Mi Rae's PoV
Nasa hot Spring pa din kami. Naghiwalay kami ni Ran kanina pagkatapos naming kumaen. May date daw sya.
Kanya kanya na kami dito. Kalimutan muna daw ang trabaho.
Dumeretso nalang ako dito sa sauna. Magbabad para matanggal ang pagod ko. Masyadong matagal din ang pamamalagi namin dito sa China. Tapos next week start na ang shoot ng variety show nila.
Pagkatapos kong ma lock ang locker ko ay dumeretso na ako sa sauna room. Pagkakaalam ko wala masyadong tao dito pag lunch time.
Nag budda sit ako at pinikit ang mata ko. Masarap din sa pakiramdam ang pagpawisan.
May nagbubulungan.
Para silang mga bubuyog.
"gisingin mo."
"Kaw na paalisin mo."
"Hayaan na natin."
"Baka makilala tayo."
"Tulog mantika yan sigurado."
"Parang kilala ko sya."
Nanatili akong walang imik. Tama poh kayo nakaidlip ako kanina. Nagising ako ng may marinig akong nagbubulungan. May kasama na ata ako dito sa sauna room.
Pero bat parang boses lalaki? Pinagpawisan ako lalo.
"Lalabas na ako." napatda ako nakilala ko kaagad ang boses na yon.
"Kyungsoo, ano ba may pag m-meetingan pa tayo." hindi ko maalala kung kaninong boses yon.
"Tama si Sehun Dyo wag kang Kj. Importante to."
"May kasama naman tayo dito Kai o." D.O
"Yaan mo tulog yan. Siguradong matanda na yan." boses ni Suho yon.
Narinig ang isang padabog na pag upo ng isang tao.
Hindi ata nila ako nakilala. Kunsabagay balot ng towel ang katawan ko.
"So umisahan na natin?" Suho.
"Oo bilis na." Kai.
"Baekhyun bat ang tahimik mo?" Dyo.
Nanigas ang katawan ko pagkarinig ko sa pangalan nya. Ganun ang nagiging epekto sakin ni Baekhyun simula nang muntik na may mangyari samin sa apartment nila.
"Wala ka na dun. Dumaldal ka nalang nga jan." boses ni Baekhyun yon.
"Nga pala, asan si chanyeol?"
"Malamang kasama si Ran." sagot ko.
"Ha?!!!!" sila.
Natampal ko ang noo ko. Dahilan para mahulog ang towel na nakabalot sa katawan at mukha ko. Nanlaki ang mukha ko ng makita ko ang shock na mukha mga kumag na EXO-K.
"Mir!" D.O
"Chickx!" Kai.
"Gondo. Sino ka?" Sehun.
Napangiwi ako ng binatukan ni Suho si Sehun.
"Official photograper natin sya hindi mo kilala?" Suho.
"Hyung naman." anang maknae na hinimas ang ulo. "Bat iba ata ang itsura mo?"
Hindi ko alam kung anong isasagot kay Sehun. Gusto kong matunaw sa kahihiyan. Gusto kong tumakbo pero ayaw sumunod ng katawan ko.
Bat kasi nandito sila. Mukhang wala naman silang balak magbabad sa sauna kasi nakadamit pa sila.
Napaigtad ako ng maramdaman ko ang pagbalot ng isang towel sa katawan ko. Napatingin ako kay D.O, nasa tabi ko lang pala sya. Damn! nakalimutan kong nakasando lang pala ako at naka short.
BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomanceSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...