbi at Kimchi. Good for two kamu, tapos e deliver ngayon din."sabi ko.
Yon din ang sinabi nya sa telepono.
"Wala na daw staff na taga deliver." Bulong nito sakin.
"Sabihin mo kailangan lang hindi pa kumakaen ang staff mo. Double pay kamu."
Inirapan ako ni Manager and do what I said. "O ayan yong manager na daw yong magdedeliver wala na daw kasing staff. Kilala nya naman daw si PD Na kaya nahihiya syang tumanggi."
I wickedly smile at kumaway para magpaalam.
"Hoi kwarto mo yong sinabi ko sa kanya. Bigyan mo sya ng malaking tip!"
I shut the door behind me.
Agad akong dumeretso sa banyo para magfreshen up. Nakailang minuto palang ako dun ay narinig ko ang pagkatok sa pinto ko. Tskk.. ang bilis naman ata.
Huminga ako ng malalim bago pinihit ang seradura ng pinto, para lang magulat sa sumalubong sakin dun.
She grab my head and kiss me deeply..
Hindi ako nakagalaw at natuod ako sa kinatatayuan ko....
_itutuloy_
♥♥♥♥♥♥♥
A/N
Busy sa school, busy sa work activities..
Mag s-slow UD na ako..
Sa mga nag aabang salamat sa paghihintay..
Para sa next UD ano sa tingin nyo ang susunod na mangyayari? Comment all your thoughts. Ang may pinakaclose thought ay bibigyan ko ng...
Ng...
Ticket!
Wish Grant ticket. Haha.. kala nyo ticket sa Suju nu? I'm not that rich. Yong pinakamalapit na sagot ay i gagrant ko yong wish nya in any way. Basta wag lang pera o manggayuma ng minamahal. Haha..
Next UD will be on monday.
#WuiAvinWattpad2015

BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...